Iyak lang ako ng iyak sa mga bisig ni Jonas habang patuloy niya pa rin akong pinapatahan. Nandito kami ngayon sa parke at hindi na kami nakapasok pa sa trabaho dahil sa ginawa sa akin ni Ysmael kanina.
Alam kong nanganganib na mawalan kami ng trabaho ni Jonas pero ang sabi niya ay huwag ko na raw munang isipin iyon at pwede pa naman kaming makahanap ng ibang trabaho. Mahalaga kay Jonas ang pagtatrabaho sa Bakery dahil mas doble ang kita namin doon kumpara sa minimum wage dito sa probinsya ng San Alfonso.
Tinaasan ni Mrs. Glenda ang sweldo namin dahil mga kakilala niya kami at mabait rin siya sa amin pero sa ngayon, hindi ko na alam dahil kinalaban namin ang anak niyang si Ysmael.
Nang matigil na ako sa pag-iyak ay humarap ako kay Jonas. "Jonas, patawad kung nadamay ka pa sa gulo kanina at baka mawalan ka na ng trabaho-"
Kaagad niya akong pinatigil sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglapat ng isang daliri niya sa labi ko.
"Huwag mo nang alalahanin 'yon, Mirae. Makakahanap pa naman tayo ng ibang trabaho. Hindi ko hahayaan na magawan ka ulit ng masama ni Ysmael. Nililigawan na kita kaya duty ko lang na protektahan at bantayan ka." Nginitian niya ako na mas lalo pang ikinatuwa ng puso ko.
Sa lahat ng lalake ay si Jonas lang ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ko. Panatag ang loob ko kapag kasama ko siya at alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya. Alam ko rin na hinding-hindi niya ako bibiguin.
"Salamat, Jonas. Salamat at dumating ka sa buhay ko." Niyakap ko siya hanggang sa naramdaman ko nalang na hinahagod-hagod niya ang balikat ko.
"Salamat rin at dumating ka sa buhay ko, Mirae. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at hindi ko hahayaan na magkahiwalay tayo." Puno ng sinseridad niyang sabi.
Sa mga sinabi ni Jonas ay umaasa ako doon at kahit kailan ay hindi siya makakalimutan ng puso ko.
Makalipas ng isang oras ay tumambay muna kami sa parke at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa namin alam sa isa't-isa.
"Sigurado ka bang hindi ka pa nagkakagirlfriend man lang? Ang gwapo-gwapo mo kaya tapos palagi ka pang pinagtitinginan ng mga customers natin sa Bakery." Nakalabi kong sabi kay Jonas habang nakaakbay siya sa akin.
Natawa naman siya ng mahina sa sinabi ko. "Nagkaroon naman ako ng mga ka M.U noong nasa high school pa lang ako pero hindi pa talaga ako nagkakagirlfriend dahil nga sa wala na rin akong time pa para makipagdate. Busy rin akong mag-aral nung college dahil ang hirap rin ng kurso kong Mechanical Engineering kaya mas nagfocus ako doon. Pagkatapos kong grumaduate ay nagtake naman ako ng Pastry and Bread short course sa TESDA kaya wala na talaga akong time pa para magkagirlfriend." Sabi niya at kinurot nito ng mahina ng ilong ko.
Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Nakakabilib si Jonas dahil mas nagfocus talaga siya sa future niya para sa pamilya niyang umaasa sa kanya.
"Eh ikaw, Mirae. Bakit wala ka man lang sinagot na isa sa mga manliligaw mo? 'Yung iba doon ay mayayaman katulad nalang ni.." Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin niya at bumuntong-hininga nalang.
Hinawakan ko naman ang isang kamay ni Jonas. "Anong magagawa ko kung hindi ko sila type? At 'yung tungkol sa panliligaw sa akin ni Ysmael? Neknek niya na papatulan ko siya! Ang lakas ng loob niyang suhulan sina Nanay at Tatay para magawa niya ang balak niya sa akin. Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa manyak at hambog na lalakeng iyon, no!" Nakangiwi ko pang sabi na ikinatawa naman ni Jonas.
Kinikilabutan talaga ako kung sakali mang maging boyfriend ko ang Ysmael na iyon. Masyado siyang hambog at mapangmaliit sa aming mahihirap. Kung ang ibang babaeng nagkakagusto sa kanya ay napipikot niya sa pamamagitan ng kagwapuhan at yaman nila ng pamilya niya pwes sa akin ay hindi uubra iyon.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...