After 3 years...
8 years ago ay maraming mga problema, hirap at pagsubok ang nangyari sa buhay ko. May lalakeng minahal ko nung una, may lalakeng hindi ko aakalaing mamahalin ko pala, may lalakeng mamahalin rin pala ako at may lalakeng rin'g minahal na ako simula pa nung una kahit ang naging bunga nun ay ang malayo at makalimutan ko ang nakaraan ko.
Ang sabi nga nila, lahat ng mga bagay na nangyayari ay may dahilan. Naniniwala ako doon dahil kung hindi nangyari ang lahat ng iyon sa akin ay hindi ko makikilala at mas lalong hindi ko maiintindihan ang isip at damdamin ko.
Hindi maganda ang dulot ng isang Obsession Love na naranasan ko sa apat na lalakeng dumating sa buhay ko. Kahit kailan ay hindi naging maganda ang labis na pagmamahal ng isang tao na umaabot na sa puntong pwede itong makapanakit o makapatay ng ibang tao.
Alam kong Obsess sa akin sila Josiah, Jonas, Andy at Ysmael pero nang dahil din doon ay mas lalo nilang natulungan at nabago ang sarili nila alang-alang sa akin at sa anak kong lalake na si Messiah.
2 years old na ngayon ang baby boy namin ni Josiah. Talagang kamukhang-kamukha nito ang ama niya at wala yata itong namana sa features ko kundi ang bilugan ko lang na mga mata. Malakas ang dugo ni Josiah kaya kitang-kita talaga na anak niya si Messiah. Dahil galing sa Biblical Bible ang pangalan ni Josiah ay doon na rin namin kinuha ang pangalan ni Messiah. Hango ang pangalan ni Messiah bilang tagapaghatid ng propesiya sa isang Jewish Nation na nasa Hebrew Bible. Si Messiah rin ang tagapaligtas ng isang grupo sa sanlibutan.
Masaya at maayos na ngayon ang relasyon namin nila Josiah, Jonas, Andy at Ysmael.
Si Josiah ay isa na sa CEO sa kompanya ng mga magulang niya pero kahit palaging busy ito sa trabaho niya ay palagi pa rin itong naglalaan ng oras para sa amin ni Messiah. Hindi pa rin nagbabago ang ugali nitong tahimik at palaging seryoso pero kahit na ganon ay ramdam na ramdam ko ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa amin ng anak ko.
Si Jonas ay ganon rin. Kahit hindi man niya tunay na anak si Messiah ay kitang-kita ko pa rin ang pagmamahal at pag-aalaga niya sa aming mag-ina. Mas naging successful na ito bilang Engineer at ngayon nga ay nagpapatayo ito ng bagong bahay para tirhan namin. Mas pinili niyang makasama nalang kami dahil hindi na niya raw kakayaning magmahal pa ng ibang babae at napamahal na rin siya kay Messiah.
Dahil may sakit na Mental Obsessive Disorder si Andy ay matapos niyang gawin ang plano niya 3 years ago kasama si Jeremiah ay naadmit ito sa Mental Hospital nang halos isang taon. Humingi ng tawad sa akin sina Tito Kale at Tita Bliss dahil sa ginawa ng anak nila at sa pagpeke rin nito ng DNA Paternity Test mapalabas lang na siya ang tunay na ama ni Messiah. Kaagad ko naman silang pinatawad maging pati na rin si Andy dahil hindi naman nito naituloy ang balak niyang patayin sila Josiah, Jonas at Ysmael at lubos na itong nagsisisi sa ginawa niya.
Si Jeremiah naman ay anim na buwan rin nakulong bago namin napagdesisyunan na palayain na siya. Nakiusap kasi ang ina nito na si Mrs. Rina na palayain na namin si Jeremiah dahil lumaki na talaga itong may iba sa kanyang pag-iisip na namana daw nito sa ama niyang si Christian. Kahit labag sa loob nila Josiah, Jonas at Ysmael na palayain na si Jeremiah ay wala na rin nagawa ang mga ito nang pumayag ako kapalit nun ay sa ibang lugar na titira ang ang pamilya nito. Ngayon nga ay wala na sila Jeremiah sa Pasay at naninirahan na ang mga ito sa Australia.
Ngayon ay nasa maayos na ang kalagayan ni Andy. Tinanggap nalang nito ang lahat at mas lalo pa niyang minahal ang anak kong si Messiah. Magaling na rin ito sa sakit niya kaya pumayag nalang si Josiah na tumira na ito kasama namin.
Si Ysmael ay binitawan na talaga ang pagiging Mayor nito sa San Alfonso at si Florence na pinsan niya ang Mayor na ng San Alfonso. Kamamatay lang isang taon ang nakakalipas ang Mom niyang si Mrs. Glenda Lee Buenavista. Mag-isa na si Ysmael ngayon sa buhay kaya mas lalo niya kaming kinailangan ni baby Messiah. Nagpapatakbo ito ng maraming Automotive, Mining and Car dealership sa Maynila at San Alfonso at mas doon nalang siya nagfocus. Masaya na rin siya sa Polyamorous set-up namin at ramdam na ramdam ko rin ang kalinga at pagmamahal niya sa aming mag-ina.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...