Chapter 14

19.4K 622 185
                                    

Lumipas ang lunes at pilit ko nalang kinakalimutan ang mga narinig ko sa lalakeng naka grey suit kausap 'yung lalakeng naka itim na suit. Bakit ko nga ba pinoproblema ang mga walang kwentang bagay kung hindi naman mahalaga iyon? May asawa na ako at mas makabubuti sigurong kay Josiah nalang ako magfocus kaysa ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay.

Nakahiga ako ngayon sa kama kahit 7pm palang. Nakapagluto na rin ako ng dinner para sa amin mamaya ni Josiah at  nagpatulong pa ako sa katulong namin. Medyo napagod rin ako sa pagluluto kaya nagpapahinga ako ngayon.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwartong hindi ko ini-lock at nagulat ako nang si Andy ang bumungad sa akin.

"A-Andy? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at kaagad bumangon mula sa kama.

Lumapit naman siya sa akin na may malungkot na tingin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap.

"Olivia, I don't know what to do anymore. Ang dami kong nalaman ngayon tungkol sa past nina Mom at Dad." Mahinang sabi niya habang nakayakap pa rin sa akin.

Niyakap ko na rin siya pabalik nang maintindihan ko na ang dahilan kung bakit siya malungkot.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka niya ako hinarap.

"Ano bang nangyari, Andy?" Tanong ko.

Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "Nalaman ko na kinidnap pala noon ni Dad si Mom dahil hindi siya magawang magustuhan ulit ni Mom at doon ay binuntis niya si Mom para hindi na ito makawala pa sa kanya. I also found out na namatay ang ex-boyfriend ni Mom na bestfriend rin niya dahil sa kinaibigan ni Mom na taga San Alfonso. Iyong kinaibigan niya ay naobsess rin pala sa kanya same with my Dad." Malungkot niyang sabi saka ito napayuko.

Nang marinig ko na naman ang pangalan ng lugar na iyon ay medyo kinabahan ako pero ipinagsawalang bahala ko nalang iyon. Hinawakan ko ang isang kamay ni Andy dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Pero mahal naman ngayon ng Mom mo ang Dad mo, hindi ba? Past na 'yon, Andy at siguro hindi lang nila sinabi 'yon sa'yo para hindi ka mabigla." Sabi ko.

"Pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan nung nalaman ko 'yon, Olivia. Hindi ko alam na magagawa pala 'yon ni Dad para lang makuha si Mom. May obsessive disorder si Dad pero nagagawa niyang makontrol 'yon. I don't know pero mukhang mamamana ko rin ang sakit niyang 'yon but I hope not." Tumawa siya ng mapakla at umiling pagkatapos.

Marami talagang nagagawa ang isang tao para lang sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay nakakabaliw at minsan ay nakamamatay rin. Ang isang taong matino ay pwedeng mabaliw nang dahil sa sobrang pagmamahal. Magkakaiba ang mindset ng tao at hindi ko kayang husgahan ang Dad ni Andy dahil baka talagang nagmahal lang ito ng sobra sa Mom niya o dahil na rin sa may sakit ito.

"Naiintindihan kita, Andy. Alam kong nabigla ka lang sa mga nalaman mo sa kanila pero magiging maayos rin 'yan. Ang isipin mo nalang ay ang kasalukuyan." Nakangiting sabi ko dahilan para mapatitig siya sa akin na ipinagtaka ko.

"Andy?"

Nakatitig pa rin siya sa akin dahilan para mamula na ako sa sobrang hiya.

"Do you love Saiah?" Seryosong tanong niya dahilan para matigilan ako.

Mahal ko nga ba si Josiah? Sa katunayan ay may mga bagay akong hindi maipaliwanag kapag kasama ko siya. Masaya ako kapag kasama siya at napapangiti niya rin ako sa paminsan-minsan niyang pagiging sweet. Isa pa sa mga hinahangaan ko kay Josiah ay marunong siyang magpigil ng sarili niya kapag katabi ako. Nirerespeto niya ako bilang babae at habang wala pa akong alaala ay hindi niya ako binibiglang gawin ang mga duties ko bilang asawa niya.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon