Naiilang ako at halos hindi makatingin sa lalakeng kaharap ko ngayon. Matapos ang eksena namin kanina ay kumalma na rin ako mula sa pag-iyak ko at ngayon nga ay nakaupo lang kami sa isang bench habang magkatabi.
Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin kahit nakaharap ako sa view ng dagat mula dito sa seaside ng MOA. Bigla ay hinawakan niya ang isang kamay ko dahilan para mapagitla ako sa ginawa niya.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Jonas.
Tumango naman ako at humarap sa kanya.
Gwapo siya, matangkad, moreno at attractive din. Kung gwapo siya sa picture ay mas gwapo siya sa personal.
"Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa lahat ng nangyayari at sa mga sinabi mo sa akin pero isa lang ang nasisigurado ko, nagsinungaling ang taong kumupkop sa akin." Ngumiti ako ng malungkot at huminga ng malalim para mapigilan ulit ang sarili ko sa pag-iyak.
Ayoko pa munang umuwi kaagad sa bahay ni Josiah. Gusto ko munang mapag-isa at malaman ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko. Gusto ko rin siyang kausapin kung bakit nagawa niyang magsinungaling sa akin pero sa ngayon ay wala pa akong lakas ng loob na harapin siya pagkatapos nila akong samantalahin ni Andy.
"Is that guy or girl? 'Yung kumupkop sa'yo." Tanong ni Jonas nang seryoso.
"Lalake. Lalake ang kumupkop sa akin. Limang taon daw akong na-comatose dahil naaksidente ako at nang magising ako ay nagpakilala siya sa aking asawa ko. Wala akong maalala sa lahat." Sabi ko na ikinabigla niya.
"Really? Ang kapal naman ng mukha nun para angkinin ka. Ang hindi niya alam ay may boyfriend ka. Ang lakas ng apog ng gago na sabihin na asawa ka niya!" Galit na sabi ni Jonas habang nakatiim-bagang.
Hindi ako makasagot sa sinabi niya. Alam kong hindi nagsisinungaling sa akin ang lalakeng ito pero hindi ko pa kayang lubusang magtiwala sa kanya. Nang maalala ko na ginamit lang niya ang mga bata at ang Orphanage para sa publicity at maungasan nito ang Ysmael na tinutukoy niya na Mayor daw sa San Alfonso ay hindi ko nagustuhan iyon.
Kahit galit pa siya sa ginawa sa amin ng Ysmael na iyon ay sana hindi na niya dinamay pa ang ampunan at ang mga bata sa paghihiganti niya. Gusto ko siyang kausapin tungkol do'n pero dahil sa naguguluhan pa ako sa lahat ay nanatili muna akong tahimik.
Hinalikan ni Jonas ang isang kamay ko habang nanatili pa rin na galit ang ekspresyon ng mukha niya.
"I will get you now from that moron. Ako ang maghahatid sa'yo sa tinutuluyan mo ngayon at makikita niya kung paano ako magalit." Matigas niyang sabi.
Alam kong galit si Jonas. Kahit ako rin ay nagagalit sa pagsisinungaling sa akin ni Josiah pero ayoko ng gulo. Gusto kong makapag-usap kaming tatlo ng maayos at malinawan sa lahat ng mga nangyari sa nakalipas na limang taon.
"Jonas, gusto kong magkausap tayong tatlo ng maayos. Baka may dahilan rin siya kung bakit siya nagsinungaling sa akin. Kahit ganon ang ginawa niya ay nagpapasalamat pa rin ako na kinupkop niya ako at inalagaan sa loob ng limang taon habang wala pa akong malay nun."
Nasaktan man ako ni Josiah ay hindi ko maipagkakailang mahal ko pa rin siya at gusto kong malaman ang side niya. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako ngayon sa posisyon ko.
Kumunot ang noo ni Jonas sa sinabi ko. "Mirae, kung concern sa'yo ang lalakeng 'yon edi sana ay matagal ka na niyang ibinalik sa akin. Sana ay gumawa siya ng paraan para mahanap niya ako o ang pamilya mo pero hindi dahil nagtake-advantage siya. Ginamit niya ang pagkawala ng memorya mo para angkinin ka niya. Sa tingin mo ba mabuti siyang tao?" Sa sinabi ni Jonas ay natahimik ulit ako.
May punto siya do'n. Ang sakit lang na napaikot ako nila Josiah, Andy at ng pamilya niya. Hindi ko alam kung ano ang balak niya sa akin pero isa lang ang nasisigurado ko, baliw siya.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
Ficción GeneralMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...