Pagkatapos naming mag-usap ni Ysmael ay nandito kami ngayon sa loob ng kwarto niya. Nakaligo't nakabihis na rin ako ng isang puting t-shirt at boxers shorts na ipinahiram niya muna sa akin. Kitang-kita ang legs ko dito pero wala naman akong magawa dahil ito lang ang available na masusuot ko dito.
Nakahiga ako ngayon sa kama ni Ysmael habang siya naman ay nasa lapag na may nakalatag na comforter at foldable foam. Ayaw niyang magtabi kami sa kama dahil baka raw ay masapian siya bigla ng demonyo at may kung ano pang gawin sa akin. Hindi ko aakalain na malaki ang respeto niya sa akin. May mga ginawa man siyang masama noon ay maaari naman siguro siyang magbago ngayon.
11pm na at alam kong hindi pa rin natutulog si Ysmael. Nakaunan ang mga braso nito sa ulunan niya habang nakatingin lang sa kisame at mukhang malalim ang iniisip.
Hindi ko naman siya magawang tignan ng matagal dahil wala siyang suot na pang-itaas at boxer shorts lang ang suot niya. Hindi raw kasi siya sanay na matulog nang may damit kaya kitang-kita ko ang matipuno niyang pangangatawan.
"Mirae?"
Bigla niyang pagbanggit.
"A-ano 'yon?" Tanong ko.
"I really missed you."
Sa sinabi niya ay hindi ako kaagad nakaimik.
"Simula nung nawala ka, hindi na rin ako pinatulog ng konsensya ko nun. I don't know what's on my mind kung bakit ko ginawa sa inyo 'yon ni Jonas. I'm the reason why you and him suffered too much. Naging makasarili ako at hindi na inisip pa ang nararamdaman mo. I want to find you alone kaya pinalabas ko kay Jonas at sa pamilya mo na patay ka na but it seems na hindi naman sila naniniwala sa akin and in the end, they found you."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Sobrang laki nga ng kasalanan ni Ysmael sa amin at kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako mawawalay sa pamilya ko ng limang taon pero nangyari na ang mga nangyari at hindi na maibabalik pa nun ang nakaraan.
"Wala naman na tayong magagawa dahil nakaraan na 'yon, Ysmael. Ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang magbago ka dahil kapag inulit mo pa 'yon ay hinding-hindi na talaga kita mapapatawad." Sabi ko.
Narinig ko nalang ang mahina niyang pagtawa.
"I'm such a lucky bastard to fell in love to a girl like you. You're too kind and extraordinary. I promise that I will be good to you from now on." Sabi niya.
Tumalikod nalang ako mula sa pagkakahiga hanggang sa naramdaman ko nalang na nakayakap na sa akin si Ysmael at katabi ko na siya sa kama.
"Ysmael..."
"I want to hug you, Mirae. Ito ang unang pagkakataon na nakasama kita at nalalapitan pa. I've been a jerk since then at sobrang malayo ang loob mo sa akin. It's my fault because I'm too cruel and devil in this world." Mahina niyang banggit habang ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng kanyang puso at naaamoy ko rin ang ginamit niyang pabango.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tumibok na rin ng sobrang bilis ang puso ko.
"Ysmael, umaasa akong magbabago ka hindi para sa akin kundi para na rin sa sarili mo."
"I will because I love you, Mirae."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.
Pagkagising ko ay nakayakap pa rin sa likuran ko si Ysmael na tulog pa rin at kita ko rin mula sa kamay niya ang suot niyang rolex. Tinignan ko ang wall clock sa dingding ng condo unit niya at pasado alas otso na ng umaga.
Kahit anong mangyari ay kailangan kong harapin si Jonas at makausap tungkol sa tunay kong nararamdaman ngayon sa kanya. Sa paggalaw ko ay tuluyan nang nagising si Ysmael.
BINABASA MO ANG
Four Guys' Obsession (Overly Obsess)
General FictionMiraela Albañez woke up with a mysterious gorgeous man in her life named Josiah Avenido claiming that she was his wife. But what will happen if there was also Jonas, Mirae's first love. Andy, who was Josiah's best friend, and Mayor Ysmael, who wants...