Chapter 11

20.4K 607 338
                                    

Nagising na lamang ako na may tumatamang ilaw na nanggagaling sa bintana. Madilim ang kwarto kung saan ngayon ay nakahiga ako sa isang puting kama.

Napatingala ako dahil parang may matang nakamasid sa akin. Kaagad akong kinabahan sa klase ng mga titig niya.

Mayroon siyang itim na aura at aaminin ko na napakagwapo din niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang ito maalala.

As in wala akong maalala. Kahit pangalan ko o kung saan ako nanggaling ay hindi ko rin matandaan.

I'm clueless!

"S-Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko.

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan ang isang kamay ko.

"I'm Josiah. Your husband." Sabi nito sa baritonong boses niya.

Ang pangalan niya ay Josiah? At asawa ko daw siya? Nakaramdam kaagad ako ng kirot sa sentido ko dahilan para lumapit sa akin ang lalakeng nagpapakilalang asawa ko.

Siguro ay kaya nga siya pamilyar sa akin ay dahil sa asawa ko siya. Napansin ko na may nakakabit din pala sa aking mga suwero at kung anong tubo sa may ulo ko na nakakonekta sa isang machine sa gilid ng kama. Naka bandage ang ulo ko at nakasuot ako ng isang puting bestida.

"Are you alright?" Tanong niya saka nito inayos ang pagkakakabit ng tubo sa ulo ko.

Tumango naman ako dahil kaagad rin nawala ang sakit ng sentido ko.

"Bakit may mga nakakabit sa aking tubo? Ano bang nangyari sa akin?" Tanong ko.

Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "You've been comatose for 5 years. Nabangga ang sinasakyan nating kotse sa daan dahilan para ma-comatose ka. You didn't remember anything, right?" Seryosong tanong nito. Tumango naman ako.

"I guess you have an amnesia." Sabi niya na ikinalungkot ko.

Bakit ganito? Bakit kailangang mawalan ako ng alaala nang dahil sa isang aksidente? Hindi ko na napigilan pang mapaluha.

Pinunasan naman ni Josiah ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay wala akong kwenta dahil kahit ang asawa ko ay hindi ko na rin maalala.

"Don't force yourself to get your memory back. I'm glad that you're now awake and safe. I will take care of you, don't worry." Sabi niya habang hinahagod nito ang likuran ko.

Tumango nalang ako at muli siyang hinarap. "A-ano nga palang pangalan ko?"

Hinawakan naman niya ang isang kamay ko. "Your name is Olivia."

Olivia. Napangiti ako dahil nalaman ko na rin ang pangalan ko.

Itong lalakeng nasa harapan ko ay si Josiah na asawa ko. Tinignan ko siya ng mariin. Para itong masungit tignan at mukhang palaging seryoso sa mga bagay-bagay. Paano ko kaya siya minahal? Siguro ay dahil sa pagiging maaalalahanin niya sa akin katulad nalang ngayon.

Marami pa akong gustong tanungin kay Josiah tungkol sa pagkatao ko o kung bakit kami naaksidenteng dalawa pero siguro ay kailangan ko munang magpahinga at baka babalik rin naman siguro ang memorya ko sa susunod. Ang sabi nga niya ay limang taon ako na-comatose, napakatagal na panahon din nun at baka nalungkot siya dahil tulog lang ako at walang malay sa mga panahong iyon. Tapos ngayon ay hindi pa ako makaalala.

Nang bumuti-buti ang pakiramdam ko ay sinabi ko na rin kay Josiah na tanggalin na nito ang lahat ng nakakabit sa katawan ko dahil mabuti na ang pakiramdam ko at sa wakas ay nagising na rin ako.

Napansin kong mukhang naging silid ng Ospital ang kwarto na tinutulugan ko. Malaki nga siguro ang napinsala sa utak ko kaya na-comatose ako at nawalan ng alaala.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon