"So what?"
"Anong what?" I was looking at Chu, answering his question with another question dahil hindi ko naman gets kung anong ibig niya sabihin.
Kapapasok ko lang, kababalik lang namin ni Jae from Batangas dahil sa na-cancel na meet-up namin sa supplier niya kuno.
Tinignan ako ni Chu, parang naghihintay pa rin siya ng sagot sa tanong niyang hindi ko maintindihan kaya ako na ang initiate na klaruhin niya.
"Ano ba kasi iyon, Chu? Hindi kita maiintindihan kung puro non-verbal gestures lang ang gagawin mo sa akin." Naubusan na ako ng pasensiya dahil ayaw niya akong tantanan pero hindi ko naman siya gets.
"Ang slow mo talaga, hindi ko maintindihan anong nagustuhan sa iyo ni GM at Sir Jae." sabi pa niya sabay lapit sa akin. "Ang tinatanong ko eh kung ano na bang ganap sa inyo ni JYB. First base na ba?"
"Alam mo ikaw, ang bastos mo. Anong first base?"
"Tignan mo 'to," tinuro pa niya ako sabay irap sa akin. "Ikaw ang bastos at iyang utak mo. Ang ibig kong sabihin eh kung nakapag-confess na ba ng all out?"
"Ah," I awkwardly laugh after. "I-iyon ba 'yon?"
"At ano pa sa tingin mo? Girl, bakla ako pero dalagang Filipina pa rin 'to 'no. So ano na nga? Kayo na?"
At bago pa man ako makasagot ay siya namang pagdating ni Maple dala ang ilang folders na siya naman niting nilapag sa mesa ko.
"Tama na ang daldalan at magtrabaho muna tayo, pwede?" At saka nito binalingan si Chu. "Baks, nalipat na ba rito ang table mo at dito ka naglalagi?"
"KJ ka girl? Para nakikichika lang, sabagay, mukhang tagilid na iyong manok mo eh."
"Hangga't walang official statement from our madam here na walang sing haba ang buhok eh hindi ko tatanggaping talo na ang manok ko. Kaya bumalik ka na sa pwesto mo bago ko pa makalimutang kaibigan kita."
Wala naman nang nagawa si Chu kung hindi ang umalis sa harapan ko, natatawa namin siyang pinagmasdan ni Maple na siya namang pumalit sa inuupuan ni Chu kanina.
"Ikaw nga umamin ka, totoo bang lahat ng chika no'n ni Chu sa akin?" Hinampas niya pa ng mahina ang mesa ko at saka humilig papalapit sa akin. "Kayo na ba ni JYB?"
"A-anong nangyari sa trabaho muna, chismis later?"
Tapos ay narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Kasi naman, kapag ganon iniisip kong naaawa ako kay GM."
"'Bat naman?"
"Anong 'bat naman? Manhid ka ba o sadyang densed lang gawa nung timang mong ex? Hindi mo ba nararandamang gusto ka niya?"
"Hindi, true ba?"
"Sis, papaputol ko isang daliri ko kung hindi."
"Paano mo naman nasabi?"
"Abay malamang edi nakikita at nahahalata ko? Ikaw lang naman kasi 'tong kung saan-saan nakatingin. Pero teka, ano na nga bang ganap sa inyo ni JYB? Kayo na ba?"
"T-tingin ko."
Doon ko na nakitang pinandilatan niya ako ng mga mata. The looks in her face when I told her that just screams denial.
"Anong tingin mo? Ano iyon? Oo na hindi? O ikaw lang ang nakakaalam?"
"Syempre alam din niya, k-kaya lang kasi h-hindi pa naman ako sumasagot ng diretso kung gusto ko ba talaga siya noong sinabi niyang gusto niya ako pero."
"Pero?"
"Nagkiss ka kami."
"Sinasabi ko na nga ba!"
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.