Chapter 42: Unwanted Meeting

1.1K 33 0
                                    

Tulad ng sabi ni Chu kanina ay dumating nga si Jae, hindi nito kasama ang assistant nito kaya naman hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

Sa halip na dumiretso sa meeting room kung saan ito naghihintay ay nagtungo ako kay Chu para sabihan itong samahan akong kausapin siya.

"Luh, bakit naman sasamahan pa kita? Nandiyan lang sa kabilang kwarto yung meeting room, girl." Tapos ay nakakaloko niya akong tinignan na para bang nahuhulaan niya kung bakit nagpapasama ako sa kanya. "Don't tell me..."

"Huwag mo nang ituloy yang sasabihin mo, baka samain ka sa akin. Sasamahan mo ba ako o hindi?" Nagsisimula na akong mainis dahil kahit anong tanggi ang gawin ko ay hindi ko pa rin maitatago na hindi ako komportable na magkausap kami ni Jae ng kami lang dalawa.

"Sasamahan na, akala mo naman talaga. Hoy, bruha ka. Para sabihin ko sa iyo no, boyfriend mo ang boss ko at hindi ikaw pero grabe ka makautos. Pang-upper management level." Sabi pa ni Chu sabay irap sa akin.

Pinauna ko siyang maglakad papunta sa meeting room kung saan naghihintay si Jae. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako at parabg kinakapos ako ng hininga kaya naman bago pa kami makapasok sa pintuan ay hinawakan ko ang braso niya.

Chu look at me, tapos ay nakita niyabg sapo ko ang dibdib ko.

"Okay ka lang? Namumutla ka talaga, pumunta kaya muna tayo sa clinic?"

"Hindi na, tapusin na lang muna natin yung meeting with him. Ayokong sabihin niyang pa-importante tayo at sinasayang natin ang oras niya."

Well, I don't think he'll say that." Sabi pa ni Chu sabay tingin sa lalakeng tahimik na nakaupo at naghihintay sa amin. Kita ang loob ng meeting room dahil salamin ang kalahati noon kaya tanaw ang sino mang nasa loob mula sa labas. "Alam mo, hindi ko gets. Pwede namang yung madaldal niyang assistant ang papuntahin niya rito, pero there he is, patiently waitong for you."

"Magtigil ka, maka-issue ka wagas. Hands-on naman talaga iyan kahit dati pa. Parang hindi mo naman siya kilala."

"Matagal ko nang kinalimutan ang parteng kilala ko siya, girl. Mula nung umalis siya ng hindi man lang siya nagsasabi sa iyo ng dahilan."

Hindi ko mapigilang mapangiti, naisip kobg kahit madalas niya akong kontrahin ay iniisip pa rin ni Chu ang kalagayan at nararamdaman ko.

They cried too during those times na hirap na hirap ako. Hanggang sa ngayon na naging maayos na ang lahat.

Pero okay ka ba ba talaga? I heard myself ask me the same question over again lalo na ng makita ulit kami ni Jae at matapos ang insidente sa theme park na pinuntahan namin kahapon.

"Ready?" Chu asked me once again, and when I nod ay siya na mismo ang nagbukas ng pintuan.

Otomatiko namang napatingin sa direksyon namin si Jae na pumormal ang itsura nang makitang kasama ko si Chu.

"Mr. Brillantes, I hope you don't mind Chu being here with us." Sabi ko pa dahil mukhang nangtakha siyang may kasama ako at hindi lang kaming dalawa ang mag-uusap.

"I don't mind at all, it's good to see old friends. It's good to see you, Eli."

"Let's not be too casual, after all, this is pure business." Hindi ko maiwasang maging seryoso. I won't let my guard down at hindi ako papayag na mahalata niyang apektado pa rin ako nang dahil sa kanya.

He just nodded, tapos ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

Si Chu naman ay tahimik lang na nakaupo, kubwari ay may ginagawa siya sa laptop pero ang totoo noon ay wala naman talaga siyang kinalaman sa meeting na 'to. Ilang beses rin niya akong kinalabit para lang sabihing bilisan ko na 'coz the situation is too awkward for us, for me.

I handed Jae some folders, iyon yung mga kontrata na kailangan niyang ireview dahil may mga pinabago sila sa una naming ginawa.

"You can check everything, tapos ipadala mo na lang sa secretary mo kapag napirmahan mo na. You don't need to be here, I mean hindi naman ikaw ang kailangang gumawa niyan."

"This is more convinient, lalo na kapag may tanong ako."

"So do you have any questions?"

"None, I'll have these papers reviewed tapos ay ibabalik ko kaagad kapag tapos na."

"Okay," tumango lang ako. "Kung wala ka nang tanong, this will be the end of this meeting, Mr. Brillantes."

"Not yet,"

Napalingon kaming pareho ni Chu sa kanya nang marinig naming sinabi niya iyon. Then Chu stood up dahil may tawag siyang natanggap and he has to excuse himself para sagutin ang telepono niya.

Wala akong choice kung hindi ang maiwang mag-isa sa meeting room kasama si Jae.

"M-mauuna na ako, thank you for your time, Mr. Brillantes."

Kubg bakit naman kasi ngayon pa sumama ang pakiramdam ko, I can feel my temperature rising, kanina pa actually when I entered the room pero binalewala ko iyon dahil gusto ko lang na matapos ang meeting ko sa kanya.

I really need to go to the clinic pero paano ko naman gagawin ang bagay na iyon kung parang ayaw pang umalis ng isang ito.

"Let's talk."

He said with his raspy voice, ngayon ko na lang ulit narinig ng ganoon ang boses niya. It's been two years, dalawang taon ba ang nakalipas pero ganoong-ganoon ko natatandaan ang boses niya tuwing kausap ako.

"There's nothing to talk about, sabi mo kanina ay wala ka nang ibang tanong."

"There's a lot to talk about, Elijah."

Umiling ako sabay tingin sa kanya. "I don't think so, wala rin naman akong sasabihin."

"Ako meron, marami."

"Then save it, hindi ko na kailangang marinig ang mga sasabihin  mo, Mr. Brillantes. All we have now is purely business, you're our client and my boss will nit be happy mixing business with personal matters."

"You mean your boyfriend?" Diretsong sabi niya sa akin, I was caught off guard pero ano bang dapat ikailang, totoo namang boyfriend ko si Adrien at siya rin ang boss ko kaya marapat lang na sagutin ko ang tanong niya.

Pero bakit hindi ako makapagsalita, wala akpng masabi kahit pa gustong-gusto kong kumirmahin ang tanong niya.

"I know everything, Eli. I know that you and  Mr. Luarca are dating at alam ko rin na siya ang kasama mo sa theme park noong makita mo Lidie,"

"Lidie?"

"That little girl you saw at the park."

"Ah iyong batang tinawag kang daddy?" That's when I realized na ang sweet na batang babaeng iyon ang tinutukoy niya.

"Let's talk, Eli. I have a lot of explaining to do and if you could just hear me out. Sasab-"

Pinigil ko na ang ilan pang sasabihin niya. "Save it, Jae. Hindi mo ba naisip na baka huli na para sa mga paliwanag mo? You're two years late, and I am way past due waiting for your explanation. Isa pa, sinabi mo na rin na alam mong si Adrien ang boyfriend ko, baka naman gusto mong irespeto ang bagay na iyon."

Hindi na siya nakaimik pa, iyon na ang cue ko para umalis. Kanina ko pa pinipilit na maging okay kahit ang totoo ay para na akong hihimatayin dahil sa sama ng pakiramdam ko.

I was about to walk pass by him nang bigla niya akong pigilan at hawakan ang kamay ko.

"Are you okay? Namumutla ka,"

Tumango lang ako at hindi na nagsalita, pinalis ko ang kamay niya at saka ako nagpaalam para tuluyan nang makalabas ng meeting room, ngunit bago ko pa man marating ang pintuan ay bigla na lang umikot ang paningin ko at tuluyan na akong natumba.

"Elijah," ang pagtawag na lang sa akin ni Jae ang tanging narinig ko bago ako bumagsak. Naramdaman kong dinaluhan niya ako pero hindi ko na matandaan ang mga sumunod na nangyari.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon