Chapter 23

18.5K 485 88
                                    

THIRD PERSON'S POV

Tahimik lamang na pinagmamasdan nina Josiah at Mirae ang kabuuan ng dagat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Josiah pagkatapos nitong sabihin na mag-uusap sila ni Mirae.

Ang totoo niyan ay sinusulit ng binata ang oras na magkasama sila ngayon. Hindi niya maitatanggi na sobra niyang namiss si Mirae. Tahimik man siya at hindi gaanong expressive ng nararamdaman niya para dito ay mahal niya ito. Ito ang kauna-unahang babaeng minahal niya dahil sa nakalipas na limang taong inalagaan niya ito mula sa pagkaka comatose ay mas lalo pang nahulog ang loob niya kay Mirae.

"Wala ka bang balak makipag-usap? Naghihintay ako." May himig na pagtatampong sabi ni Mirae na ikinatuwa naman ni Josiah.

Humarap si Josiah sa dalaga at hinawakan ang isang kamay nito.

"I'm sorry."

Natigilan doon si Mirae at mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso niya dahil hinahawakan ni Josiah ang isang kamay niya.

"B-Bakit mo ako itinago ng limang taon sa pamilya ko?"

Nagawa pa rin makapagsalita ni Mirae kahit parang tumatambol na ang puso niya sa sobrang bilis ng pagpintig nito.

Tinignan naman siya ni Josiah ng seryoso. "Because I'm afraid na kapag binalik kita sa inyo ay gawin ulit ni Ysmael Buenavista ang binabalak niya sa'yo." Sabi nito.

Natigilan si Mirae doon.

"A-Alam mo na si Ysmael ang dahilan kung bakit nawala ako at kinidnap kasama si Jonas?"

Tumango naman si Josiah. "I know him very well, Mirae. His father was my father's business partner and when we visited them here in San Alfonso, I saw your pictures on his phone." Huminga ng malalim si Josiah at muling tumingin sa dagat.

"I even listened to his conversation with his friend. 'Yun 'yung planong kidnappin ka kasama ang boyfriend mo. I think you know how much he's crazy about you based on his actions."

Hindi nakapagsalita si Mirae. Sa parte palang na nagwala si Ysmael sa restaurant nang makita siya nito ay alam niyang baliw na ito sa kanya. Mas malala pa siguro ang ginawa nito noon masira lang ang relasyon nila ni Jonas kaya naisipan niyang dukutin siya at ilayo dito.

"Si Andy ang unang nakakita sa'yo na walang malay sa gitna ng kalsada ng San Andres. Katabi 'yon ng bayan ng San Alfonso at doon kayo dinala ni Ysmael. You got a severe head injury dahil nabangga ka ng isang sasakyan. That's the reason why that you've been in coma and get a memory loss." Bumuntong-hininga ulit si Josiah.

Ngayon ay alam na ni Mirae kung paano siya nakita nila Josiah at Andy.

"Luckily, we're heading to San Andres dahil sinundan namin ang Dad ni Andy doon for his business thing. We have an idea na kagagawan ni Ysmael ang nangyari sa'yo dahil narinig ko ang plano niyang kuhanin ka kay Jonas Villanueva."

"Pero bakit sinabi mo sa aking asawa kita nung una? At bakit nagsinungaling rin sa akin ang pamilya mo?" Malungkot na tanong ni Mirae.

"I already tell them the reason why I got you. They understand me at sinakyan nila ang sinabi kong magpanggap na asawa mo including Andy." Tumawa ng mahina si Josiah at mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ni Mirae.

Ngumuso naman si Mirae. "Eh bakit kinailangan mo pang magpanggap na asawa ko?" Sabi ng dalaga.

Humarap naman si Josiah sa kanya. "I really don't know why I said that, too but one thing for sure is, I badly want you."

Sa sinabi nito ay tila natuwa si Mirae. Alam niyang unfair para sa totoo niyang nobyo na si Jonas na iba ang lalakeng minamahal niya ngayon. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya at mas lalo pa itong pinagulo ni Josiah.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon