Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Jonas sa Bakery dahil maaga kaming pinatawag ni Mrs. Glenda para makausap. Siguro ay baka tatanggalin na niya kami ni Jonas sa trabaho dahil sa ginawa namin kay Ysmael at nakahanda na kami doon.
Bago ako umalis ng bahay ay hindi ko muna kinausap sina Nanay at Tatay dahil masama pa rin ang loob ko sa pagtatalo nila. Ayoko na munang mapag-usapan at isipin pa iyon.
Ngayon ay kaharap namin si Mrs. Glenda na may seryosong tingin sa amin at katabi naman nito si Ysmael na sobrang sama ng tingin sa amin. Napansin ko na may band aid ang parteng gilid ng labi niya at alam ko na dahil ito sa pagsuntok sa kanya ni Jonas.
"Jonas, why did you hurt my son? Ni hindi ko nga siya sinasaktan tapos ikaw pa ang may ganang manakit sa kanya?" Galit na sabi ni Mrs. Glenda kay Jonas.
"Mrs. Glenda, hindi ko po sasaktan si Ysmael kung wala siyang ginawang masama kay Mirae-"
"I get it. Sinabi na sa akin ng anak ko na nililigawan niya si Mirae tapos ikaw naman daw ay nagselos at nagalit dahil nililigawan mo rin si Mirae?" Sarkastiko nitong sabi na ikinagulat ko.
Nang mapatingin ako kay Ysmael ay nginitian niya lang ako ng mapang-asar. Mukhang binabaliktad niya ang sitwasyon at kahit anong paliwanag siguro ang sabihin namin kay Mrs. Glenda ay hindi siya makikinig dahil mas kakampihan niya pa rin ang unico hijo niya.
Napayukom ng kamao si Jonas dahil sa sinabing istorya ni Ysmael kay Mrs. Glenda kaya kaagad kong hinawakan ang isang kamay nito upang kumalma siya.
"Wala hong katotohanan 'yan, Mrs. Glenda. Kilala niyo po ako at hinding-hindi po ako mananakit ng isang tao kung wala ako sa katwiran." Madiing sabi ni Jonas.
Bigla namang tumawa si Ysmael at humalukipkip ito. "So, you're saying that I'm lying to my own mother? You're only an employee here at wala kang karapatang saktan ako dahil lang sa nililigawan ko rin si Miraela."
Kung pwede lang ay kanina pa sana nasunog ang budhi nitong si Ysmael dahil sa galing niyang magsinungaling at baliktarin ang sitwasyon. Alam niyang wala kaming laban sa kanya at sa huli ay hindi pa rin kami paniniwalaan ni Mrs. Glenda.
Hindi na sumagot pa dun si Jonas at ramdam ko ang galit niya pero pinipigilan niya lang iyon.
Bumuntong-hininga naman si Mrs. Glenda. "I'm so disappointed to the both of you kaya wala na akong ibang magagawa kundi ang alisin kayo sa trabaho. Saktan niyo na lahat 'wag lang si Ysmael! Naging mabait ako sa inyong dalawa, Mirae at Jonas pero binigo niyo ako." Mariing sabi ni Mrs. Glenda.
"Sorry po." Sabi ko nalang.
"Close the Bakery right now. Maghahanap na ako ng ibang ipapalit sa inyo. Ipapadala ko nalang ang huling sweldo niyo sa tauhan ko."
Napailing nalang si Mrs. Glenda at kaagad na itong nagtungo sa kotse niya pagkatapos ay pumasok na ito sa loob. Ilang segundo lang ay nakaalis na ang sasakyan niya kaya kaming tatlo nalang nila Jonas at Ysmael ang naiwan dito sa Bakery.
Tinignan ko ng masama si Ysmael at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko.
"Ano, masaya ka na? Pinatanggal mo sa trabaho si Tatay tapos ngayon naman ay nawalan kami ng trabaho ni Jonas dahil sa ginawa mo sa akin? Ganyan na ba talaga kasama ang ugali mo, Ysmael?" Galit kong singhal sa kanya.
Nagkunwari naman itong parang maiiyak sa sinabi ko. "Ow, I'm sorry to hear that, Mirae. Pero masyado ka kasing pakipot at palaban. It's your fault anyway kung bakit pareho kayong nawalan ng trabaho ng soon to be boyfriend mong isa rin'g dukha-"
Nanlaki bigla ang mata ko ng sugurin ni Jonas si Ysmael at muli itong sinuntok sa mukha dahilan para matumba si Ysmael at mahulog ito sa sahig.
"What the? Gusto mo bang sirain ang mukha ko? Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo ang pagpapagawa sa mukha ko kung sakaling pumanget ako?" Sigaw ni Ysmael kay Jonas habang nakasapo ito sa mukha niyang nasuntok.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...