Chapter 36

17.9K 473 208
                                    

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang malaman kong buntis ako at nakatira na sa iisang bahay kasama sila Jonas, Josiah at Andy. Sa loob ng tatlong buwang iyon ay naging mabuti naman ang lagay ko kahit papaano at marami na rin'g nagbago.

Paminsan-minsan ay pinupuntahan pa rin ako ni Ysmael dito sa bahay para tignan ang kalagayan ko. Wala namang reklamo ang tatlo doon kaya napanatag na rin ang loob ko. Siguro ay iniisip nila na baka ma-stress pa ako at makakasama iyon sa baby ko kapag nag-away away pa sila.

Simula nung gabing makita kami ni Andy na magkahawak ng kamay ni Josiah ay naging mas sweet at maaalalahanin na ito sa akin, maging pati na rin sa baby ko. Hindi ko alam kung anong magandang hangin ang sumapi kay Andy at bigla nalang naging maganda ang pakikitungo nito sa akin.

Ganon rin si Jonas, parang nakikipagkumpitensya pa nga ito kila Josiah at Andy sa dami ng binibili nitong gamit para sa akin at sa magiging baby ko.

Mas pabor iyon sa akin dahil nararamdaman ko ang pag-aalala nila sa akin at sa ipinagbubuntis ko. Unti-unti na rin naming natatanggap ang ganitong klaseng set-up at wala na akong reklamo doon.

Day off ng tatlo mula sa kanya-kanya nilang mga trabaho at sinamahan nila akong mamili ng mga personal hygiene at iba pang kakailanganin ko sa oras na lumabas na si baby sa tiyan ko.

Ramdam na ramdam ko na pinagtitinginan kami ng mga taong nandito sa loob ng Supermarket at hindi na ako magtataka kung bakit sila napapatingin kila Jonas, Josiah at Andy.

Nung nagpaulan talaga ng kagwapuhan at kaswertehan sa mundo ay nasalo iyon lahat ng tatlong ito. Idagdag pang ang tatangkad nila kaya kitang-kita sila dito.

"Do you think this is good, Mirae?" Tanong ni Andy na may hawak na isang kulay blue na stroller na kinuha niya mula sa Infant Section ng Supermarket.

Tumango ako.

"Maganda nga 'yan." Sabi ko.

"How about this Mirae?" Tanong naman ni Jonas na doon din nanggaling sa Infant Section at hila-hila nito ang isang kulay pink naman na crib.

Tumango ulit ako. "Maganda rin 'yan."

Narinig ko nalang ang mahinang pagtawa ni Josiah sa tabi ko.

"They are hilarious. But at least they are now concern to our baby." Sabi niya.

Napangiti naman ako sa sinabi ni Josiah. Nang matapos na kami sa pamimili at bitbit nila Andy at Jonas ang mga pinamili rin nila ay nagpunta naman kami sa isang restaurant para kumain.

Hindi ko nalang pinapansin ang pagtitig sa amin ng iba pang mga taong kumakain rin dito sa restaurant at kumain nalang ako dahil gutom na gutom na rin ako. Dahil buntis ako ay normal lang daw talaga na nagugutom kaagad ako kaya hindi talaga mawawala ang pagkain sa akin. Napapansin ko nga ang medyo pagtaba ko dahil na rin siguro sa walang tigil kong pagkain.

Hindi ko na pinansin pa 'yung tatlong lalakeng kasama ko na nakatitig lang sa akin habang kumakain ako. Sanay na ako sa kanila at bahala na sila kung hindi pa sila kakain basta gutom ako.

"Mirae?"

Napalingon naman kaming apat sa lalakeng naglalakad papunta sa amin at nagulat nalang ako nang si Jeremiah ito. May kasama itong isang babaeng buntis rin na kahawig niya.

"Jeremiah? Nandito ka pala." Nakangiting sabi ko nang makalapit na sila sa amin.

Napansin ko pa na mukhang manghang-mangha ang babaeng buntis na kasama niya pagkakita sa tatlong lalakeng kasama ko. Kulang nalang ay maglaway ito sa kanila.

"Yeah, sinamahan ko lang ang ate ko para mamili ng kakailanganin niya kapag nanganak na siya. Next month na ang labor niya." Sabi naman niya at inakbayan nito ang Ate niyang buntis.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon