Chapter 22

18.5K 535 65
                                    

Since requested ito ng friend ko na Wattpad author din at binabasa niya 'tong story ko ay POV's to ng apat na boylalet ni Mirae so enjoy!

THIRD PERSON'S POV

Tila hindi maawat ni Ivan ang kaibigan niyang si Ysmael dahil sa walang humpay na pag-inom nito. Sanay na sanay na siya sa kaibigan dahil alam naman niya kung gaano ito kabaliw noon pa kay Mirae. Mga bata palang sila ay alam na niyang may gusto si Ysmael sa dalaga.

Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Miraela Albañez? Halos kalahati nga yata ng populasyon ng mga binata sa San Alfonso noon ay may gusto kay Mirae kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit pati si Ysmael ay nahulog na rin nang tuluyan sa dalaga.

"Ivan, I did everything to ruin Mirae and Jonas relationship pero hanggang ngayon ay sila pa rin ang nagkatuluyan. He even managed to find her! Bakit ganon? Bakit si Jonas nalang palagi ang nagiging masaya sa huli?" Tumatawang sabi ni Ysmael saka ito sumandal sa couch dahil sa matinding kalasingan.

Napahilot nalang ng sentido si Ivan sa inaasal ng kaibigan niya. Siya nalang ang nakakatagal sa ugali nito dahil ang pinsan niyang si Randel ay kumalas na sa pagkakaibigan nito kay Ysmael at payapa nang nagtatrabaho sa Maynila.

Kahit papaano kasi ay may pusong santo si Randel hindi katulad niya at ni Ysmael. Nakonsensya ito sa ginawa nila 5 years ago na pagdukot kila Mirae at Jonas at nalaman pa iyon ng Dad nito kaya huminto na si Randel sa pakikipagkaibigan niya kay Ysmael.

"You know what dude, you know they really love each other, right? Kaya parang mahirap na paghiwalayin silang dalawa." Bumuntong-hininga si Ivan at ininom ang hawak niyang beer in can.

"How can I accept that? You know how much I love Mirae at hindi ko pa rin matanggap na tinakasan niya ako noon dahil ayaw niya akong makasama!" Nayayamot na hinawi ni Ysmael ang kanyang buhok at pumikit ng ilang beses.

Nagtataka rin si Ysmael kung ano ba ang kulang at ayaw sa kanya ni Mirae. Dahil ba ito sa personalidad niyang matapang at ayaw malamangan sa lahat? Kaya naman niyang magbago para kay Mirae pero hindi naman siya binibigyan ng pagkakataon ng dalaga para maging sila.

Si Jonas nalang palagi ang pinipili nito. Sa nakalipas na limang taon ay saksi si Ysmael sa unti-unting pagbabago ni Jonas. Naging mas matapang at hindi na rin ito nagpapatalo simula nang mawala si Mirae at sinira niya ang buhay nila. Alam niyang hindi na madaling kalaban si Jonas ngayon lalo pa't umangat na ang buhay nito at halos magkasing pareho na rin ang estado nila sa buhay.

"You can't do anything about that right now, Ysmael. Ilang beses ka na bang gumamit ng babae na halos kamukha ni Mirae para lang makalimutan siya? But still, you love her until now."

Tama ang sinabi ni Ivan. Ilang beses nang gumamit ng babae si Ysmael para lang mapunan niya ang pangangailangan niya bilang isang lalake kay Mirae. Kapag kahawig ni Mirae ang isang babae ay pinapatos na kaagad niya ito at kapag nagsawa na siya ay hahanap ulit siya ng panibagong kahawig nito. Playboy man siya pero kung si Mirae ang lalapit at magmamakaawa sa pagmamahal at atensyon niya ay walang pag-aalinlangan siyang susuko dito.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makalimutan ang maganda at sexy na katawan ni Mirae sa suot nitong black bikini two piece. Nang makita niya kanina ang kabuuan ng dalaga sa beach ay bigla nalang nagreact ang ibabang bahagi niya. Kapag si Mirae talaga ang nakikita niya ay palagi siyang naaakit dito. Napakaswerte ni Jonas at siya ang natipuhan ni Mirae.

Unti-unti na namang umusbong ang galit at selos sa puso niya. Matapang man siya, salbahe, mapagmataas o mayabang ay nasasaktan pa rin siya nang dahil kay Mirae. Ito ang kahinaan niya bilang si Ysmael Buenavista.

Si Mirae ang kahinaan niya.

"This time, hindi ako papayag na malamangan ulit ako ni Jonas. I will get Mirae no matter what happened. Kahit pati si Josiah Avenido ay nakikisali na rin sa amin." Matigas na sabi ni Ysmael at nilagok nito ang natitira pang beer sa lamesa.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon