A trip to Benguet
Matapos ang kasal nila Kuya Macky at Ate Erin ay napagpasyahan ng buong pamilya namin na magbakasyon sa Benguet.
Dahil nakakasawa na rin ang magswimming at mainitan sa araw ang mga balat namin sa beach ay nagplano nalang kaming pamilya na mag-hiking sa Atok. Alam kong malamig sa Cordillera region kaya sinabi ko sa mga anak at asawa ko na magdala sila ng maraming jacket at sweater dahil hindi sila sanay sa malamig na klima dito hindi katulad sa Metro Manila na sobrang init kadalasan ng panahon.
Mahigit anim na oras rin ang byinahe namin mula sa Metro Manila at nadaanan pa namin ang Tuba, Benguet na isa sa commercialize na lugar sa Benguet bukod sa Baguio na naging Independent City na ng Benguet.
Pagkarating namin sa Baguio City ay napansin ko pa na maraming koreano at ibang foreigners sa paligid. Marahil siguro ay nag-aaral ang karamihan sa mga ito ng English Classes sa University of Baguio o sa mga International schools ng Baguio. Isa na siguro sa dahilan ay dahil na rin sa malamig na klima ng Cordillera. Bumiyahe ulit kami nang mahigit tatlong oras papunta namang Atok. Nadaanan pa namin ang La Trinidad bago kami nakarating sa Atok.
Nang makarating na kami sa Atok gamit ang Google Maps papuntang Km-45 ng Bonglo, Atok ay kaagad kaming bumaba sa van na sinasakyan namin at halos manginig na kaming lahat sa sobrang lamig sa lugar na ito. Sa weather forecast ng Atok dito sa cellphone ko ay nasa 6°c na ang klima.
Huminto kami sa gilid ng Halsema Highway at halos malula na kami sa taas ng kinaroroonan namin. Pangalawa ang Atok sa may pinakamataas na lugar dito sa Pilipinas at ang dahilan nang malamig na klima dito ay dahil ito sa taas nang lugar at halos maaabot na rin ang ulap kapag umakyat ka pa sa iba't-ibang klase ng bundok na nandito.
"This place is beautiful." Sabi ni Andy nang tinatanaw namin ang mga bundok at mga vegetable terraces sa paligid nitong Atok.
"And sobrang lamig pa, Dad! Super different from Pasay." Sabi naman ni Selah habang nakayakap ito sa suot niyang jacket.
"It looks quiet. Nakakatakot mag-ingay." Sabi naman ni Eli.
"Kaya mas lalong bawal ka dito because you're very talkative and loud!" Pang-aasar naman ni Isaac sa kapatid niya na sinamaan naman ng tingin ni Eli.
Sinalubong kami ng isa sa mga kapatid ni Ate Erin na si Kuya Roly sa daan at kaagad kaming pinapunta nito sa bahay na tutuluyan namin nang mga tatlong araw.
Igorot ang Nanay ni Ate Erin at lumaki na ito sa Atok bago pa siya nagturo sa San Alfonso kung saan ay doon na ipinanganak ang Tatay niya. Siya ang nagsuggest na magbakasyon kaming pamilya dito sa Atok dahil hindi daw kami magsisisi sa ganda ng lugar nila. Tama naman siya dahil sa bukod na malamig ang klima dito ay napakaganda pa ng tanawin sa lugar na ito. Katulad nang San Alfonso ay maganda rin ang probinsya ng Atok.
Nang nasa bahay na kami na tutuluyan namin ay nagpalit na kami ng mas makakapal na jacket at sweater at kumain na muna kami bago simulan ang plano naming pagha-hiking. Si Kuya Roly daw ang magtotour sa amin dito.
"Ang gagwapo at magaganda ang pamilya niyo, Mirae kaya hindi na nakakapagtakang maganda ang lahi ng mga anak niyo."
Nakangiting sabi ni Kuya Roly sa akin nang umaakyat na kami papunta daw sa Osocan Spanish Trail na mas mataas pa sa parte nito sa Bonglo, Atok. Dahil first time namin umakyat dito ay talaga namang nakakahingal at nakakapagod ito kaya walang humpay kami sa pag-inom ng tubig sa mga dala naming mineral water. Isa na ito sa magandang experience sa buhay namin.
"Naman, Kuya Roly! Ikaw din naman, gwapings ka kahit hindi na binata." Sabi naman ni Jonas kay Kuya Roly na napangiti sa sinabi niya.
"Sige, maniniwala nalang ako sa'yo tutal pamilya na rin naman kita, Jonas!" Tumatawang sabi pa ni Kuya Roly na ikinatawa naman naming lahat.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...