Chapter 34: I Love You

1.2K 43 0
                                    

Lumipas pa ang ilang araw katulad ng mga nakaraan. Ganon pa rin naman sa trabaho at paminsan-minsan ay nagkikita kami ni Jae dahil naging abala rin siya sa JYB.

Madalang ko na ring makita sina Ryan at Kim bagay na ipinagtakha ko dahil wala namang sinasabi si Jae na umalis na ito sa kompanya niya. Nalaman ko na lamang iyon nang minsang magdinner kami pagkatapos naming magkita para sana ipagpaalam ko iyong Biracay trip namin sa trabaho.

"Saan sila nagpunta?" Tanong ko rito habang kumakain kami.

"I don't know, nagpaalam sa akin si Kim one day na magreresign na daw siya. Syempre package deal sila no'ng Ryan na iyon kaya sabay silang nawala."

"Eh bakit daw?"

"Magtatayo raw ng bagong interior firm iyong papa ni Kim, she will be the one to manage kaya ayun nagresign."

"Ah,"

"Bakit?" Mayamaya pa'y tanong niya sa akin.

"W-wala naman," tapos ay napansin kong karang wala siya sa mood at kanina pa tahimik. "M-may problema ba? Kanina ka pa tahimik,"

Hindi siya umimik at sa halip ay nagpatuloy lang sa pagkain.

"Anong problema, Jae?" Ako naman ang tumigil, inilapag ko ang hawak ko ang kutsara's tinido na hawak ko saka ko siya tinignan. "Kung may problema ka, hindi mo kailangan gawing manghuhula."

"Wala akong problema, kumain ka na lang diyan at ihahatid na kita."

"Paano ako makakakain nang ganyan ka, kanina ko pa napapasin na wapa ka sa mood. Kinakausap mo nga ako pero hindi mo naman ako tinitignan. Ano bang problema mo?"

I heard him sigh, hindi ko siya maintindihan at lalong hindi ko alam ang nangyayari sa kanya but from the looks of it ay alam kong may dinaramdam siya at gusto ko iyong malaman.

I wanna know what's bothering him, at least now that I know na hindi na lang kami basta nagpapanggap.

"I'm sorry,"

"Ano bang problema, Jae. Pwede mo namang sabihin sa akin kung anong nangyayari, you can tell me anything at makikinig naman ako sa iyo."

"Work related, I am sorry kung pati ikaw nadadamay."

"Dahil ba umalis sila Kim at Ryan sa kompanya mo?" Iyon agad ang una kong naisip nang sabihin niya ang dahilan kung bakit tila iritable siya ngunit agad naman niya iyong tinanggi.

"Hindi iyon dahil doon, I more than happy na hindi sila makita. Na hindi mo na sila makikita pa. The thing is..."

Natigilan siya sa pagsasalita at saka tumingin ss akin.

"I have to go to overseas for a business deal."

"And then?"

"It will be for one week."

"O anong dapat ikainis doon eh trabaho naman pala, dahil ba doon kaya mainit ang ulo mo?"

"Ayokong umalis."

"Bakit?"

"Eh wala ka naman doon at hindi tayo magkikita ng matagal kaya ayoko."

Napangiti na ako dahil sa bilis ng pagbabago ng mood niya.

"Ibulsa mo ako," tapos ay natatawa akong tumingin sa kanya. "Ikaw naman, para kang bata. Isang linggo lang naman iyon, hindi ka naman doon titira."

"Kahit na."

"Kahit na ano? Hindi naman ako mawawala dito, pag-uwi mo nandito pa rin naman ako kaya 'wag ka nang mag-inarte okay?"

"Bakit hindi ka na lang kaya sumama sa akin?"

"Sira ka ba, may trabaho ako at hindi ako pwedeng mawala ng matagal. Isa pa, isang linggo ka lang naman doon. Huwag ka nang mag-arte arte diyan."

Muli siyang bumunting-hininga sabay hawak sa kamay ko.

Matapos naming maghapunan ay hinatid na niya ako sa bahay, niyaya ko siyang pumasok para sana magkape ngunit tinanggihan na niya iyon dahil kailangan pa raw niyang mag-impake at mag-ayos ng gamit niya paalis.

"Kailan ba ang alis mo?"

"Tonight."

"Tonight? Agad-agad?"

"It is urgent, gusto lang kitang makita bago ako umalis."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil ito na pala ang huling beses na magkikita kami bago siya umalis. Ngayong narealize ko nang mawawala talaga siya ay hindi ko na napigilang malungkot.

Alam kong napansin niya iyon kaya naman kumilos siya at naglakad papalapit sa akin at saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi. Unti-unti ring lumalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maramdaman ko ang mga labi niya sa mga labi ko.

Saglit lang ang halik na iyo  pero pinagaan noon ang bigat na bigla ko namang naramdaman dahil sa pag-alis niya ngayong gabi.

"I'll see you after a week, Eli."

"S-see you, mag-ingat ka doon ha?"

"Oo naman, basta behave kanlang dito ah. Tandaan mo, may espiya ako. Isang tawag ko lang kay Chu, sasabihin noon sa akin lahat ng nangyayari sa iyo."

"Alam ko, mukhang loyal pa nga ang isang iyon sa iyo kaysa sa akin."

Nagpaalam na si Jae na aalis na, tumanho lang naman ako at pinagmasdan siyang bumalik sa sasakyan niya ngunit bago pa man niya marating iyon ay mabilis ko siyang nahabol at niyakap mula sa likuran.

I felt his hand held mine habang nakayakap ako sa beywang niya.

"I'll miss you, Eli. Please promise me that you'll be okay herw habang wala ako."

"Oo naman,"

"Good, and please know that I'll be back for you kaya kailangan mo akong hintayin kahit anong mangyari."

Hinapas ko siya sa likod matapos kong marinig ang sinabi niya, I hate it when it felt like nagpapaalam siya. Na para bang pupunta siya sa isang lugar at hindi na makakabalik pa.

"Sira ka, don't say that. Babalik ka, at hihintayin kita okay?"

I was waiting for his answer pero bago pa siya ulit nagsalita ay bumaling siya paharap sa akin at saka ako muling hinalikan sa pisngi.

"I love you, Eli."

"Alam ko, and I love you too, Jae."

Naging mabigat para sa akin na pagmasdan si Jae na umaalis lulan ng sasakyan nito, sa kabilang banda ay wala akong ibang maramdaman sa puso ko kung hindi ang labis na saya dahil sa ngayon ay mas malinaw na para sa akin ang nararamdaman ko.

I know I love him, mahal ko si Jae at hindi ko na iyon maipagkakaila pa. I have gotten over Ryan, its not easy but I did it dahil nandiyan si Jae para sa akin, he made me feel that I can do it kung gugustuhin ko at hindi siya nagkamali.

And I promise myself na hinding-hindi ko na siya pahihirapan pa.

Mahal ko siya at deserve niya na malaman iyon.

Deserve niyang maramdaman iyon.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon