Linggo ngayon at wala kaming pasok ni Jonas sa trabaho. Mamayang hapon ay dadaan daw siya dito para sabay kaming makapagsimba. Siyempre excited din ako dahil sa bukod na magsisimba kami ay makakasama ko ulit siya.
Wala yatang araw na hindi ko iniisip si Jonas. Iyong lalakeng iyon kasi, todo-todo ang ginagawang effort ngayong boyfriend ko na siya. Bukod sa gwapo ay masyado pa itong maaalalahanin at kaya akong protektahan sa lahat. Hinding-hindi ko na talaga ipagpapalit ang Mister ko na iyon!
Bigla ay naalala ko na naman 'yung weirdong lalakeng nakabungguan ko sa plaza. Ang gwapo pa naman kaso ay ang creepy naman nun pero infairness ay mabait naman siya ayon nga lang ay ang weirdo niya. Hindi katulad ni Jonas ay mestizo ang lalakeng iyon, para ngang may lahing banyaga ang itsura niya, e. Teka, bakit ko ba biglang naalala ang lalakeng iyon?
Habang nanonood ako ng TV sa maliit naming sala ay inabutan ako ni Nanay ng listahan na may pera at inuutusan ako nitong mamalengke. Tumango naman ako at kaagad nag-ayos para lumabas ng bahay. Nagsuot lang ako ng t-shirt at itim na jogging pants pagkatapos ay nagtungo na ako papunta sa paradahan ng tricycle.
"Oh! Manika, ikaw pala iyan!" Bati sa akin ni Manong Bert. Isa sa tricycle driver na kaclose ko na rin.
Tinatawag niya akong manika dahil mukha daw kasi akong manika. Tinanggap ko nalang ang naging nickname ni Manong Bert sa akin dahil natutuwa rin ako kapag tinatawag niya akong ganon.
"Hello po, Manong Bert. Good morning sa inyo!" Nakangiting bati ko naman.
"Good morning rin. Inutusan ka ba ng Nanay mo na mamalengke?" Tanong niya na ikinatango ko.
"Manika, matanong nga kita, anong skin care mo?" Nakakunot-noo niyang tanong na ikinatawa ko naman.
"Bakit niyo naman po natanong 'yan?" Nakangiti kong sabi.
Nagkamot naman siya sa batok. "Iyong panganay ko kasing si Melissa, masyadong tigyawatin. Namomroblema kung papaano daw kikinis ang mukha niya. Sumubok naman siya ng ibang produkto pero hindi pa rin nababawasan ang mga tigyawat niya sa mukha." Sabi nito.
Nakakatuwa naman itong si Manong Bert. Nakikita ko ang pag-aalala niya sa anak niya. Naalala ko sa kanya si Tatay.
"Sa totoo lang Manong Bert ay wala naman po akong pinapahid sa mukha ko bukod sa pulbo." Pag-amin ko.
Totoo iyon. Ni hindi nga ako masyadong naglalagay ng kung ano sa mukha ko maliban nalang sa pulbo at liptint naman na nilalagay ko sa labi para hindi magdry ito.
Nanlaki ang mga mata ni Manong Bert sa sinabi ko. "Talaga? Pero bakit napakakinis ng mukha mo, Manika?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat naman ako. "Hindi ko nga rin po alam, e. Hindi nga po ako araw-araw naghihilamos ng mukha. Ang i-aadvice ko nalang po sa anak niyo ay 'wag na siyang gumamit ng kung anong produkto sa mukha niya. Iwasan niya rin pong hawak-hawakan ang mukha niya at kung maaari po ay isang beses lang siya maghilamos sa isang araw. Base po 'yan sa experience ko, ha?"
Tumango-tango naman si Manong Bert sa sinabi ko at pinasakay na ako nito sa loob ng tricycle niya.
"Talaga ngang pinagpala ka sa itsura, Manika. Bukod sa napakabait at maganda kang dalaga ay napakakinis mo pa. Ang swerte naman talaga ng anak ni Rosie, oh." Naiiling niyang sabi na ikinahinto ko.
"A-Alam niyo na pong boyfriend ko si Jonas?" Gulat kong tanong.
"Oo, Manika. Sinabi niya iyon mismo sa akin nung makasalubong ko siya sa daan." Sagot ni Manong Bert.
Nang makapasok na ako sa loob ng tricycle ay inumpisahan na ni Manong Bert na paandarin ito. Napangiti nalang ako, kahit pati kay Manong Bert ay ipagsisigawan ni Jonas na girlfriend na niya ako. Napakasweet talaga nun!
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
Ficción GeneralMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...