Chapter 24

18.3K 451 49
                                    

Ngayon ay nandito ako sa veranda ng kwarto kung saan ay ito ang inilaan sa akin ng pamilya ko na matutulugan ko sa oras na makita nila ako. Muntik nang may mangyari ulit sa amin ni Jonas kahapon pero mabuti nalang at hindi na niya naituloy ang binabalak niya sa akin dahil sa pag-iyak ko.

Pinunasan ko ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Nasasaktan ako, alam kong nagseselos lang siya pero hindi ko aakalain na masasaktan na niya ako.

Nagising na lamang ako nang naaalala ko na ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Pagkagising ko kanina ay bigla nalang sumakit ang ulo ko hanggang sa tuluyan ko nang maalala ang buong memorya ko. Ayokong sabihin sa kanila na nakakaalala na ako dahil hindi ko pa rin matanggap ang lahat-lahat lalo na sa pagbabago ni Jonas.

Tama nga ako, kahit magbalik na ang alaala ko ay hindi nagbago ang katotohanang si Josiah na ang mahal ko.

Sinabi noon ni Jonas na ang isip ay makakalimot pero ang puso ay hindi, tama siya. Hindi ko siya nagawang makalimutan dahil noong unang kita ko palang sa kanya ay may pakiramdam na ako na matagal ko na siyang kakilala pero napagtanto ko na pwedeng magbago ang nararamdaman ng isang tao.

Limang taon akong nawalay sa kanya at sa loob rin ng limang taon na iyon ay inalagaan ako ni Josiah. Wala man akong malay noon ay alam ko ang pagtitiyaga niya para alagaan at itago ako mula kay Ysmael. Saglit man kaming nagkasama ni Josiah nang may malay na ako pero sobrang tindi na ng nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong hindi kami pwede pero hindi ko siya magawang makalimutan.

At sa pagbabago ni Jonas, totoo ngang minahal ko siya dahil sa kabutihan ng loob niya. Ayon ang naging dahilan kung bakit ko siya minahal at prinotektahan mula kay Ysmael pero ngayon, ibang-iba na siya, hindi na siya ang Jonas na minahal ko. Hindi na siya ang Jonas na Mister ko. Pareho kaming may masakit at malagim na pinagdaanan pero hindi dapat naging dahilan iyon para maging masama rin siya. Hindi ko matanggap ang katotohanang tuluyan nang nagbago ang lalakeng minahal ko.

"Sis?"

Nagpahid ulit ako ng mga luha bago ko nginitian si Kuya Macky na nakalapit na pala sa akin.

"Kuya, ikaw pala." Sabi ko.

Tinignan naman niya ako ng mariin.

"Umiyak ka?" Tanong niya.

Umiling kaagad ako. "H-hindi, ah."

Tinaasan niya lang ako ng kilay sa sinabi ko saka ito humawak sa railings ng veranda habang nakatanaw sa paligid ng bahay namin.

"Sinasaktan ka ni Jonas." Seryosong sabi niya. Hindi naman ako nakaimik doon.

"Alam mo ba sis, halos tuluyan nang nabaliw noon si Jonas dahil wala ka sa tabi niya?"

Napayuko ako sa sinabi ni Kuya Macky at pinaglaruan ang mga kamay ko.

"Nagtangka pa siyang magpakamatay noon dahil kung wala ka raw sa tabi niya ay hindi na raw niya kayang mabuhay. Mabuti nalang at sinapak ko siya para magising siya sa katotohanan." Napatawa si Kuya Macky at umiling pagkatapos.

Nabigla naman ako sa sinabi niya. "Bakit mo naman ginawa 'yon, Kuya?"

Humarap sa akin si Kuya Macky at ngumuso. Kainis! Kamukhang-kamukha ko talaga ang kuya ko at parang nananalamin lang ako kapag kaharap ko siya.

"Katulad kasi ni Jonas ay hindi ako naniniwalang patay ka na gaya ng sinabi sa amin ng Ysmael na 'yon. Kaya nga nilaan namin nina Nanay at Tatay 'tong kwarto na 'to sa oras ng pagbabalik mo. Itinatak ko lang sa kukote ni Jonas na kung mamamatay siya ay hindi ka na niya makikita pa. Mabuti nalang at nakinig ang boylet mo na 'yon." Tumawa ulit si Kuya at muling binalik ang tingin niya sa paligid.

Four Guys' Obsession (Overly Obsess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon