"How's your lunch date with GM, my beautiful friend?" nanunuksong sabi ni Chu nang lapitan niya ako sa mesa ko.
Mag-aalas singko na at kanina ko pa sila hinahagilap ni Maple pero hindi ko sila makita kung saan.
"Edi kumain kami, iniwan niyo kasi ako. Alam mo bang sinabi ko sa kanya na I am having a lunch out with you, tapos bigla niyo akong iniwan."
"It was all Maple's idea." sumbong ba nito para linisin ang pangalan niya. "Pero okay na rin naman para magka-chance kayo ni GM to have some alone time."
"Alone time ka diyan, nagyaya lang maglunch out iyong tao kaya huwag kang assumera, friend."
"Hindi ako nag-aassume, ayoko lang na nadedehado si papi Jae."
"P-papi Jae?" tinignan ko pa si Chu upang sigiruhin kung tama ba ang narinig ko. Kung iyon ba talaga ang sinabi niya.
"O bakit ganyan ka makatingin?"
"Ewan ko sa iyo. Uuwi na ako, huwag kang magulo diyan at tantanan mo ako ng kakatanung mo tungkol kay Jae or kay Adrien."
Si Chu naman ang natigilan sa sinabi ko, sinabihan pa niya akong ulitin iyin dahil parang nabingi raw yata siya.
"Pakiulit nga, ghorl? Hindi ko masyadong narinig."
"Ang alin? Iyong ewan ko sa iyo o iyong uuwi na ako."
"Hindi iyan, gaga. Iyong huli mong sinabi."
"Huwag kang magulo?" sabi pa niya habang nagtatanong akong tinignan kung iyon ba talaga ang ibig niyang sabihin.
"Hindi iyan, iyong pangalang binanggit mo. Iyong last."
"Si Adrien?"
"Iyan nga!"
"Oh eh bakit?"
"Bakit first name basis na kayo ni GM? What is going on between the two of you?"
"Nagtawagan lang sa pangalan, may gusto agad?"
"Eh ano pala?"
"Wala," mariin kong sagot sabay tingin sa kanya. "Mabait lang talaga iyong tao." Kumilos ako upang tumayo saka ako naglakad patungong pintuan para iwan siya. "Mauuna na ako."
"Luh, tama bang mang-iwan ka? Wait lang sasabay ako."
Sa labas na ako naabutan ni Chu na hinihingal pa dahil sa ginawa nitong pagtakbo para habulin ako.
"Wait lang naman, nang-iiwan talaga? Sabay na tayong umuwi."
"Kayo rin naman lagi niyo akong iniiwan, sa alanganing sitwasyon pa nga." Kunwari ay may himig ng pagtatampo ang tono ko para kahit papaano ay makonsensya ito sa ginawa nila ni Maple na pag-iwan sa akin kanina.
At tulad nga ng inaasahan ay umepekto iyon dahil panay na ang sorry ni Chu sa akin.
Tagumpay!
"Huwag ka nang magtampo girl, ayoko naman talagang gawin iyon kanina kaso si Maple kasi eh. Sabi niya pabayaan namin kayo kasi yayain ka naman daw ni GM maglunch. Sa katunayan nga eh Team JYB ako 'no,"
"Team JYB? Ano naman iyon?" Tanong ko pa na marinig ko ang huling sinabi niya.
"Team JYB all the way, for you."
"Ha?" Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi ni Chu kaya naman nagtanong ulit ako sa kanya. "Ano ngang team JYB iyang pinagsasabi mo?
"Between GM and Sir Jae, mas kay Sir Jae ako para sa iyo. I can see chemistry sa inyong dalawa at mas bet ko siya para sa iyo, lola!"
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.