Epilogue

3K 80 16
                                    

"Kailan ka luluwas?" 

Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang lakas ng boses ni Chu samantalang si Maple naman ay narinig ko ring nagsasalita sa pagitan ng mga reklamo nito. Hindi ko na napigilang matawa, mag-iisang taon na rin kaming hindi nagkikita, isang taon na rin akong hindi nakakaluwas sa Manila kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganoon siya makipag-usap sa akin. 

"Sa isang linggo na po,"

"Akala ko nakalimutan mo na kami, mag-iisang buwan mo nang pinapangako sa amin na luluwas ka eh hanggang ngayon naman hindi namin nakikita kaluluwa mo."

"Grabe naman makamiss iyan, galit na galit ka naman, teh." 

"Paanong hindi, eh hindi namin mayaya si GM dahil ikaw ang hinahanap. Kailan ka daw ba babalik?"

"Babalik na nga, grabe naman yung tatlo na kayong kumukumbinsi sa akin na bumalik, paano ba naman ako makakatanggi?" 

"So babalik ka na nga?" Halos mabingi ako sa pagsigaw na ginawa ni Chu nang marinig ang sinabi ko. I can see him getting excited nang sabihin kong tinanggap kong muli ang offer ni Adrien na bumalik na ulit ako sa firm.

For how many months, Adrien tried to pursue me na bumalik na ako sa trabaho. He's been patient in convincing me kahit na ilang beses ko na siya tinanggihan. He even tried to jokingly blackmail me how's he is still hurting dahil sa ginawa ko sa kanya at mawawala lang daw iyon kung papayag akong bumalik sa kompanya niya.

"Blina-blackmail ako ng boss niyo, tapos panay ang kulit sa akin so ano banag magagawa ko?" hindi ko na naiwasang matawa dahil naalala ko kung paano ako kumbinsihin ni Adrien sa tuwing magkakausap kami. 

At sa huli ay wala na akong nagawa, pumayag na ako dahil gusto ko na rin namang bumalik. Gusto ko na ring gumawa ng mga bagay na gusto kong gawin at makasama ang mga taong isang taon ko na ring hindi nakakasama. 

I was able to re-group myself, sa loob ng isang taon na nanatili ako sa Isabela at ginawa ang lahat para  mabuo ulit ang sarili ko and it help me to rethink of what happened and I was able to forgive him and myself as well.

"So ready ka na?" Si Maple naman ang nagtanong sa akin, sumingit pa ito sa screen para mas makapag-usap kami.

"Ready saan?"

"Sa lahat, kapag umuwi ka dito may posibilidad na magkita kayo ni Jae. Ready ka na ba?"

Honestly, I am asking myself the same question. Kung handa na ba akong makita siya and I keep on getting the same answer.

I have to be ready, it's about time.

At wala namang ibang pagpipilian dahil ang balita ko at ang sabi sa akin nila Maple ay isa pa rin sila Jae sa mga kliyente ng construction firm nila Adrien.

"When you're back, may posibilidad pa rin na mahandle mo ang project from Lidies at JYB, okay lang ba iyon sa iyo?"

"Bakit naman hindi, professional 'to 'no."
nagyabang pa ako pero sa hui ay binara lang rin nila ang sinabi ko stating the fact na nagawa ko ngang umalis lara lang umiwas sa lahat including to him.

"But seriously, we're glad that you're coming back. Namimiss ka na namin kachismisan kada hapon. At miss na rin naming pagchismisan ang love life mo."

"Wala na kayong pagchichismisan dahil trabaho na lang ngayon ang focus ko."

Natawa silang dalawa pagkasabi ko noon tapos ay nakakaloko akong tinignan.

"Let's see kung kaya mong panindigan iyang trabaho na focus na sinasabi mo."

-----

Makalipas lang ang ilang araw ay nakabalik na ako sa firm, the rest of the team welcomed me na parang walang nagbago as if hindi ako umalis.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon