Chapter 21

18.9K 542 160
                                    

Pangalawang araw na namin ni Jonas dito sa San Alfonso at habang nag-leave muna siya sa trabaho niya ng isang linggo ay sinusulit na namin ang nalalabi naming mga araw dito.

Gusto kong samahan pa rin siya sa Maynila para kahit papaano naman ay may mag-asikaso sa kanya dahil mag-isa lang siya sa condo unit niya. Utos rin iyon sa akin ni Nanay dahil baka malungkot raw si Jonas kapag hindi ako sumama sa kanya.

Ngayon ay napagpasyahan nila Kian, Claire at Kuya Macky na maligo daw kami sa dagat na malapit dito. Pumayag naman kami ni Jonas dahil gusto rin naming makabonding ang mga kapatid namin.

Nandito na kami ngayon sa dagat at nagsuot lang ako ng t-shirt na kulay pula at maong shorts. Bigla ay lumapit sa akin si Claire at halos namangha ako sa ganda ng katawan niya dahil sa two piece nitong suot.

"Ate Mirae!" Nakangiting bati niya nang makalapit ito sa akin.

"Oh, Claire. Bakit hindi ka pa magswimming?" Tanong ko.

Hinawakan naman niya ang isang braso ko. "Syempre kapag maliligo ako ay dapat kasama ka. Tsaka gusto kong pareho rin na nakasuot tayo ng two piece kaya papalitan natin 'yang suot mo!" Nakangising sabi niya.

"Ha? Ako magsusuot ng two piece? Baka magalit pa ang kuya mo kapag nagsuot ako nyan!" Sabi ko naman at sinulyapan si Jonas na busy sa pag-iihaw ng barbecue kasama sina Kian at Kuya Macky.

"Bakit naman siya magagalit? Walang masama kung magsuot ka ng two piece dito sa beach. Ang sexy mo kaya, Ate Mirae kaya 'wag mong itago 'yang katawan mo." Sabi pa ni Claire at kaagad na nga ako nitong hinila papunta sa may Restroom nitong beach resort.

Hindi na ako nakapalag pa nang hinila niya ako. Pinasusuot niya sa akin ang isang kulay black na bikini na medyo revealing. Kahit ayokong suotin iyon ay wala naman akong nagawa dahil mapilit si Claire kaya sinuot ko nalang din. Pinatungan ko naman ng kanina ko pang suot na t-shirt at maong shorts ang two piece na suot ko saka ko nalang ito tatanggalin kapag lulusong na kami ni Claire sa dagat.

Pagkalabas namin sa Restroom ay nilapitan naman ako ni Jonas at hinapit ang bewang ko.

"Where have you been?" Tanong niya.

"Sus! Kuya. Nalingat ka lang sandali ay hinahanap mo na kaagad si Ate Mirae. Sinamahan lang niya ako sa Restroom at may surprise siya sa'yo." Ngumiti naman si Claire nang nakakaloko sa akin at ako naman ay namula lang.

Ang surprise siguro na sinasabi niya ay ang suot kong two piece suit. Hindi ko alam kung magagalit ba si Jonas dahil nagsuot ako nito. Napapansin ko kasi ang pagiging seloso niya nitong nakalipas na dalawang araw. May lalake lang na tumitingin sa akin ay pinagsasabihan na kaagad niya iyon na huwag tumingin sa akin kaya inilalayo niya ako sa mga ito at hindi niya rin ako pinapalabas ng bahay. Ngayon lang ulit kami nakalabas dahil pinagbigyan lang namin ang request ng mga kapatid namin.

Kumunot naman ang noo ni Jonas sa sinabi ni Claire at bumaling ito sa akin.

"What surprise?" Tanong niya.

"Surprise nga kaya bakit ko sasabihin sa'yo?" Sabi ko naman dahilan para tumawa sila ni Claire.

"Oh, yeah. Bakit ko nga pala tinatanong? And you, Claire. Alam kong malokong bata ka kaya 'wag mong idadamay si Mirae dyan sa mga kalokohan mo, ha?" Sermon naman ni Jonas kay Claire na nagpout sa sinabi niya.

"Grabe ka naman sa akin, Kuya! Nagiging maloko lang ako dahil nagpapa-cute ako kay Ivan." Nakasimangot niyang sabi.

"Ivan? 'Yung anak ni Vice Mayor Go? You had a crush on him? Tigilan mo ang lalakeng 'yon ah dahil kaibigan 'yan ng gagong si Ysmael." Inirapan pa ni Jonas si Claire na sinamaan lang siya ng tingin at hindi na muling nagsalita pa.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon