"Sasama ka rin naman pala ang dami mo pang sinasabi kahapon." nang-aasar na sabi sa akin ni Jae habang papunta kami sa opisina niya.
Doon ang meeting place ng mga empleyadong sasama sa team building ng JYB Interiors. Nabungaran ko kanina si Jae nang maalimpungatan akong may kumakatok sa pintuan ng bahay ko, napagsarhan ko pa siya ng pintuan kanina dahil sa itsura ko na nakapajama lang at gulo-gulo pa ang buhok nang makita niya.
"Wala na po akong choice kamahalan, nasa bahay ka na po eh. Nakakahiya namang paghintayin ka pa." sarkastikong sabi ko naman sa kanya habang iniirapan siya.
Sa totoo lang ay kagabi pa niya ako kinukulit at wala akong isinagot dahil ayoko ngang sumama, dahil alam kong wala naman akong gagawin doon at lalong wala naman akong kilala sa mga empleyado niya maliban na lang doon kay Kim at kay Ryan na hindi rin naman ako interesadong makasama.
Pero sa huli ay hinayaan ko na lang rin, pinagbigyan ko na lang dahil sa katakot-takot na pangongonsensiyang ginawa niya.
"We will have a great time, I promise."
"Saan? Sa team building ng company mo? Ano namang gagawin natin, magba-volleyball?"
Nakita kong kumunot ang noo niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa pagmamaneho. Hindi siya makatingin sa akin pero alam kong kung magagawa lang niya iyon ay malamang na hindi niya palalampasin ang pamimilosopo ko sa kanya.
"I am doing this para malibang ka on a weekend, hindi ka na lang magpasalamat diyan."
"At sino namang nagsabi sa iyong wala akong ibang pinagkakaabalahan? Busy kaya ako!"
Saglit na tinapunan ako ng tingin ni Jae bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon at alam kong hindi maganda ang sasabihin niya.
"Saan ka busy? Sa pagmumukmok at sa pag-iisip king bakit ka iniwan ng magaling mong ex?"
Ako naman ang tumingin ng masama sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya sa akin. Pinigilan ko pa ang sarili kong hampasin siya pero nangangati na ang palad kong gawin iyon.
"Bastos din iyang bunganga mo eh 'no? Ilaw ba talagang tinutulungan mo ako o nang-aasar ka?"
" I was trying to help you, kaya nga ako nandito hindi ba? Kaya huwag ka nang marami pang daldal at sumakay ka na lang."
Muli ko siyang inirapan sabay tingin sa kalsada. "Opo kamahalan, ano pa nga po ba?"
Mag-aalas siyete na ng umaga nang marating namin ang opisina niya, umakyat muna kami sa taas para doon na maghintay dahil wala pa ng bus na sasakyan namin patungo sa resort na pagdadausan ng team building nila. Wala pa rin si Chu na nag-commit na sasamahan ako kahit pa late ko na itong niyaya at tinawagan kanina.
"Is Chu coming?"
"Oo, fotunately pumayag iyong kaibigan ko."
"Good for you." He said to me sarcastically, we were at the elevator going up to his office.
Then it stopped at the 8th floor, bumukas ang pintuan at pumasok mula roon si Kim na agad namang binati si Jae ngunit irap at ismid naman ang ibinungad sa akin.
Impaktang 'to, akala mo nama ikinaganda mo iyang pag-aattitude mo?
I just looked at Jae tapos ay binalewala ko na lang iyon. Jae then held my hand at alam kong hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Kim na siya namang kinatuwa ko.
Ano ka ngayon.
Muli niya akong inirapan at saka bumaling kay Jae upang kausapin ito.
"Sir Jae, the bus will be here by 7:30. Kukunin ko lang iyong ibang gamit sa taas then we'll be off and ready by then." sabi pa nito sa kasama ko habang ngingiti-ngiti pa.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.