Chapter 29

17.8K 457 215
                                    

THIRD PERSON'S POV

Stable na ang kalagayan ni Mirae kaya napanatag na ang kalooban ni Jonas ngunit sinisisi niya ang sarili niya dahil nagtangkang magpakamatay ang kanyang nobya dahil marahil siguro ay nasasakal na ito sa kanya.

Hindi niya pa rin matanggap na may iba nang mahal si Mirae at iyon ay walang iba kundi si Josiah. Nasasaktan lamang siya sa kaisipan na iiwan at sasama na si Mirae sa ibang lalake na mas lalo pang nagpatindi ng kanyang emosyon.

May isa pa siyang ikinakabahala ngayon,

Buntis si Mirae.

At hindi niya alam kung sino ba sa kanila ni Josiah ang ama ng batang dinadala ni Mirae sa sinapupunan nito. Mabuti na lang at hindi naapektuhan ang bata sa loob ng tiyan ni Mirae dahil sa tangkang pagpapakamatay nito. Lubos niyang sisisihin ang sarili niya kapag namatay ito kung sakali man na anak niya nga ito.

Hanggang ngayon ay wala pa rin'g malay si Mirae na nakahiga sa hospital bed. Ayaw man niyang gawin ito ay pinahanap niya sa sekretarya niya ang contact number ni Josiah para makausap ito.

Kailangan nilang dalawa na mag-usap ng masinsinan. Kung sinuman ang tunay na ama ng batang dinadala ni Mirae ay hinding-hindi pa rin siya makakapayag na mawala sa kanya ang dalaga.

Sa kabilang dako naman ay halos paliparin na ni Josiah ang sasakyang minamaneho niya makapunta lang sa Pasay City General Hospital kung saan ay naka confine doon si Mirae. Hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Jonas at gusto siyang makausap nito. Katabi naman niya si Andy sa driver's seat na napapailing nalang dahil sa ekspresyon ng kaibigan niya.

"If anything bad happens to Mirae, I don't know what I'm going to do!" Tila nahihirapang saad ni Josiah.

"Kayo ba para mag-alala ka ng ganyan? Stupid." -sa isip naman ni Andy.

Nang makarating na sila sa Pasay City General Hospital ay kaagad tinungo nila Josiah at Andy ang room number na ibinigay sa kanila ni Jonas kung saan naka confine daw doon si Mirae. Pagkarating nila dito ay naabutan nila si Jonas na nasa labas ng Confine Room ni Mirae at tila hinihintay sila.

Nang makita sila ni Jonas ay kaagad lumapit sa kanya ang binata na may galit na ekspresyon. At hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito.

Sinuntok siya ni Jonas sa mukha na kaagad naman siyang naalalayan ni Andy.

"I really want to punch and destroy your face right now pero pasalamat ka at 'yan lang ang kaya kong gawin sa'yo dahil ayokong magkagulo dito sa ospital." Galit na sabi ni Jonas na nakatitig ng masama kay Josiah na tahimik pa rin.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang tatlo hanggang sa napahilamos na lang ng mukha si Jonas gamit ang mga palad niya sa matinding frustrations saka ito umupo sa bench na nasa labas lang ng Confine Room.

"Mirae is pregnant."

Natigilan at natulala doon si Josiah habang si Andy naman ay natahimik.

"I know you had sex with her. And we had sex too so obviously, I don't know who's the real father of her child. Damnit!" Inis naman na ginulo ni Jonas ang buhok niya habang nakatiim-bagang.

"I think we need to get some DNA Paternity Test para malaman natin kung sino ba talaga ang ama ng dinadala ni Mirae." Sabi naman ni Josiah at napabuntong-hininga pagkatapos.

Kung siya man ang ama ng ipinagbubuntis ni Mirae ay lubos siyang masisiyahan doon pero kung si Jonas man ang ama nito ay baka mabaliw na siya sa kaisipang mawawalan na siya ng koneksyon sa dalaga.

Si Andy naman na nakikinig lang sa usapan nila Josiah at Jonas ay ilang beses nang lumunok dahil sa matinding tensyon na nararamdaman niya. May posibilidad na siya ang nakabuntis kay Mirae at kapag nalaman iyon ng dalawa panigurado na baka mapatay siya ng mga ito.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon