Chapter 7

21K 599 44
                                    

Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat at pasa ni Jonas at nandito na kami ngayon sa bahay. Wala pa si Tatay dahil nasa trabaho pa daw ito habang si Nanay naman ay nasa Barangay pa. Secretary kasi siya do'n at alam ko na marami pa itong inaasikaso. Baka siguro ay bukas na iyon makakauwi dahil minsan ay nag-oovernight talaga siya sa trabaho niya.

Hindi tulad ng kanina ay mas maayos nang tignan si Jonas. Pinalitan ko na rin siya ng damit na pinaglumaan na ni Tatay dahil may mga bahid pa ng dugo ang t-shirt niya. Sigurado akong hindi pa muna siya makakapasok ng trabaho dahil sa kalagayan niya at ganon na rin siguro ako dahil kailangan ko siyang bantayan.

"Ang mas mabuti pa siguro, Jonas ay iwasan nalang muna natin si Ysmael para hindi ka na ulit mapahamak. Kung hindi pa siya tumigil sa pambubugbog sa'yo ay baka mapatay ka na niya." Nag-aalala kong sabi.

Umiling naman si Jonas. "Ano ba 'yung ginawa natin kanina, Mirae? Iniwasan naman natin siya, hindi ba? Pero hinarang pa rin niya tayo kasama ang mga kaibigan niya. Nananahimik naman tayo pero siya 'tong kusang ginugulo ang buhay natin." Madiin niyang sabi.

Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan naman talaga noon pang pagkabata sina Ysmael at Jonas pero simula yata nung mag-aral si Ysmael sa ibang school ay doon na ito tuluyan nagbago. Sa laki ng ipinagbago niya ay halos hindi ko na rin siya nakilala.

"Bakit ba siya tuluyang nagbago? 'Di ba bestfriend mo siya dati?" Tanong ko.

Bumuntong-hininga siya. "Ayon rin ang hindi ko alam pero sa nakikita ko ay malaki na talaga ang galit niya sa akin." Napayuko si Jonas saka siya muling tumingin sa akin.

"Isa siguro sa dahilan ay ikaw. Matagal na siyang may gusto sa'yo, Mirae at alam niya rin na may gusto ako sa'yo noon pa. Hindi lang siya makalapit sa'yo dahil hindi siya gusto ni Macky na makatuluyan mo."

Alam ko iyon. May alitan na talaga noon pa sina Ysmael at ang kuya kong si Macky dahil inahas ni Ysmael ang naging girlfriend ng kuya ko at ang dahilan? Dahil ito sa hindi pagpayag ng kuya ko na makalapit siya sa akin. Doon binugbog ni Ysmael si Kuya Macky dahil sa matinding galit niya. Sinagot naman ni Mrs. Glenda ang pagpapagamot sa kuya ko dahil sa ginawa ng anak niya at wala namang magagawa ang pamilya namin dahil hindi namin kayang kalabanin ang pamilya Buenavista.

"Kahit na kailan ay hindi ko hihilingin na makatuluyan si Ysmael. At sa ginawa niya sa'yo? Mas lalo lang nadagdagan ang galit at pagkamuhi ko sa kanya." Mariin kong sabi.

Inakbayan naman ako ni Jonas. "Hindi rin naman ako papayag na maagaw ka ng iba sa akin. Kaya kong tiisin ang pambubugbog niya 'wag ka lang niyang masaktan, Mirae."

Napanatag ang loob ko sa sinabi ni Jonas at napangiti nalang. Kapag siya talaga ang nagsasalita ay mas lalong gumagaan at nagiging masaya ang loob ko. Walang ibang lalake ang nakakagawa sa akin nito kundi siya lang. Mahal ko nga talaga siya.

Nagstay pa si Jonas ng ilang oras sa bahay bago na ito umuwi sa bahay nila. Sinabi niyang kaya pa daw niyang pumasok bukas sa trabaho at kahit sinabi kong huwag na dahil sa kalagayan niya ay nagpumilit ito at sinabing okay na daw siya at malayo naman sa bituka ang tinamo niyang bugbog.

Eh halos nga kanina ay hindi na siya makagalaw at pinuruhan siya ng todo ni Ysmael tapos ngayon sasabihin niyang okay na siya? Matigas talaga ang ulo din nitong si Jonas, e. Ayon at sinabi niyang susunduin niya ulit ako ng maaga dito sa bahay para sabay na kaming pumasok at no choice ako kundi sumang-ayon nalang.

Kinabukasan ay maaga nga akong sinundo ni Jonas sa bahay. Napailing nalang ako nang makitang marami siyang band aid sa katawan. Hindi naman siya gaanong napuruhan sa mukha pero sa katawan niya ay bakas na bakas talaga ang mga sugat at pasa niya.

Nagpaalam na kami ni Tatay na pupunta na sa trabaho at sinabi nitong mag-iingat kami samantalang si Nanay naman ay tumango nalang sa amin at hindi na nagsalita pa.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon