"At ano namang gusto niyang mangyari? Hindi pa ba sapat iyong ginawa niya sa iyo noon at ginugulo ka na naman niya ngayon kahit alam niyang may Adrien ka na?" Hindi maiwasang magpakita ng inis ni Maple nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong mga nakalipas na araw.
Kababalik ko lang sa opisina matapos ang isang araw na pamamahingang ipinangako ko kay Adrien at ngayon ay nakakumpol na naman sina Maple at Chu sa mesa ko para iinterrogate ako kung anong nangyayari.
I even told them about what happened nang magkita ni Jae sa theme park, pati na rin nang aksidente kong makilala ang anak niya na si Lidie.
"May anak siya?" sabay na bulals ng dalawa matapos marinig ang sinabi ko.
"Oo, tinawag siyang daddy nung bata,"
"Kingina, how is that even possible? Two years pa lang mula nung iniwan ka na, ano yun? Magic?" Hindi na napigilan ni Chu ang inis, si Maple naman ay hindi na nagsasalita habang nakatingin sa akin.
"Did he explain everything to you?"
"Why would he be? At bakit kailangan pa siyang pakinggan ni Eli?" walang ekspresyong sagot ni Maple sa tanong ni Chu. I can see how pissed she is at naiintindihan ko siya sa part na iyon, I feel the same way, I think more than the explanation that he owns me, ang kailangan lang niyang gawin ay ang pabayaan na lang ako at huwag na akong guluhin pa.
"Gusto mo bang kausapin ko si GM about this? I'll have the Lidie's project be transfered to me para hindi mo na kailangang makipagkita at kausapin ang lalakeng 'yon." Binalingan ako ni Maple at saka sinabi ang suhestiyon niya but I decline.
"Huwag na, I can still handle him. Ayoko na lang din pag-alalahanin si Adrien at ayokong isipin niyang I still have something for Jae."
"Eh wala na ba talaga?"
Mabilis akong umling upang sagutin ang tanong ni Chu, "Wala na, I just don't like it when he tries to talk to me about topics not work related."
"Ano pa bang gusto noyang mangyari? Hindi pa ba sapat na sinaktan ka niya noon, ano pa bang kailangan niya sa iyo?"
"Hindi ko rin alam,"
Lumipas pa ang ilang araw na hindi ko na ulit nakita pa si Jae, secretary na rin nito ang nagpupunta sa opisina para sa ilang detalye ng project, pati na rin kapag may itatanong ito sa akin.
Ipinagpasalamat ko iyon dahil hindi ko na kailangang pwersahin pa ang sarili ko na kausapin siya. Marahil ay tinamaan ito at pinag-isipan na niya ang lahat ng mga sinabi ko sa kanya noon sa ospital.
I should be happy, nakuha ko ang gusto ko na layuan niya ako pero bakit hindi ako masaya?
_____
Minabuti kong gawing abala ang sarili ko sa mga trabaho sa opisina, mag-aalas sais na ako nakalabas ng opisina at wala na halos tao doon nang umalis ako. Maging sila Chu at Maple ay nakaalis na rin kaya naman nagdirediretso na ako palabas nang walang pumipigil sa akin.
"Ate," napalingon ako nang makarinig ng pamilyar na tinig na tumatawag sa akin. Nilingon ko iyon at nakita ang cute na cute na batang nakangiti sa akin ng pagkatamis-tamis.
It's Lidie, the little girl at the theme park.
Jae's daughter.
Hindi na ako makaiwas dahil agad na itong lumapit sa akin para yakapin ako.
"A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa paslit habang nakangiti pa rin akong tinitignan nito.
"I'm here to brought you this." sabi pa nito sa akin habang ipinapakita ang dala nitong maliit na box na sa tingin ko ay cake ang laman.
Ngumiti ako sa bata at saka bahagyang umupo para pumantay dito.
"Para saan 'to? At saka sinong kasama mo?"
"Si Daddy Jae, kaya lang nandoon siya sa may cafe. Ang sabi niya sa akin magagalit ka raw kapag nakita mo siya kaya nagstay na lang siya doon but he is looking at me habang nilalapitan kita." Itinuro pa ng bata ang kalapit na restaurant kung saan kami nakatayo, may ilang hakbang lang ang layo noon sa 'min at agad ko namang nakita si Jae na nakaupo sa mesa na katabi lang mismo ng glass window ng restaurant, nakatingin ito sa amin ng bata confirming na totoo ang sinasabi nito.
Umayos ako ng tayo at inawakan sa kamay si Lidie, inakay ko ito papunta at papasok sa restaurant kung nasaan si Jae. Nagulat pa ito nang makitang pumapasok kami ng bata sa restaurant at naglakad papalapit sa kanya.
"Anong ibig sabihin nito?" Diretso ko siyang tinanong nang makalapit kami sa pwesto niya, sinikap kong huwag ipakita ang inis ko para na rin sa bata dahil ayokong isipin nitong hindi kjami okay na dalawa.
Tinignan lang ako ni Jae tapos saka nito hinarap si lidiea at sinabihan itong na umupo muna sa mesa di kalayuan sa pwesto namin. Pipigilan ko sana ang bata ngunit agad naman itong sumunod matapos akong ngitian.
"She's okay, Lidie's an independent kid. Marunong na siyang sabihan kaya hindi mo kailangang mag-alala sa kanya." He assures me that it's fine pero hindi ko magawang maniwala.
"Anong ginagawa mo? Bakit kasama mo si Lidie, don't tell me your using her para maka-"
"It's her idea, she wanted to see you and give you that cake," turo niya pa sa kahon ng cake na inabot ng bata kanina. "She said that she wanted to thank you for buying her an ice cream the other day."
"You don't have to do this, nag-usap na tayo hindi ba? Ano pa bang gusto mong mangyari."
"I want to explain everything but you won't let me kaya hinayaan kita, nakita mo naman na hindi kita pinuntahan nitong mga nakalipas na araw, I chose to respect your decision pero hindi ko naman kayang tanggihan ang bata na makita ka."
"Mas may isip ka, you should've explained it to her."
"Do you want me to tell her kung bakit ayaw mo akong makita?"
"That's not what I mean pero sana man lang nagdahilan ka na lang."
"Matalinong bata si Lidie, Elijah. She's not easily swayed with alibis lalo na kung hindi naman totoo, isa pa, gusto ka lang namang pasalamatan ng bata. Ibigay mo na iyon sa kanya."
"Daddy's right, Ate. I insisted on seeing you to say thank you for what you did for me the other day. You helped me at sinamahan mo ako when i got lost that is why I asked him to come with me and surprise you."
Hindi namin namalayang nakalapit na palang uli sa amin si Lidie, hinawakan ako nito sa kamay na para bang sinasabi niyang huwag na akong magalit at sa isang iglap ay biglang inalis ng pagngiti nito sa akin ang inis mo. She's a sweet littke girl at sa tingin ko ay walang kahit sino ang hindi madadala sa charm niya.
Tinignan ko si Jae at saka ako napabuntong-hininga dahil wala na akong magawa pa.
"Order na tayo ate," hinila ng bata ang kamay ko at iginiya ako para maupo at tulad kanina ay wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod dito, ang hirap niyang tanggihan at lalong ang hirap isiping hindi ito pagbigyan.
"O-okay."
Jae mouthed the words word thanks, marahil dahil na rin sa pagpayag ko sa gusto ng bata na maupo kasama nila. Iyon na lang ang inisip ko, ayoko na ring i-entertain ang idea na dahil pa iyon sa ibang bagay at inisip ko na lang na ginagawa ko iyon para sa bata.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.