Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging kami ni Jonas. Maganda at maayos naman ang relasyon naming dalawa. Masaya ako dahil siya ang nakatuluyan ko at nakakatuwa lang na sobra siyang nag-eeffort para sa akin.
Nang matanggal na kami sa trabaho sa Bakery ay sa kabutihang palad ay nakahanap kami ng trabaho sa isang factory ng mga noodles at pareho kaming nakuha doon. Hindi naman ito gaanong malayo sa tinitirhan namin kaya nakakatipid pa kami sa pamasahe.
Ang boyfriend ko ay katrabaho ko pa rin at sabay pa kaming umaalis at umuuwi ng bahay. Masaya lang ako dahil palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Tama nga ang sinabi ni Tatay na mas motivated ka sa trabaho mo kapag nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo. Nang mag 5pm na ay natapos na ang duty namin ni Jonas sa factory. Kaagad ko naman siyang hinila sa Mamang nagtitinda ng fishball na nasa labas lang ng kalsada.
"Mister, gusto ko nito!" Masayang sabi ko kay Jonas na itinuro ang stall ng fishball at natawa nalang ito sa ginawa ko.
Since nadulas ako sa pagbanggit ng 'Mister' nang nagkausap kami ay iyon na talaga ang pinanindigan kong call sign namin habang ang tawag naman niya sa akin ay Misis. Hindi pa kami ikinakasal pero nagtatawagan na kami ng ganon pero hindi bale dahil bet na bet ko naman iyon.
"Sige, kumuha ka lang ng kahit ilang gusto mo." Sabi naman ni Jonas at nag-umpisa na rin itong tumusok ng mga fishballs at kikiam na niluluto ng tindero.
"Okay!"
Napangiti ako at kumuha nalang rin ng mga nais kong kainin. Nang matapos na kaming makapagbayad ay kaagad naming kinain ni Jonas ang mga binili namin at minsan ay sinusubuan pa niya ako habang kumakain kami.
Ang sweet talaga ng lalakeng ito kahit na kailan.
"Ang lakas mo talaga kumain, Mirae pero hindi ka naman nataba." Nakangiting sabi ni Jonas pagkatapos akong abutan ng buko juice na palamig.
"Ganon talaga ang pinagpala!" Pagbibiro ko naman.
"Sa sobrang pinagpala ka ay marami tuloy akong karibal sa'yo." Naiiling niyang sabi.
"Ikaw rin naman, e. Marami kayang babae ang napapatingin sa'yo dahil sige, gwapo ka na." Sabi ko.
Pinunasan naman ni Jonas ang amas na nasa bibig ko ng panyo niya. "Gwapong sa'yo lang kakana." At kinindatan niya ako dahilan para mamula ang mukha ko.
Napansin ko naman na napatawa ang dalawang babae na nasa likuran namin dahil sa sinabi ni Jonas na narinig nila kaya hiyang-hiya akong hinigit na siya papalayo sa nagtitinda ng fishball.
"Jonas naman, nakakahiya at narinig kanina ng mga nasa likuran natin ang sinabi mo!" Hiyang-hiya kong sabi.
Inakbayan naman niya ako. "Ano naman? Huwag mo na nga silang isipin at umuwi na tayo pero patambay muna ako sa bahay niyo, ah? Gusto ko kasing makabonding si Tito Macario para maturuan niya akong magkumpuni ng nasirang jeep ni Tatay." Sabi niya.
Napangiti nalang ako at tumango. Kumakain kami habang naglalakad at matapos ng ilang minuto ay naubos na rin namin ang kinakain naming fishballs at kikiam.
Habang patuloy pa rin kaming naglalakad ni Jonas papunta sa paradahan ng jeep ay may humintong isang itim na kotse sa gilid namin. Nalaman ko na kaagad kung kanino itong kotse ganon rin si Jonas. Hinawakan niya ang isang kamay ko at kita ko ang pagtiim ng panga niya.
Lumabas mula sa loob ng itim na kotse si Ysmael kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Ivan na anak ni Vice Mayor Victorino Go at si Randel naman na pinsan ni Ivan.
Lumapit sa amin sila Ysmael habang nakangisi at nakapamulsa.
"Ang sweet naman ng mag love birds, oh. Kitang-kita mula sa labas ng kotse ko na nagsusubuan at naglalandian kayo sa gilid ng kalsada. And you two are dating in a cheap and dirty food? That's disgusting!" Pang-iinsulto ni Ysmael na nakangiwi pa na ikinatawa naman ng mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...