Two years later...
"Oh bakit nandito ka pa? Hindi pa ba tapos iyang ginagawa mo?" Si Chu iyon na eksaktong kadarating lang mula sa labas.
Siya ang nakaassign na maglead sa isang project na tinanggap ng firm namin 3 weeks ago, si Maple naman ang tumapos isa pang pending project namin na binitawan ko dahil sinabihan ako ni Adrien na magfocus na lang sa Lidies.
Ang Lidies ang bago naming kliyente na ipinaubaya sa akin ni Adrien, wala pa akong masyadong impormasyon tungkol sa kliyente na 'to at ang tanging alam ko lang ay kakadating lang ng owner galing sa amerika and they were looking for a firm na gagawa ng office nila dito sa Manila.
"Hindi pa, mukhang kailangan kong paglamayan ang isang ito. Bukas na iyong presentation pero hindi pa rin ako tapos." sabi ko naman dito habang tutop ang ulo na nakapatong sa lamesa.
"May team dinner tayo mamaya, nandoon na ang lahat at tayo na lang ang kulang. Tayo na aba!"
"At anong gusto mong ipresent ko sa meeting bukas? Isang bucket ng beer at crsipy pata? Jusmiyo, Chu. Kung excited ka na at inom na inom eh mauna ka na lang kaya. Susunod na lang ako."
"Para saan ba iyan kasi"
"Sa Lidies, at bukas na ang presentation ko sa kanila."
"Bakit ngayon mo lang ginagawa?"
"Ay wow, kahapon lang binigay sa akin ang project ba 'to. Hindi ko naman alam na gusto pala ng kliyente ng magic, edi sana tinawag ko si Harry."
"Harry?"
"Potter, si Harry Potter, Chu."
"Eh bakit si Harry Potter ang kailangan mo?" Naguguluhan pa ring sabi niya sa akin. Napailing na lang ako dahil hindi niya nagets ang joke ko, hindi rin naman kasi siguro nakakatawa kaya hinayan ko na.
"Huwag ka na nga magulo, malapit na akong matapos. Kung hihintayin mo ako eh maupp ka na lang doon sa sulok at magchat sa jowa mo, kung hindi nama ay mauna ka na bago pa ako maasar."
"Ayokong umalis mag-isa kasi baka magisa ako pagdating ko doon. Ilang minuto pa ba iyan?" Tila naiinip namang sabi niya sa akin.
Tinignan ko ang relo ko at saka ako tumingin sa kanya. "One hour."
"One hour! Jusmiyo, Elijah. Iyong bituka ko magkakainan sa gutom, isang oras pa akong maghihintay sa iyo?"
"Kaya nga mauna ka na, hindi ako lalo matatapos dito kung panay ang angal mo riyan. Wala ka namang ambag."
"Ihhhh! Kapag nauna nga ako, tatanungin lang ako ni GM kung nasaan ka. Buti king ikatuwa no'n na dumating akong mag-isa baka bigla rin akong palabasin."
"Jusko ka, Chu!" Tapos ay isinara ko ang laptop ko at saka tumayo mula sa pagkakaupo. "Tara na, napaka-ingay mo."
Nagtatakha niya akong tinignan at nakangangang bumaling sa akin. "Tapos ka na?"
"Kanina pa, ang sarap mo kasing bwisitin kaya naisip kong asarin ka ng konti."
"Walanghiya ka, kanina pa ako gutom tapos ginaganyan mo pa ako." Nakasimangot pang sabi niya sa akin. Bigla siyang tumayonsa kinauupuan niya at saka ako hinawakan sa braso. Marahan niya akong hinila palabas at patungo sa kotse niya, sa pagmamadali ay muntik ko pang malimutan ang bag ko kaya binalikan ko iyon.
Narinig kong sumigaw si Chu pagkatapos na hindi ko naman pinansin. Bigla naman akong natigilan nang eksaktong kukunin ko na ang bag ko ay bigla namang naputol ang porselas na suot ko.
"Elijah, I don't have forever para hintayin ka. Bilisan mo kaya." Narinig kong sumigaw si Chu mula pintuan kaya naman mabilis kong dinampot ang nahulog kong porselas, at saka iyon nilagay sa bag ko.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.