Author's Note

13.3K 361 75
                                    

Maraming salamat sa mga nagbabasa, magcocomment at nagvovotes sa story na ito. Natapos na rin siya at kinailangan ko nang tapusin dahil sa totoo lang ay frustrated na ako sa hina ng signal dito sa bundok at minsan ay ayaw pa magload nitong Wattpad app ko. 😂

Sinunod ko lang ang suggestion ng karamihan sa mga readers nito na gawing sila nalang apat ang makatuluyan ni Mirae sa pasurvey ko noon. First time kong magsulat ng Polyamory story at hindi ko alam kung maganda ba talaga ang mga sinusulat ko dahil sa tingin ko ay kailangan ko pa ng maraming improvements sa pagsusulat at pagdescribe ng mga bagay sa isang story. Yung mga grammatical errors at spellings ay nag exists din dito.

Napansin niyo naman na sa lahat ng stories ko ay ito lang ang maraming nakatuluyan ang bidang girlalu. Sa previous stories ay stand alone male lead lang ang nakakatuluyan ni female lead.

Hindi ako sanay na magsulat ng ganitong story dahil sa totoo lang ay against ako sa ganitong klaseng relasyon pero why not naman na sundin ko ito for the sake of readers dahil totoo namang nag-eexists ang Polyamorous relationship lalo na sa mga kababayan nating Muslim.

I'm sorry kung hindi ko na-exceed ang expectations ng ibang readers. Mas pinili ko lang talaga ang suggestion ng karamihan.

Sa mga nagtatanong if gagawa ako ng next story, oo naman but expect that it's still BxG Obsession/Reverse-harem. Mas nagaganahan ako magsulat ng ganong klaseng genre at alam kong bibihira lang rin ang ganitong story. Maybe kapag nag explore na ako ng ibang genre ay maisipan kong gumawa ng fantasy, thriller or horror but now I'm still into this kind of genre and I love it. If someone doesn't like my genre ay hindi naman sila require basahin ang mga naisulat ko.

Walang particular date kung kailan ako gagawa ng next story dahil pinag-iisipan ko lagi ang plot na gagawin ko kahit walang final plot sa huli. Ayoko kasi ng basta ay may maisulat lang.

Kahit konti lang ang readers at followers ko ay masaya pa rin ako dahil may mga taong nakakaappreciate ng sinusulat ko. ❤️

Okay. Ang haba na ng sinabi ko. Again, maraming salamat sa pagbabasa nitong Overly Obsess. I always seeing your comments and votes pati rin sa mga nagfofollow sa akin kaya maraming salamat. 😚

-Jai Hương

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon