Chapter 17

20.6K 627 107
                                    

Nang magising ako ay tila natulala nalang ako at kaagad pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Nawala lang ako sa katinuan nang gabing iyon pero natatandaan ko pa rin ang mga nangyari.

Gusto kong humagulgol ng iyak pero hindi ko magawa dahil namanhid na ako habang nakayakap sa akin ang lalakeng minahal ko pero hindi ko alam na sisirain pala ako. Ang akala ko ay rerespetuhin niya ako pero nagkakamali pala ako.

Tama nga si Andy nung araw na nag-away sila ni Josiah, pareho silang baliw na dalawa.

Naramdaman kong unti-unting nagigising si Josiah sa pagkakatulog nito. Nakayakap ito sa akin habang parehas kaming walang saplot sa ilalim ng kumot. Naaalala ko pa ang ginawa nila sa akin ni Andy. Mahal ko si Josiah pero hindi ko lang matanggap na kaya niya rin akong ibigay kay Andy.

Ang sakit-sakit.

"Good morning, wife." Bulong sa akin ni Josiah at hinalikan nito ang leeg ko.

Hindi ako makapagsalita at nanatili nalang na tahimik. Kung umakto siya ay parang hindi ito nakokonsensya sa ginawa nila sa akin ni Andy. Para bang hindi niya naiisip kung nasasaktan ba ako o hindi.

Narinig ko nalang ang pagbukas ng pintuan ng Cr at lumabas doon si Andy na walang pang-itaas at naka jeans lang habang pinupunasan nito ang basa niyang buhok. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako sabay na naupo ito sa single sofa.

Hindi ko siya ginantihan ng ngiti.

"What time will you work, Saiah?" Tanong niya kay Josiah na abala sa paghalik at pag-amoy sa leeg ko.

"Hmm.. later." Sagot naman ni Josiah at naramdaman ko nalang na pinipisil na pala niya ang dibdib ko.

Pati sa paghawak niya sa katawan ko ay namanhid na rin ako. Hindi ko maramdaman ang ginagawa niya sa akin at nanatili nalang akong tahimik at tulala.

"Sabay na tayong umalis. Dad is finding me right now and damn! He's furiously mad, isang araw lang naman akong umabsent sa trabaho pero para bang nagbakasyon ako ng ilang linggo kung magalit siya." Naiiling niyang sabi habang patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng basang buhok niya.

"Okay." Sagot naman ni Josiah pagkatapos ay pinihit niya ako paharap sa kanya.

"Did we hurt you yesterday?" Tanong niya sa akin nang may halong pag-aalala.

Hindi ako sumagot.

Bumuntong-hininga siya. "I guess. After we leave for the work later, I will made you some honey juice para mawala 'yang sakit ng ibaba mo. I'm sorry if I hurted you, wife." Sabi niya at saglit nitong hinalikan ang labi ko.

"B-Bakit mo ginawa 'yon.." Mahina kong pagkakasabi na ikinahinto niya.

Umiwas siya ng tingin sa akin at hindi sinagot ang sinabi ko. Iniiwasan niyang pag-usapan namin ang mga nangyari kahapon o kung bakit hinayaan niyang halikan at hawakan rin ako ni Andy. May rason siya kung bakit pinaubaya niya ako kay Andy pero hindi niya masabi-sabi iyon sa akin.

"Let's eat. Magbihis ka na." Sabi lang niya hanggang sa tumayo na ito at isa-isang pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.

Kumuha siya ng panibagong mga damit sa Cabinet niya saka ito sinuot pagkatapos ay kaagad na itong lumabas sa kwarto.

Nang wala na si Josiah ay biglang lumapit sa akin si Andy at umupo sa paanan ng kama. Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga ko at hindi ko na binalot pa ang katawan ko ng kumot dahil nakita na rin naman niya ang lahat-lahat sa katawan ko.

Sinampal ko siya habang nanginginig ako sa galit. Hindi na siya nagulat sa ginawa ko at nanatiling tahimik.

"Pinagkatiwalaan kita, Andy. Ang akala ko ay hindi mo magagawa sa akin 'yon pero nagkakamali pala ako!" Hindi ko na napigilan pang umiyak.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon