"Oh, anong tinitingin-tingin niyong dalawa? Parang gusto niyo akong kainin ng buhay ah." Hindi ko na napigilang tanungin sina Chu at Maple na panay ang tingin sa akin habang kumakain kami.
Nalapitan ko na kanina sila mama, papa, ate at ang asawa nito. Masaya nila akong binati at sinabing wala silang ibang hangad kundi ang kaligayahan ko. Iniwan ko sila sa mesa kung saan sila naroon at saka ako lumalit kina Chu at Maple at doon na nila ako niyayang kumain samantalang si Adrien naman ay abala sa pagkausap kina ate at mama.
"Wala naman, masaya lang ako para sa inyo ni GM. Alam mo namang push na push na ako sa inyong dalawa dati pa, pero ang tanong lang doon ay..."
"Kung ikaw ba ang tatanungin eh masaya ka?"
Natawa ako sa tanong ni Chu sa akin, alam ko kung anong ibig sabihin niya at ilang beses ko na ring narinig ang tanong na iyon nang paulit-ulit nitong nakalipas na dalawang taon kaya alam ko na ang isasagot ko.
"Ayos lang ako, bakit niyo naman naisip na hindi?"
"Hindi naman namin sinabing hindi ka okay, symepre nag-aalala lang kami sa iyo na baka naglapadalos-dalos ka ng desisyon o kaya eh napepressure na na lang sa kakakulit namin na magjowa ka na."
"Isa pa, alam naman natin kung anong nangyari at alam naman namin na sob-"
"Don't even go there, Chu." Nagbabanta ko siyang tinignan na siya namang ikinatahimik niya. "Ano ba naman kayo, ayos nga lang ako. Huwag kayong mag-alala sa akin, isa pa, alam niyo naman kung gaano na katagal na naghihintay sa akin si Adrien, kayo pa nga itong panay ang tulak sa aking sagutin ko na siya, o eh bat naman ngayon parang nag-aalangan pa kayo."
"Hindi kami nag-aalangan, syempre gusto lang namin na maging masaya ka... kayo ni GM. We know naman how fond he is to you, at alam din namin ang pinagdaanan niya para lang makarating kayo sa ganito. Kaya natatakot din naman kami na baka hindi ka oa handa tapos pinasok mo iyan."
"Naiintindihan ko naman kung bakit kayo nag-aalala, pero seryoso ako when I say na everything's okay between me and Adrien."
"Mahal mo ba talaga siya?"
Walang gatol akong tumango bilang tugon na ikinatango naman nilang dalawa.
"Hai, sabagay. Sino pa ba naman ang aayaw kay GM?" Tinignan pa ni Chu si Adrien na nasa kabilang mesa at kausap sina mama at ate. "Mabait, gwapo at mayaman pa. Hogit sa lahat, mahal ka at hindi ka pinabayaan."
"Eh diba hindi mo naman siya bet dati para kay Eli?"
Biglang sumama ang tingin ni Chu kay Maple na hindi naman mapigilan ang tumawa.
"Dati iyon, nabulagan ako. Malaya ko ba namang ganon ang mangyayari. Team EliDrien na ako ngayon kaya huwag ka nang magulo, Maple."
"Balimbing!"
"Teka nga, tama na nga iyan. Mamaya diyan magkapikunan na naman kayo."
Ako na ang umawat sa kanila dahil madalas ay nauiwi sa pikunan ang pang-aasar nila sa isa't isa."Am I missing something here?"
Sabay pang natigilan sina Chu at Maple ang lapitan kami ni Adrien. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hindi iyon nakaligtas sa dalawang kaharap namin na pasimple akong hinampas sa tagiliran. Sinenyasan ko lang silang huwag magulo at saka ko binalingan si Adrien.
"Wala naman, nagkakatuwaan lang sina Maple at Chu. Kayo doon, mukhang nagkakasayahan na kayo ng ate ko ah."
Ngumiti lang siya sa akin at saka ako hinalikan sa noo. "Hindi naman, pero pinapapunta ako ng mama mo sa Isabela para daw mas matagal nila akong makasama at makakwentuhan."
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.