Chapter 30

18.5K 440 151
                                    

Ayoko nang mag-isip ng kung anu-ano dahil alam kong mai-istress lang mula sa sinapupunan ko ang magiging baby ko. Kung sinuman ang ama sa kanila ay bahala na dahil kagagawan naman ng tatlong iyon kung bakit ako nabuntis.

Ipinaalam na namin ni Jonas sa pamilya ko na buntis ako pero hindi pa namin sinasabi na hindi ko alam kung sino ang magiging ama ng baby ko. Ang akala nina Nanay at Tatay ay si Jonas lang ang ama nito pero hindi nila alam na pwede rin na si Josiah iyon o si Andy.

Dahil sa nalaman iyon ni Kuya Macky ay luluwas siya dito sa Maynila para tignan ang kalagayan ko. Alam kong lubos siyang nag-aalala sa akin at alam rin naman niya na bumalik na ang memorya ko.

Kahapon ay nagpatest na kami nina Josiah at Jonas para sa DNA Paternity Test bago ako madischarge sa Ospital dahil sa tangka kong pagsusuicide. Kung pareho man silang mag negatibo sa test ay awtomatikong si Andy na ang ama ng magiging anak ko at kailangan ko nang aminin iyon sa kanila.

Nandito ngayon sa condo unit namin ni Jonas si Josiah. Palihim nalang akong napapangiti dahil sa pagiging concern nito sa akin at sa baby ko. May mga dala pa nga itong unisex na damit at mga laruan para daw kay baby. Excited na ito sa ipinagbubuntis ko kaya mas malulungkot lang ako kapag hindi siya ang tunay na ama nito.

"You're very irritating, Josiah!" Inis na sabi ni Jonas at humalukipkip ito habang nakatingin ng masama kay Josiah.

Hindi naman pinansin ni Josiah ang sinabi ni Jonas at bumaling lang ito sa akin saka ako inabutan ng isang paper bag.

"I asked Mom about her pregnancy before. She recommended some Vitamins and milk for your pregnancy stage. You can drink that. It's safe." Sabi niya.

Nahihiya naman akong tumango at kinuha ang paper bag. "Salamat."

Alam na pala ni Tita Eirie na buntis ako. Mas lalo lang akong naguilty dahil hindi pa ako sigurado kung si Josiah ba talaga ang ama nito.

Ilang saglit pa ay may nagbuzz mula sa condo unit ni Jonas at sa tingin ko ay si Kuya Macky na iyon. Nagtext kasi ito kay Jonas na malapit na siyang makarating dito. Nag-leave pa siya ng isang araw sa trabaho niya bilang Architect para mapuntahan ako dito. Talagang mahal na mahal talaga ako ng kuya ko.

Napatayo naman si Jonas mula sa pagkakaupo niya sa sofa at nagtungo sa pintuan ng condo unit niya. Binuksan niya ito at kaagad bumungad sa amin si Kuya Macky na malawak ang ngiti at may dala pa itong isang bag ng maleta.

Nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Itinago naman ni Jonas ang hawak ni Kuya na maleta sa gilid ng sofa.

"Little sis, namiss kita!" Nakangiting sabi ni kuya at kinurot nito ng mahina ang pisngi ko.

"Ako din, kuya." Nakangiting sabi ko naman.

Nang mapansin ni Kuya Macky si Josiah sa tabi ko ay kaagad itong nakipag-kamay sa kanya. Tinanggap naman ito ni Josiah.

"It's nice to see you again, Josiah. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng pormal sa'yo, I'm Mark Angelo. Kapatid ako ni Mirae." Seryosong sabi niya.

Tumango naman si Josiah. "Nice to see you, too."

Bumaling naman si Kuya Macky kay Jonas. "Sa huling pagkikita natin ay sinapak mo 'tong si Josiah sa beach resort, ah? Anong mabuting hangin ang dumapo sa'yo at nandito siya at pumayag kang makita niya si Mirae?" Nakangising tanong niya.

Hindi pa pala alam ni Kuya ang dahilan kung bakit nandito si Josiah. Hays.

Hinawi naman ni Jonas ang buhok niya at inis itong umupo ulit sa sofa.

"Eh kasi 'yang lalakeng 'yan ay nakipagtalik rin kay Mirae at hindi namin alam kung sino ba talaga ang tunay na ama ng magiging baby niya. Kahit gusto ko pang bugbugin sa harapan niyo si Josiah dahil sa galit ko dyan ay hindi ko magawa dahil makakasama 'yon kay Mirae." Nakatiim-bagang na sabi ni Jonas na nakatitig ng masama kay Josiah na ikinagulat naman ni Kuya Macky.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon