Chapter 25: What's wrong, Jae?

1.3K 54 0
                                    

Ilang beses akong nagpakurap-kurap upang siguruhing hindi ako pinaglalaruan ng mga mata ko. Kinusot ko rin ang mga ito nang hindi pa rin ako makumbinsing tama ang nakikita ko, I am seeing Jae. He is standing in fron of me as I am waiting for my coffee to be drawn at a vending machine na nasa lobby mismo ng ospital.

Si Jae ba talaga 'to? Baka naman kamukha lang?

Matapos magpailing-iling ay binalewala ako ang isiping iyon at saka patuloy na hinintay ang papatapos ng pagpuno sa baso ko ng kape mula sa vending machine.

Nang mapuno ay akma ko nang kukunin sana iyon ngunit may isang kamay na pumigil sa lamay ko. Wala sa loon na nilingon ko iyo  at nakita ang nagtatanong namukha ni Jae habang nakatingin sa akin.

"Can't you see me? Hindi mo ba nakikilala ang boyfriend mo?"

"H-ha? J-Jae, ikaw ba iyan?"

"At sino pa sa tingin mo? Ang akala ko ay mapapansin mo na ako kanina noong nakita mo ako pero parang wala kang kilala. What's wring with you?"

"B-bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito?" Tanong lang rin ang naisagot ko sa kanya na lalo naman niyang ipinagtakha. Binitawan niya ang kamay ko habang umaayos ako ng tayo, siya na rin ang kumuha ng kape ko na kanina pa puno at inabot iyon sa akin.

"Nakausap ko si Chu, he said that you took your emergency leave dahil naaksidente raw ang parents mo."

"T-tama, n-nasa recovery room na sila at hinihintay na lang naming magising."

"Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Diretso namang tanong niya nang abutin ko ang kape na ibinibigay niya.

Sa totoo lang ay wala akong sagot sa tanong niyang iyon. Sa sobrang taranta ko kagabi ay hindi na ako nakapag-isip pa. Hindi ko na rin naisipang tawagan siya dahil ang gusto ko lang mangyari ay ang makauwi kaagad dito sa Isabela.

Nag-isip ako ng alibi at tila naman gusto kong pagsisihan ang pinakauna kong nasabi.

"Sinamahan naman ako ni Adrien," hindi ko na nahabol pa ang mga sinabi kong iyon dahil nakita ko na agad ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya.

"You're with your boss?"

"Ano kasi, siya lang kasi iyong kasama ko kagabi sa opisina noong tumawag si Ate Elsie, everything happened so fast at hindi na ako nakatawag."

Hindi ko maisip kung bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya na para bang totoo talagang may relasyon kami. Hindi rin nagbabago ang kaseryosohang nakaguhit sa mga mata niya lalo na nang narinig niya ang paliwanag ko, na para bang hindi siya naniniwala rito.

"Pwede mo naman akong tawagan, I was just a phone call away."

"S-sorry." Nagiguilty pang sabi ko kahit pa alam ko namang wala akong dapat ihingi ng tawad.

Sa huli ay narinig ko lang na bumuntong-hininga siya at saka ako niyakap. "I was worried, lalo na noong hindi kita ma-contact. Mabuti na lang at alam ni Chu kung saan ka nagpunta at nasabi mo sa kanya ang oangalan ng ospital na pinagdalhansa mga magulang mo dahil kung hindi eh kailangan ko pang halughugin ang buong Isabela, mahanap ka lang."

"At bakit mo naman gagawin amg bagay na iyon?"

"Dahil I am worried, and you are my responsibility."

Parang hinaplos ang puso ko sa mga sinasabi niya. Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung bakit sobrang bait niya sa akin lately, pati na rin si Adrien na noong una naman ay hindi ako pinapansin. Bigla tuloy akong napaisip kung ano bang nagawa ko noong last life po para ma-deserve silang dalawa.

"H-hindi mo naman ako responsibilidad, isa pa kunwari lang naman iyong tungkol sa atin. And I was thinking ma kung pwede na nating tigilan iyon tu-"

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon