Nagising ako na parang may nakayakap sa akin. Kaagad kong nilingon iyon at si Josiah ito na mahimbing na natutulog. Tinignan ko ang bintana at napagtanto ko na umaga na pala. Napatingin naman ako sa wall clock ng kwarto namin at 10am na ng umaga. Tinanghali na pala kami ng gising.
Alam kong may pasok si Josiah sa trabaho ngayon kahit Sabado pa.
"Josiah? Hindi ba't may pasok ka pa? 10am na," Sabi ko mahinang tinapik ang pisngi niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Kahit sa pagtulog ay ang gwapo pa rin ni Josiah. Ni wala na yatang maipipintas sa physical appearance niya. Kahit palaging nakakunot ang noo niya ay hindi pa rin iyon nakakabawas sa kagwapuhan niya. Maganda rin ang pangangatawan niya at hindi na nakapagtataka iyon dahil sinabi sa akin ni Andy na nagwowork out talaga sila ni Josiah sa Gym kapag wala silang pasok sa trabaho. Salong-salo niya ang biyaya ng isang pagiging gwapong lalake. Siya na!
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Ang bango bango rin niya. Pagkatapos niyang sabihin kagabi na nagseselos siya sa amin ni Andy ay hindi ko na mapigilan ang pangiti ko nun.
Masaya ako na kasama si Josiah pero bakit.. parang may kulang pa rin sa akin?
Bakit pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa pagkatao ko?
Marahil nga ay dahil ito sa nagka amnesia ako.
"I don't want to go to work for now." Sabi niya habang napapikit pa rin.
"Ha? Ba-"
"I just want to be with you all day." Nagmulat siya ng mata at mas lalo pa akong isiniksik nito sa kanya.
Ramdam ko na ang pamumula ng buong mukha ko. Ewan ko ba, mag-asawa naman kami pero parang isa akong teenager na kinikilig pa rin kapag kasama ang crush niya.
"G-Ganon ba." Nautal ko pang sabi at pilit iniiwasan ang mga nakakatunaw niyang titig.
"How's your friendly date with Andy yesterday?" Malamig niyang tanong.
Napakagat labi ako sa tanong niya. Nakita ko pang napatitig siya sa labi ko bago siya ulit tumingin sa akin.
"Maayos naman. Kumain kami sa Jollibee at naglaro sa Arcade." Sabi ko.
Tumango siya sa sinabi ko. "I'm sorry if I'm hiding you here in our house. You just woke up from a coma for the past 5 years. I'm just afraid na baka mabigla ka sa ibang environment na makikita mo bukod dito sa bahay at kay Andy kapag nilabas kita kaagad." Paliwanag niya.
Umiling ako. "Naiintindihan ko naman 'yon, Josiah at I'm sorry rin kung hindi ko 'yon naipaalam sa'yo." Paghingi ko ng paumanhin.
Bumuntong-hininga naman siya at tumingala sa kisame ng kwarto namin. "But I'm still jealous dahil magkasama kayo. That jerk!" Umiling siya pagkatapos.
Napangiti nalang ako. Sinong mag-aakala na ang tahimik at workaholic na si Josiah ay pagseselosan ang bestfriend niyang si Andy kahit kasal na kami?
Kinurot ko naman ng mahina sa pisngi si Josiah na ikinahinto pa niya.
"Ikaw talaga! Asawa na nga kita tapos pagseselosan mo pa ang bestfriend mo? Concern lang si Andy sa akin kasi nga gusto niya akong makapaglibang man lang." Nakangiti kong sabi.
"Is that so?" Nakataas na kilay niyang tanong. Tumango naman ako.
Hindi na siya sumagot do'n saka siya muling pumikit para matulog. Mas makakabuti ngang hindi muna pumasok si Josiah ngayon para makapagpahinga naman siya sa trabaho niya.
Ang balita ko ay mayaman talaga ang pamilya ng mga Avenido. Hindi ko pa nakikita ang pamilya niya pero ang sabi ni Josiah kagabi ay ma-memeet ko rin daw sila. Ang gusto daw kasi ng Mom ni Josiah na si Tita Eirie ay kumpleto silang pamilya kapag nameet ko na sila. Nasa England daw kasi ang nakababatang kapatid ni Josiah na si Avigale at may out of the country photoshoot daw ito. Model daw ang kapatid niya at kumbaga ay taking the experience lang daw iyon.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...