Chapter 26: Confession

1.3K 52 0
                                    

I was confuse in a bit, hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin ang tanong sa akin na iyon ni Jae o hindi. I know that he's mad, halata iyon sa mga mata niya at hindi iyon maikakala ng mga tinging binibigay niya sa akin but I choose to ignore it.

Sa halip ay marahan kong pinalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at saka patalikod na naglakad palayo sa kanya.

"What now, Eli?"

"Mag-usap na lang tayo kapag kaya mo nang sabihin kung anong problema mo sa ate ko at sa boss ko. Hindi ko kayang makipag-usap sa iyo ng ganyan ka." Muli akong umaktong maglalakad palayo na sana sa kanha ngunit muli ko naman siyang narinig na magsalita.

"Wala akong problema sa ate mo, hindi ko rin alam kung bakit siya nagagalit sa akin."

"Hindi magagalit ang ate nang walang dahilan, you must've done something to her para ganoon na lang siya makitungo sa iyo."

"I really don't know, wala akong idea. Swear, at kung meron man, wala akong matandaan."

He sincerely looked at me, sandaling nawala ang inis sa mukha niya at tanging purong sinseredad lang ang mababasa roon. I heaved a sigh, I know Ate Elise pero kilala ko rin si Jae, at least kahit papaano. He's not the type of person na sasadyain kang galitin o inisin, except kung si Ryan at Kim ang kaharap namin o kung inaatake siya ng kapilyohan niya at iniinis niya ako. But other than that, I don't see him as someone who will start or pick-up a fight.

"How about my boss? Si Adrien."

"At first name basis na pala kayo ngayon ng boss mo?"

"Don't start with me,"

"Nagtatanong lang ako, may masama ba doon?" pagdadahilan niya sa akin. Muli kong nakitang bumabangon ang iritasyon sa mga mata niya lalo na sa pagkakabanggit ng pangalan ni Adrien.

"Iba ang nagtatanong sa nagiging sarcastic. And you are being one at this very moment."

"I'm jealous."

Ano daw? Nagseselos daw siya?

Kay Adrien?

Seryoso ba siya?

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"I am being serious, nagseselos ako."

"At bakit?"

"Dahil boyfriend mo ako, kailangan pa bang itanong iyan?"

"We both know that there is really nothing going on between us, Jae. Don't act as if totoo ang lahat." Ako naman ang nagsimulang maging seryoso. Tinignan ko siya sa mga mata at wala akong ibang mabasa doon.

"Paano kung sabihin kong I want the real thing."

"We both know na ginagawa mo lang ang bagay na ito para tulungan ako to get even with Ryan kaya huwag mo akong simulan,"

"Bakit? Dahil natatakot kang buksan ulit iyang puso mo dahil nasasaktan ka pa?"

"Hindi, ayoko lang ng mga bagay na walang kasiguraduhan. Let's just keep it this way, ayoko ng kahit anong komp-"

"I'll make you believe in me, Elijah. Hindi mo kailangan sumagot ngayon, pero huwag mong isarado ang puso mo sa mga posibilidad at sa mga pwedeng mangyari... sa atin."

Hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko kaya hindi na ako nakakibo pa. Noong nakaraan lang ay pinag-uusapan lang namin kung paano nkya akong tutulungang makaganti kay Ryan, ngayon naman ay para bang tinototoo na nito ang lahat.

Pero bakit?

Dahil ba may nangyari talaga sa amin?

"Eli," hindi ko alam kung ilang beses na niyang natawag ang pangalan ko, saglit akong natulala na para bang nawala ako sa mga sinabi niya.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon