Mahigit isang linggo na rin akong nasa poder ni Jonas. Pilit ko nalang iniintindi ang mga ikinikilos niya at nakikita ko naman na sobra siyang nag-aalala para sa akin. Nandito lang rin ako sa loob ng condo unit niya at hindi niya ako pinapayagang lumabas dahil baka bigla raw sumulpot sina Josiah at kunin ako nito mula sa kanya.
Bumuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko maitatanggi na miss ko na si Josiah. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko kay Jonas dahil siya ang nobyo ko at totoong pamilya ko. Mahirap man sa una pero sisikapin ko, sana nga ay magbalik na ang alaala ko para maalala ko na rin kung paano ko nga ba siya minahal.
Ngayon ay aalis daw kami papuntang San Alfonso para mameet ang pamilya ko at ang pamilya niya. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas ay makikita ko na rin ang pamilya ko.
Mahigit walong oras ang byinahe namin ni Jonas mula Maynila hanggang sa makarating kami sa San Alfonso. Pagkababa namin sa kotse niya ay namangha nalang ako sa ganda ng lugar na ito. Probinsyang probinsya ito at may malalawak na bukirin at palayan.
Kahit pa subdivision na ang nakatayo sa lugar na kinatatayuan namin ni Jonas ay hindi pa rin nawala ang pagka probinsya nito.
"They are now inside your family's house. Talagang pinaghandaan nila ang pag-uwi natin dito since I haven't visited them for almost 1 month because of my work." Sabi ni Jonas at inakbayan niya ako.
Ngumiti naman ako at pumasok na nga kami sa bahay ng pamilya ko. Nang nasa loob na kami ay nakita ko ang grupo ng dalawang pamilya na sa tingin ko ay ang pamilya ko at pamilya ni Jonas.
Nang makalapit na kami sa kanila ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kitang-kita ko sa mga mata ng dalawang mag-asawa at isang matangkad na lalake ang saya at lungkot nang makita nila ako.
"Mirae, anak ikaw na ba 'yan?" Umiiyak na sabi nung matandang babae saka niya ako nilapitan at sinapo ang buong mukha ko.
"A-ako nga po." Hindi ko na rin napigilang mapaluha dahil ramdam na ramdam ko ang lukso ng dugo sa tunay kong ina.
"Hindi ako makapaniwalang buhay ka, anak. Ang akala namin ay patay ka na, mabuti nalang at nakita ka ni Jonas." Pinunasan nito ang mga luha ko habang umiiyak itong nakatingin sa akin.
"Masaya po ako na makita kayo." Sabi ko naman.
Masaya ako dahil sa wakas ay nakita ko na rin ang pamilya ko. Hindi ko man sila maalala ngayon ay ramdam ko ang pagmamahal at pangungulila nila sa akin sa loob ng limang taon.
Nilapitan naman ako nung dalawang lalake na sa tingin ko ay ang tatay ko at kuya ko.
"Mas gumanda ka lalo, Miraela. Salamat sa Diyos at buhay ka." Sabi ng matandang lalake at bigla ako nitong niyakap.
Niyakap ko rin siya pabalik at pagkatapos nun ay yumakap naman sa akin ang matangkad na lalakeng halos kamukhang-kamukha ko.
"Nagbalik na rin sa wakas ang little sis ko!" Nakangiti niyang sabi at tinap nito ang ulo ko pagkatapos. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.
"Dahil binanggit sa amin ni Jonas na na-comatose ka daw at nawalan ng alaala ay magpapakilala muna kami sa'yo. Ako si Mark Angelo pero Macky nalang for short. Ako lang naman ang pinakagwapo dito sa buong San Alfonso. I'm single but not ready to mingle." Pagbibiro ng kuya ko na ikinatawa naman naming lahat.
Talagang gwapo si Kuya Macky. Kamukhang-kamukha ko siya at hindi nga maipagkakailang magkapatid kami.
"Ako naman ang Nanay Cely mo at ito si Tatay Macario mo." Pakilala naman sa akin ni Nanay sa sarili niya at sa Tatay ko.
Tumango naman ako. Bigla ay lumapit sa akin ang pamilya ni Jonas at isa-isa nila akong binati.
"'Yan sila Inay Rosie, Itay Orlando, Kian, Claire at Jepoy. They are my family." Pakilala sa akin ni Jonas sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...