Chapter 30: She's His Ex

1.3K 45 0
                                    

"She's my ex."

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabing iyon ni Jae. Kanina pa niya sinabi ang mga salitang iyon ngunit tila sirang plakang naririnig ko pa rin ang bawat salitang binibitiwan niya.

"O, eh a-ano naman? Wala naman akong dapat malaman sa kung anong meron kayo. Hindi ko rin naman tinatanong kaya bakit ko sinasabi?"

Narinig kong bumuntong-hininga si Jae sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa mesa. Mas naging malambot ang ekspresyon ng mga mata niya bagay na agad namang tuminag sa natitira kong pagmamatigas.

"O-okay lang naman talaga, hindi mo naman kailangang sabihin pa ang lahat sa akin."

"I wanted to be honest to you. At ayokong isipin mong kakasabi ko lang sa iyo ng nararamdaman ko tapo ay heto't may ibang babaeng lumalapit sa akin. Kaya I want you to know everything."

"Hindi naman na talaga kaila-"

"Gusto mo ba ako, Eli?"

"Ha?"

"Be honest with me, do you like me?"

"Does it matter kung sagutin ko man o hindi iyang tanong mo?"

"It means the world to me kung sasagutin mo ako, be honest with me and with yourself. Do you like me?"

Marahan akong tumango, wala naman nang point kung itanggi ko pa eh sa iyon naman talaga ang nararamdaman ko.

Ayoko na rin namang lokohin pa ang sarili ko.

For once, all I want is to be honest with myself.

"May mababago va kung sasabihin kong gusto nga kita?"

"Mas okay na iyan kaysa sagutin mo ako ng hindi ka pa sigurado."

"Siguro nga gusto kita, pero hindi ibig sabihin noon na tinatanggap ko na ang mga sinabi mo kanina."

"That's why I wanted to be honest with you, gusto kong bago mo sagutin ang mga sinabi ko sa iyo kanina ay wala kang magiging pagdududa. I want you to completely trust me at mangyayari lang iyon kung mapaparamdam ko sa iyong wala akong tinatago."

Doon ko siya diretsong tinignan, marahan pa rin niyang hinahaplos ang kamay ko na hawak niya, making me feel the sincerity of what he is saying.

Totoong gusto ko siya, gusto ko si Jae. Hindi ko alam kung kailan ako naging seryoso sa dati ay kunwari lang naming relasyon. Hindi ko rin alam kung kailan ako nagsimulang makita siya sa ibang paraan. Utang ko sa kanya ang lahat, he's there during those times na halos sumpungin ako ng kagagahan ko. Ilang ulit ko nang muntin na pagmukhaing tanga ang sarili ko sa harapan nila Ryan, kung hindi lang sa parati niyang pagpapaalala na hindi ko deserve ang mga pinagdadaanan ko.

He made me believe na kaya kong umusad hanggang sa unti-unti ko iyong nagawa.

Hindi siya mahirap gustuhin, sa totoo lang ay tama si Chu sa mga sinabi nito kay Jae. At kahit hindi ko man aminin ay alam kong iyon ang mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

"Ayokong dumating iyong panahon na magsisihan at magsumbatan tayo dahil lang may hindi ako sinabi tungkol sa nakaraan ko."

"Hindi naman kasi impor-"

"It is to me, ganoon ka kaimportante sa akin, Eli. Na nasa punto akong gusto kong sabihin sa iyo ang lahat."

"Sige, start telling me everything, Jae."

"She's my ex," ulit niya sa sinabi niya kanina.

"Gaano na kayo katagal na magkahiwalay?" Ako naman ang nagtanong, pagkakataon na ito at hindi ko naman iyon tinanong.

"Three years, that day na una tayong nagkita, iyon dapat yung araw na babalikan ko siya sa States. Hindi ko alam ang gagawin noong araw na iyon dahil masyado akong kinakain ng lungkot. I felt devastated noong maghiwalay kami, I fel so sad that even when we're already apart ay umaasa pa rin akong magiging okay kami. Then you came, niyaya mo akong mag-inom and the rest is history."

"Bakit kayo naghiwalay?"

"She left me."

Ako naman ang natigilan nang marinig ko ang sinabi niya.

"And now she wanted to be back in my life na para bang walang nangyari,"

"Baka dahil kayo talaga ang para sa isa't isa."

"Walang ibang para sa akin kung hindi ikaw, Eli."

Bigla akong napatitig sa kanya nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko mabasa sa mga mata niya ang kahit anong pagbibiro at purong sinseridad ang nakikita ko roon, bagay na lalo kong ikinatatakot.

Ano pa bang gusto mo, Eli. Nagsasabi na nga iyong tao, nagda-doubt ka pa rin? Nagtatalo ang isip at puso ko. Nagtatalo ang mga ito dahil ang isa ay gusto nang sumagot ng oo ngunit ang isa nama  ay puno ng pangamba sa mga pwedeng mangyari lalo na at may Lauren pa na umaaligid-aligid.

Bigla akong nakaramdam ng pagkalito, gusto ko siyang sagutin ngunit sa kabilang banda ay ayooong madaliin ang lahat. Ayokong magpadalos-dalos tapos sa huli ay ako lang rin ang masasaktan.

"Do you believe me, Eli?"

Isang tango ang isinagot ko sa kanya bilang tugon.

"That's better, you don't have to answer right now. Take your time, basta sapat na para sa akin na malamang gusto mo rin ako. Kaya kong maghintay sa isasagot ko, kaya kong hintayin iyong time na kusa mong tutugunin iyong nararamdaman ko para sa iyo."

"S-salamat."

Then he smiles at me, the most innocent smile I see in him simula nang simulan namin anh kalokohan na ito hanggang sa humantong kami sa ganitong sitwasyon.

"Kumain ka na, ano bang gusto mong kainin? Maraming inihanda sila Mang Nestor."

"I-ikaw?"

"Ako?" Aniya sabay pakawala ng isa pang pilyong ngiti. Bigla naman akong nataranta,   kaya agad ko ring binawi ang sinabi ko.

"A-ang ibig kong sabihin, i-ikaw, kumain ka na rin. Napakadaldal mo, ang dami kong sinasabi." Tapos ay nagsimula na akong kumain, nilagyan ko ang plato ko ng kahit anong madadampot ng kutsara ko. Tapos ay narinig ko na naman siyang tumawa.

Tinignan ko siya habang siya naman ay sayang-sayang tinitignan ako.

"Oh, tingin-tingin mo riyan?"

"Look at your plate, mauubos mo bang lahat iyan? Gutom ka ba?"

Tinignan ko ang plato ko at maging ako ay nagulat sa mga naroon. Tila kalahati ng nakahain kanin ay nailagay ko sa plato sa sobrang taranta ko kanina, muli kong binaling ang tingin ko kay Jae na iiling-iling namang kinuha ang plato ko at pinalitan ng nakalapag sa harapan niya.

"Here, take this. Dahan-dahan lang at wala namang aagaw sa iyo ng kanin, I'll let you eat whatever you want." Tawang-tawa pa ring sabi niya.

Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi, hiyang-hiya ako dahil baka isipin niyang... una, gusto ko siyang kainin. Pangalawa, na matakaw ako.

Nakayuko na ako at halos hindi makapagsalita nang maramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko at hinaplos ako sa buhok, na para ba akong isang batang inaalo.

"You're so cute."

Sa pag-aakalang nang-aasar na naman siya ay bigla akong nag-angat ng ulo para sana pagsabihan siya ngunit eksaktong pag-angat ng mukha ko ay mukha niya ang sumalubong sa akin at wala nang isang dangkal ang layo namin sa isa't isa. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang nakangiting nakatitig siya sa akin, mayamaya pa ay napansin ko kusag lumiliit ang distansyang meron kami. Paliit iyong nang paliit hanggang sa tukuyan nang mawala.

He's kissing me again pero hindi ko makapa sa puso ko ang pagkagulat. I just let him do it, at ginaya ang bawat paggalaw na ginagawa ng labi niya. His kiss was gentle, even his hands resting on my cheeks feels warm and it only means one thing.

I am beginning to fall for him, sa ayaw at sa gusto ko, aminin ko man o hindi.

I am falling for this man at alam kong anumang oras ay handa ko nang tugunin ang ipinapakita niya at ang nararamdaman niya para sa akin.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon