Chapter 24: Sad News

1.3K 48 0
                                    

Natataranta akong umalis sa mesa ko pagkatapos kong makausap si Ate Elise. Hindi ko alam mung anong tumatakbo sa isip ko, basta ang gusto ko lang ay ang makaalid doon at makarating kaagad ng bus stop para makauwi ng Isabela dahil naroon daw sila mama.

Ang buong akala ko ay nasa Amerika sila ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang tawagan ako ni ate ngayon ulang sabihin natoon ang mga ito ngayon sa Isabela at na nasa bingit ng kamatayan.

They met an accident habang papunta sa bahay nila ate galing ng airport. Bagay na ikinagulat rin ni ate Elise dahil wala rin siyang ideya na uuwi ang mga ito.

Ngayon ay dalawa na kaming halos mamatay kakaalala. Kasama na nila Ate Elise at kuya Jun sina mama, nasa ospital na ang mga ito at hindi raw maganda ang lagay lalo na si mama.

I was a mess, everything's a mess at wala akong magawang tama dahil sa takot at pagkataranta, hindi ko magawang ayusing ang gamit ko ng matiwasay at lahat ng hawakan ko ay nabibitawan ko dahil para akong nawawalan ng lakas.

Wala na halos tao sa opisina, umalis na ang halos lahat ng empleyado pati na rin sina Maple at Chu dahil kinailangan kong magpaiwan upang ayusin ang ilang supplier at contractor para sa JYB Interiors. Wala sa loob na napatingin ako sa orasan, I need to be oj the road now dahil tiyak na uumagahin na ako sa byahe sa tagal noon.

I was still a mess, natataranta, halos hindi makapaniwala at magkahalong takot ang nararamdamam ko sa posibilidad na hindi ko maabutan sa maayos na sitwasyon ang nanay at tatay ko. I was still in the moddle of fixing my thing when a hand suddenly held mine na para bang pinipigilan ako nito. Mabilis akong nag-angat ng ulo at nakitang nag-aalalang nakatingin sa akin si Adrien. His gaze are asking what's happening while his hand that's helding mine feels warm ang comforting.

Hindi ko alam kung bakot pero bigla na lang ako natigilan, hindi ko makumpirma kung dahil ba iyon sa mga titig niya o sa nangyari kila mama pero bigla na lang ako nag-breakdown. Right there and then ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

"What's wrong?" Lalo namang nag-alala siya sa akin, nilapitan niya ako at niyakap upang aluin ngunit wala pa ring tigil sa pagluha ang mga mata ko.

Cauayan City Airport, Cauayan Isabela

Naging napakabilis ng pangyayari at matapos lang ang halos dalawang oras na byahe ay narating namin ni Adrien ang Cauayan Isabela na isang oras na lamang ang layo sa Santiago. Halos tulala pa rin ako at tahimik habang si Adrien ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa pagpapapabook ng flight hanggang sa makatransfer kami sa airport patungo rito.

Hindi niya ako iniwanan at lalong hindi niya ako hinayaang bumiyahe mag-isa.

I remember having a discussion to him nang mahimasmasan ako kanina bago kami sumakay ng eroplano.

"Ako na ang bahala sa sarili ko, kaya ko na 'to. Ayokong maabala ka pa dahil lang sa pagsama mo sa akin."

"Eli," sabi niya pa sabay hawak sa magkabilang balikat ko. "Look at you, sa tingin mo ba ay hahayaan na lang kitang bumiyahe nang ganyan ka? Isa pa, I already booked a ticket at hindi na iyon pwedeng ma-cancel since chance passenger lang tayo kaya huwag ka nang kumontro. I'll go with you." Buo ang loob na sabi niya sa akin habang tinitignan ako at nakangiti.

Sa huli ay wala na akong magawa pa kung hindi ang pumayag sa gusto niya, besides,this is the only way para makapunta ako ng Isabela nang mabilis at maabutan ko sila mama at papa.

Pagkalapag ng eroplanong sinakyan namin sa airport ay mabilis kaming nakita ng driver na ipinadala ni ate Elise upang sunduin kami. Hindi na kami nag-akasaya ng oras ni Adrien at matapos ang isang oras na byahe ay agad naman naming narating ang ospital.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon