"Ate Eli, close ba kayo ng daddy ko?"
Nagulat ako sa tanong ni Lidie na nakaupo sa tabi ko habang tahimik na nagsusulat. Kanina lang ay iniwan ito sa akin ni Jae na may kinaukasap naman sa kabilang table.
"Ha?"
"Ang sabi ko kung close ba kayo ng daddy? Kasi palagi ka niyang kinukwento kahit noong nasa US pa kami. He would tell me stories about you tapos kapag tinitignan ko siya he would just smile at me, na parang sobrang miss ka niya. Na parang gusto ka niya palaging makita."
Tiningnan ko si Lidie, hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung limang taon talaga ang batang ito, iba siya magsalita para sa edad niya. Hindi siya tulad ng ibang bata na iba mag-isip at magsalita. Minsan ay iniisip ko ngang matanda na ito na natrap lang sa katawa ng isang paslit.
"Kinukwento niya ako sa iyo?"
"Opo, palagi. Lalo na kaapag magkasama kami at kami lang dalawa."
'A-anong sinasabi niya sa iyo?"
"That she loves you." Tapos ay tinignan niya ako at saka siya ngumiti. "At tama siya dahil palagi niyang sinasabi sa akin na mabait ka."
Nagulat ako sa sinabi niya sa akin, hindi ako makapaniwalang sinabi ni Jae sa anak nito na may mahal itong ibang babae maliban sa nanay niya.
"O-okay lang sa iyo iyon?"
Masayang tumango ang bata at saka muling ngumiti sa akin.
Wala akong naiintindihan sa nangyayari, hindi ko na rin alam kung tama pa ba ang pinag-uusapan namin pero sa tuwing titignan ko ito ay wala akong ibang nababasa sa mukha niya kung hindi mga ngiti.
Na para bang hindi ito apektado sa nalaman niya.
"Lidie, nasaan ang mama mo? Okay lang ba sa kanya na nakikipag-usap ka sa akin?"Tinignan ko ang bata at hinintay ang isasagot nito sa akin, tapos ay binalingan lang ako nito ng tingin bago nagsalita.
"Wala na siya," maiksi nitong sabi.
"W-wala na?" Tila ako pa ang nagulat sa sinabi nito dahilan para mapabaling ako sa kanya.
Tumango lang ito at saka nagbaling ng tingin palayo sa akin. She look outside the window as if watching everything that passes by from the outside.
"She died when I was a baby, iyon ang sabi ni Daddy Jae."
So matagal ng patay ang mama ni Lidie? Pero bakit walang nabanggit si Jae na kahit ano tungkol sa bata kahit noong bago oto umalis?
Bakit hindi nito sinabing may anak na pala ito dati pa.
"I-I'm sorry, Lidie." Hindi ko naiwasang mapayuko at malungkot, hindi ko maimagine kung gaano iyon para sa kanya na sa murang edad ay mawalan na kaagad ng nanay. I can't imagine the pain she has to bear because of that. "Hindi na dapat ako nagtanong."
"Okay lang iyon, ate."
Lalo akong bumilib sa kainosentehan nito at maturity at the same time. Sa mura nitong edad ay nawalan na siya ng nanay na pwedeng mag-alaga sa kanya pero sa halip na masamain iyon ay iba ng naging outlook nito at marahil ay isa iyon sa dahilan kung bakit kahit na limang taon pa lang ito ay matured na ang pag-iisip.
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya.
"Ate, huwag mo nang iwasan ang Daddy Jae ko."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kay Lidie. Alam kong hindi naman niya alam ang nangyari at alam ko ring wala siyang idea roon kaya naman hindi ko masabing imposibleng mangyari ang gusto niya.
Na hindi na kami pwedeng magkasundo ng daddy niya.
"Alam mo Liddie, naiintindihan ko na mahal mo ang Daddy Jae mo, at alam ko rin na matured kang bata pero kung anuman iying nangyari noon ay hindi iyon basta maaalis ng simpleng pagbalik ng Daddy mo."
"He was not able to ruturn right away because he has to take me in. He was about to go back here, pero kinailangan niyang magstay sa US dahil kailangan niya akong alagaan at asikasuhin."
"P-paano mong natatandaan ang lahat ng iyan, Lidie?" Hindi ko na napigilang magtanong dahil sa magkahalong amusement at pagtatakha na nagagawa nitong maalala ang lahat kahit pa sobrang bata niya. "I mean, three years old ka pa lang noon kaya paano mo natatandaan ang lahat ng nangyayari?"
"Daddy Jae told me everything."
"Everything?"
"Ate, when my father died, Daddy Jae took the responsibility of taking care of me."
"F-father? H-hindi ba at si Jae ang tatay mo? I mean iyong totoong tatay mo?"
Doon ko siya nakitang sunod-sunod na umiling.
Nagsimula ulit akong malito, sa isang iglap ay bigla akong naguluhan sa mga nangyayari at sa mga nalaman ko.
Paanong hindi si Jae ang tatay niya eh ilang ulit ko nang narinig na tinawag siya nitong Daddy.
"Ate, ayos ka lang po ba?"
"O-oo, a-ayos lang ako."
Pero ang totoo noon ay hindi ako okay.
"Daddy Jae's my uncle. He's my father's brother, ate Eli."
"H-ha?"
"Tito ko po si Daddy Jae,"
Magsasalita pa sana ako at magtatanong nang mayamaya ay nakita kong lumalapit sa amin si Jae, he's looking at me. Na para bang may ibig sabihin ang mga tingin niyang iyon.
At sa isang iglap ay lalo lang akong naguluhan.
Bakit?
Bakit kailangan ko pang malaman ang lahat ng ito?
"Lidie,"
"Daddy Jae,"
"P-pasensiya ka na kung nadaldalan ka ng batang 'to. She's excited whenever she has someone to talk with."
"T-totoo ba ang sinabi niya?" iyon lang ang tanging natanong ko nang malapitan niya kami ng bata.
Nagpaalam si Lidie na magpupunta saglit sa banyo kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap.
Inulit ko ang tanong ko, alam kong narinig niya kanina nang sabihin sa akin ng bata na hindi siya ang totoong tatay nito at alam kong alam niya rin ang pinag-usapan namin.
"T-totoo bang hindi mo siya anak?"
"She's my brother's daughter, Eli." Pag-amin niya sa akin na siya namang ikinatahimik ko.
Natutop ko na lang ang bibig ko dahil hindi ko na alam kung ano pang sasabihin.
How is this even possible, at bakot hindi na siya bumalik noon kahit na may usapan kami.
I started to get and feel confuse. A part of me wants to ask him about everything pero mas malaking bahagi ng puso ko ahv nagpoprptesta, thinking na wala na rin namang mangyayari kahit pa sabihin niya ang lahat.
It's over, we're over.
At hindi pwedeng mabago ng nalaman ko ang nangyari na.
Hindi pwedeng magbago ang nararamdaman ko dahil lang nalaman kong hindi sila mag-ama ni Lidie.
She's not his daughter.
Wala siyang anak tulad ng naging hinala naming lahat.
"If you'll let me explain, Eli. I'll tell you everything, lahat lahat. I'll tell you every details na gusto mong malaman." His voice says it all, at konti na lang ay makukumbinsi na niya akong pumayag.
Tapos ay bigla kong naisip si Adrien pati na rin ang lahat ng nangyari nitong nakalipas na dalawang taon habang wala siya.
I can't do this, hindi na pwede. Hindi ko na pwedeng hayaang may magbago pa dahil lang sa mga paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.