Chapter 45: I'm Sorry

1.1K 32 0
                                    

Nakatulala lang sa akin si Chu na para bang tinatanong ako ng mga tingin niya kung normal pa ba ang pag-iisip ko matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon. 

"Malala ka na talaga, girl. Malamang kung si Maple ang kaharap mo nabatukan ka na ngayon pa lang."

"Kaya nga sa iyo ko sinabi, kasi alam ko nama kung anong magiging reaksyon ni Maple kapag sinabi ko yan sa kanya."

"So tingin mo ako, wala akong gagawin sa iyo ngayon after hearing what you have just said?" Tinignan nkito ako ng masama na para bang naghahanda siya na batukan ako anumang oras. 

"Hindi naman sa ganoon, pero naisp ko nang mas magaan ang gagawin ko kumpara sa nakahanda niyang gawin kapag nalaman niyang sumama ako kina Jae at sa anak niya."

"Anong ginawa mo?" 

Halos sabay pa kaming napalingon ni Chu sa pintuan ng opisina ko nang marinig namin ang isang pamilyar na tinig. At hindi naging maganda ang pangitaing nakita namin dahil naroon at nakatayo si Maple habang masamang nakatingin sa pwesto namin ni Chu. 

"Mag-ready ka girl, nandiyan na yung dragon." Bulong naman sa akin ng katabi ko na halatang kinakabahan na rin pagkakita kay Mapale na papalapit sa amin. 

"Ipagdasal mo na lang ako."

"Noted, mamsh. Mag-start na ba ako?"

Tumango ako nang marahan sabay lunok. "Taimtiman mo, besh. I'll be needing that."

"Ano iyong narinig kong sinabi mo kay Chu? Sumama kang kumain sa Jae na iyon at sa anak niya?"

"Hindi, a-ano kasi iyon girl, n-nag-uusap kami nung napanuod kong palabas kagabi. Oo iyon nga,"

"Huwag kang sumabat diyan Chu, hindi kita tinatanong. Oh ano, Elijah? Magsasabi ka ba o hindi?" 

Hindi na ako nakatanggi pa lalo na nang tignan ako ng matalim ni Maple. I ended up nodding, there's no point na magsinungaling. 

Bahala na si batman. 

At tulad ng inaasahan ay tukuyan na itong bumuga ng apoy, inawat pa ito ni Chu para masigurong hindi ako nito maabot at saka ito bahagyang inilayo sa akin. 

"Maghunusdili ka muna, Maple. Si Eli iyan, iyong kaibigan mong mahal na mahal mo."

"Magitigil kayong dalawa." Nagpumiglas ito sa paghawak ni Chu sa kanya at saka lumapit sa akin. "Hoy Elijah, sabihin mo lang kung rumurupok ka na at nang mabatukan kita ng matindi. Hindi tayo umabot sa ganito para lang magpakatanga ka ulit at maniwala sa lalakeng iyon. Ano na lang ang mararamdaman ni GM kapag nalaman niya iyan?"

"Alam ko naman iyon, sasabihin ko naman sa kanya yung nangyari."

"Ha? Sasabihin mo?" Halos sabay pa nilang sabing dalawa. 

"Oo naman, ayoko namang maglihim sa kanya at ayoko namang pagdating ng panahon eh pagtalunan at pag-awayan namin iyong dalawa. Saka huwag kang mag-alala, Maple. Kayong dalawa, dahil hindi na ako babalik sa dati. I will not alloow him to hurt me more, hindi ko lang talaga natanggihan yung bata."

"Ayun naman pala, mami. Huwag ka nang highblood."

Nakita naming bumuntong-hininga si Maple, kumalma na rin ito nang tuluyan tapos ay agad na tinungga ang juice na nakapatong sa mesa ko na pagmamay-ari ni Chu. 

"Hoy," magrereklamo pa sana ito dahil wala nang tinira si Maple sa juice na tinimpla niya pero minabuti niyang huwag na lang.

Sa halip ay tinignan na lang ako nito at nagkibit-balikat.

_____

Tinignan ko ng maigi ang reaksyon ni Adrien matapos kong sabihin ang mga dapat kong sabihin sa kanya. 

"What?" he said to me nang titigan ko siya para hintayin ang sasabihin niya. 

"What? Iyon lang ang sasabihin mo sa akin after what I said?"

"Oh eh ano ba dapat?"

"HIndi ko alam, ano ba dapat? Hindi ba dapat magalit ka, or magtanong man lang. Kahit ano, basta say something."

"Ano bang dapat kong sabihin? At bakit naman ako dapat magalit?"

"Hindi ko alam, kasi dahil nagkita kaming dalawa without your knowledge?"

Sa halip na magsalita ay nilapitan lang ako ni Adrien at saka ako hinapit para yakapin. 

"A-Adrien,"

"Look, I believe you. Lahat ng sasabihin mo sa akin papaniwalaan ko because I trust you. Besides, you told me na pinagbigyan mo lang iyong bata so I bet that child is too charming para tanggihan." tapos ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin bago ako hinawakan sa magkabilang balikat. "Don't worry to much, Eli. I have to much faith in us para magalit sa ganoong mga bagay. Isa pa, hindi mo naman ako paglilihiman on purpose hindi ba?"

Mabilis ankong umliling bilang tugon sa tanong niya. 

"Then there's nothing for me to worry about, kaya hindi mo kailangang mag-alala. As long as you know your bounderies, I am okay with that."

"T-thank you, Adrien."

"No, thank you for being honest with me, Eli. It means a lot to know that you care for what I'll feel."

"Oo naman, you have done so much for me at ang pinakahuli kong gustong gawin ay saktan ka."

"You know I'll do anything and everything for you." 

"Alam ko naman iyon, kaya nga sobrang thankful ako that you're here with me." I smile at him, alam kong sobrang sincere niya sa mga nararamdaman sa akin, I can see and feel that he really loves me that's why ayokong dumating iyong pagkakataong masasaktan ko siya, kahit hindi ko pa iyon sinasadya. 

"I want you to be happy, Eli. I really do and I am willing to do what it takes para maibigay ko iyon sa iyo."

At sa halip na magsalita ay niyakap ko na lang siya, hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko. I can feel how much he loves me at natatakot akong masaktan ko lang siya sa huli. 

I have to do something about this, I know that I have to sort out what i feel dahil ayokong magsisi ako sa huli and worst, ayokong masaktan ang tanging taong nanatili sa tabi ko noong mga panahong nasasaktan ako. 

It's not going to be easy but I am willing to do what it takes para lang hindi ko siya masaktan bandang huli. 

"I love you, Eli."

"I love you too, Adrien. And thank you for everything, you've been an angel for me since day one and I don't know where I am right now kung wala ka."

"Like what I've said, I just want you to be happy. I want to see your smile and I want you to feel good about our relationship. I know that you've been through a lot at gusto ko lang maging magaan lahat para sa iyo."

"I know, but please, may isa lang akong ipapakiusap sa iyo."

"What is it?" Nagtatanong niya akong tinignan. 

"Promise me that if it's too difficult to bear na mahalin ako, just choose yourself. Spare your heart from any heartache that I can cause you. Maiintindihan ko naman lahat."

"No, I am okay. As long as you're with me, okay lang ako."

"Thank you."

Then he hug me again and that even made me feel the guilt even more. 

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon