Chapter 23: The Unexpected News

1.4K 57 1
                                    

Eksaktong tatlong araw mula nang sumama kami ni Chu kay Jae ay nakapasok naman na ako. May galos pa at sugat ang kamay ko ngunit hindi na iyon namamaga at kaya ko nang ikilos, kaya naman kahit panay ang awat pa sa akin ni Chu ay hindi ko ito pinakinggan. Nag-asikaso na ako ng pagpapasok at maaagang nagtungo sa opisina.

Nasa bukana pa lang ako ng pintuan papasok ay agad ko nang napansin ang matatalim na tinging ibinabato sa akin ni Maple. Hindi ko alam kung para saan iyon pero mukhang nahuhulaan ko na. Sa tabi naman nito ay naroon si Chu na kabaliktaran naman niya ang ipinapakita sa akin. Malapad ang naging pagkakangiti nito na siya naman ipinagtakha ko.

Nilapitan ko silang dalawa paglapag ko ng bag ko sa mesa. Nakatitig pa rin sila sa akin nang may magkaibang reaksyon kaya naman ako na ang unang nagtanong sa kanila.

"Anong eksena ninyong dalawa?"

"At kami pa talaga itong may eksena? Ako nga itong dapat na magtanong sa inyong dalawa, anong nangyari sa inyo over the weekend?" Si Maple naman ang sumunod na nagtanong sabay na nagpasalin- salin ng tingin sa amin  ni Chu.

"Kung sumama ka kasi sa amin eh di sana hindi ka outdated."

Umismid naman si Maple tanda ng pagkadismaya sa turan ni Chu.

"Subukan mong maging singel mother, kapag naexperience mo na iyon, saka mo ako sabihan ng ganyan."

"Ang seryoso mo naman, teh!"

Inirapan lang ni Maple si Chu bago ito bumaling sa akin. "At anong nangyari sa kamay mo? Magaling na ba, iyan? Kaya mo na bang gumalaw?"

"Hep! Kalma ka lang, mami! Okay naman na ako, isa pa, malayo 'to sa bituka."

"Ano ba kasing nangyari?" Si Maple muli ang nagsalita at nangtanong. Sa tono pa lang nito ay hindi na namin mawarian ni Chu kung para sa amin ba ang inis niya o dahil alam naming alam na niya kung sino ang may kagagawan nito.

"Kailangan pa bang imemorize iyan?" Sabi pa ni Chu, eksakto namang napatingin ito sa may pintuan at saka inginuso sa amin ni Maple ang bagong dating.

"Anong nginunguso mo riyan? Nagtatanong ako ng maayos, kaya huwag mo akong ngusuan."

"Hindi naman kita nginungusuan, ang sungit mo naman. Hindi ba at tinatanong mo kami kung anong nangyari kay Eli, hayun,tumingin ka sa may pintuan,"

Sabay pa kaming napalingon ni Maple sa itinuro ni Chu sa pinto.

"Iyan, iyan ang nangyari."

"Bakit ba hindi na ako nagtakha." Umirap pa si Maple nang makita si Kim at Ryan na nasa pintuan at papasok roon. "Ano na namang eksena ng ex mong pinaglihi sa alien? Hindi ba siya maka-move on?"

"Excuse me, tutunganga na lang ba kayo riyan?" Matalim na tingin ang ibinato sa amin ni Kim habang hinihintay nitong lapitan namin siya. Ngunit wala ni isa sa aming tatlo ang kumilos.

"What's the matter, may problema ba?"

Ikinahinto namin nila Maple at Chu ang pagsabad ni Adrien na kalalabas lang ng pantry, otomatiko nitong nilapitan sina Kim at Ryan at saka seryosong tinignan ang huli.

Isa-isa naman akong kinalabit nila Maple at Chu nang tila maramdaman ng mga ito ang tensyon sa pagitan nito at nang bagong dating, halata rin ang kaseryosohan sa mukha ng binata habang hinihintay na sagutin siya ng mga ito.

"I'm here to get the finalize contract para project ng JYB with your firm,"

"Then go to that second table to your right, nandoon ang kotrata ninyo at kanina pa nakahanda."

Hindi na nito hinintay pang magsalita ang babae, mabilis na nitong natalikuran ang magnobyo at saka dumiretso sa direksyon namin.

Napansin kong dumako ang tingin ni Adrien sa kamay kong nakabenda pa at bago mahinahong nagsalita.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon