Chapter 32: Feelings

1.3K 41 1
                                    

"O anong chika, mamsh?" Naiinip na tanong ni Chu habang kausap ko siya sa videocall.

Mabuti na lang at hindi namin kasama si Maple sa call dahil malamang eh mag-aasaran na naman sila pagnagkataon. Kay Chu ko ikinuwento ang nangyari kanina pati na rin ang pagtatalo na nangyari sa amin ni Jae. Sinabi ko rin iyong nalaman ko kay Mang Nestor at ganoon na lang ang reaksyon na nakuha ko mula sa kanya.

"Ha? E diba magkaklase kayo noong highschool, so paanong magkababata pala sila? Hindi mo siya kilala?"

"Si Lauren? Hindi, alam ko noon sabi niya eh bagong lipat lang sila dito sa Manila noong highschool kami. Kaya wala siyang masyadong kakilala noon, hindi rin naman siya nagkwento about sa kanya kaya wala talaga akong alam."

"Ay, ayun naman pala. Oh eh paano na iyon?"

"Hay naku, hindi ko alam, 'wag mo nga akong tanungin diyan kasi hindi ko rin alam ang sagot. At saka ikaw ah, nililibang mo ako, bakit ba panay ang pakikipagkuntsaba mo dito kay Jae? Nakakahalata na ako, parang mas kampi ka pa sa kanya kesa sa akin na kaibigan mo."

"Sus, eto namang kaibigan ko." Sabi naman nito sa akin sabay irap. "Syempre tinutulungan ko iyong tao para ma-ush na ng maigi iyong loveteam ninyong dalawa. At saka alam ko naman na mabuti ang intensyon niya sa iyo, I can see that he really likes you."

"At paano mo naman nasabi?"

"Sinabi niya po, kinausap niya ako noong team building ng JYB na kasama tayo. Iyong after mo maaksidente kagagawan no'ng Ryan na iyon. Alam mo bang muntikan na niyang patulan iyon habang nagpapagamot ka. Ganon siya ka-rotective sa iyo."

"T-talaga?" Bigla akong napatutok sa monitor ng telepono ko nang marinig ko ang sinabi ni Chu.

Did he really do that?

Muntik na niyang awayin si Ryan?

"At ano pa, 'te? Nagpigil lang iyon dahil maraming tao pero malamang sa alamang kung hindi baka may black eye mong makikita si Ryan that day at malamang din eh hindi ka na naman tinatanan ni Ate mo Kim dahil sa pagkakapahamak ng joea niya."

Hindi na ako nakapagsalita pa, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko naman din alam na may ganoon pa lang nangyari.

"Pati rin pala si GM muntik na ring sugurin si Ryan." Mayamaya pa ay singit ulit nito.

"Si GM? Si Adrien?"

"Mismo, wala nang iba. Kaya nga inggit na inggit ako sa haba ng buhok mo, mamsh! Abot mula Ayala hanggang Edsa Balintawak. Kabog!"

"Magtigil ka, bakit naman nasali dito si Adrien."

"Oh well, bukod naman kasi sa first name basis na kayong dalawa kahit pa boss natin siya eh tama naman si Maple na kakaibang concern nga ang pinapakita niya sa iyo. I mean, parang hindi lang concern sa emplyedo ang mga kaganapan, mami!"

"Guni-guni mo lang iyon, Chu. Naku, sige na nga. Baka mamaya may makarinig pa sa iyo diyan. Pauwi na ako bukas, pakisabi na lang kay Maple iwan na lang sa table ko iyong mga dapat kong asikasuhin bukas, hindi ko siya ma-contact."

"Naku, busy ang isang iyon, kasalukuyang nagmumurang kamatis."

"May bagong jowa?"

"Wit, iyong tatay ng anak niya. Pinupursue ata ulit siya, ewan ko ba doon. Naku, kaya hayaan na lang natin."

"Okay, sige. See you tomorrow."

"Bye, cyst! Galingan mo diyan, ipagpatuloy mo ang pag-sail ng EliJae ship ko ah."

"Puro ka kalokohan, sige na."

Eksaktong pagkatapos naming mag-usap ni Chu ay siya namang pagkatok ni Jae sa kwarto ko. Matapos naming mag-usap kanina ay niyaya niya akong mananghalian tapos ay pinagpahinga niya na na muna ako.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon