Chapter 19

19.6K 561 188
                                    

Warning: Some scenes are Rated SPG

Pagkatapos kong umalis mula sa bahay nila Josiah ay mabigat ang loob ko na sumama kay Jonas, ang lalakeng minahal ko at ang tunay kong pamilya.

Ngayon ay nandito ako sa condo unit ni Jonas sa Pasay at ikwinento niya ang lahat mula sa pagkatao ko hanggang sa mawala ako at hindi na muling nakita pa. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil kahit wala akong maalala ay ramdam ko ang hirap at sakit ng mga pinagdaanan namin sa kamay ni Ysmael Buenavista.

Si Ysmael Buenavista daw ay anak ng yumaong si Mayor Yñigo Buenavista ng San Alfonso at dahil nga namatay si Mayor Yñigo dahil sa isang car accident 4 years ago ay si Ysmael na anak niya ang pumalit dito. Siya ang lalakeng kumidnap sa amin ni Jonas bago kami nagbalak sanang pumunta ng Maynila para mag-apply ng trabaho.

Ikwento rin sa akin ni Jonas na nagising na lamang siya na nasa labas ng kanilang bahay na puno ng sugat at pasa sa buong katawan at doon ay nawala ako. Sinabi niya sa akin na kahit halos wala na siyang malay nung mga oras na iyon ay narinig niyang nakipagkasundo ako kay Ysmael na palayain siya kapalit nun ay ang sumama ako dito.

Hindi ko na alam kung ano pa ang mga naging kasunod na nangyari kung bakit nakawala ako kay Ysmael pero ipinagpapasalamat ko nalang na hindi nito naituloy ang balak niya sa akin.

Nang mameet ko sa restaurant ang Ysmael na iyon ay mukha itong matapang at hindi magpapatalo kahit kanino. Napakaamo ng mukha niya pero hindi mo aakalain na makakagawa siya ng masasamang bagay para lang paghiwalayin kami ni Jonas. Napakasama niya.

"Kaya ngayong magkasama na ulit tayo ay poprotektahan at aalagaan kita, Mirae. Hindi ko hahayaang makalapit pa ulit sa'yo 'yung pesteng Josiah o ang Ysmael na 'yan dahil siguradong kukunin ka nila sa akin." Inis na sabi ni Jonas at pasimple niya akong hinapit sa bewang ko.

Kahit nakakaramdam pa rin ako ng pagkailang sa kanya ay hinayaan ko nalang siya dahil sinabi nga nitong mahal namin ang isa't-isa kaya tama lang na mahawakan niya ako o di kaya ay mahalikan.

Kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa kanya at baka manumbalik ang pagmamahal na ibinigay ko sa kanya noon. Si Josiah ang itinitibok ng puso ko ngayon pero kailangan ko na siyang kalimutan dahil hindi talaga siya ang tunay na pamilya at minamahal ko.

"Salamat, Jonas." Sabi ko nalang.

Ngumiti naman siya sa akin at hinaplos nito ang mukha ko habang nakatitig sa akin. "You're very beautiful since then. Hindi talaga ako makapaniwalang akin ka, Mirae. Sa dami ng gustong umangkin sa'yo ay sa akin ka nagkagusto. Maswerte ako at ako ang minahal mo." Seryoso niyang sabi.

Nakikita ko kung gaano ako kamahal ni Jonas. Hindi ko pa natatandaan ang dahilan kung bakit ko siya minahal pero ramdam ko na naging importante siya sa buhay ko dahil sa comfort na ibinibigay niya sa akin.

"Masaya rin ako na nakilala ko na sa wakas ang taong minahal ko. Sana nga ay bumalik na ang alaala ko para malaman ko na ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko o sa kung anuman ang mga nangyari sa atin." Malungkot kong sabi.

Hinawakan ni Jonas ang isang kamay ko. "You don't need to force yourself na bumalik kaagad ang alaala mo. Ayokong maalala mo rin 'yung pagiging mahina, lampa at sobrang bait ko noon. Kapag naaalala ko nga 'yon ay parang masusuka nalang ako. I mean, bakit kinailangan ko pang maging mabait kung naging masama naman ang resulta nun sa ating dalawa?" Tumawa siya at umiling pagkatapos.

Sa sinabi ni Jonas ay napahinto ako. Isa siguro sa dahilan kung bakit ko siya minahal noon ay dahil sa kabutihan ng loob niya. Hindi ko masisisi si Jonas kung nagbago man siya ngayon. Sobrang dami niyang hirap na pinagdaanan bago siya naging sikat at isa sa pinakamayamang Engineer dito sa bansa.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon