Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.
Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko.
"Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face.
"He tried to contact me, Chu."
"Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?"
"Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."
Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko.
"Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?"
"Last year, nung birthday ko."
"Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"
Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing that Jae tried to contact me and that Maple was the one he was able to talk too.
"Wait lang, naguluhan ako." Chu tried to breath in. "So ibig sabihin sinabi ni Maple na kayo na ni Adrien nung mag time na iyo kaya akala ni Jae eh okay ka na?"
"Iyon ang sabi niya sa akin,"
"Pero teka, bakit naman gagawin ni Maple iyon. Knowing how much you've been waiting for him to call you?"
"Because I grew tired of seeing you so desperate while waiting for him to comeback, Elijah."
Sabay pa kaming napatingin ni Chu sa direksyon ng pintuan nang may marinig kaming magsalita mula roon.
It's Maple at sa itsura niya ay para bang narinig niya ang lahat ng pinag-usapan namin.
"M-Maple,"
"You were so busy dealing with your feelings that time na nakakalimutan mo nang buhay ka pa at na kailangan mong magpatuloy kaya kinailangan kong gawin iyon para sa iyo. That time, when I heard his voice after answering his call, naisip ko na I don't want you to go throigh all of that again. Iyong nauubos ka dahil sa sakit, iyong pakiramdam mo hindi ka worth it dahil palagi kang naiiwan."
Lumapit si Maple sa amin at naupo sa harapan ko, she's looking at me straight into my eyes and without hesitation, she tells me everything.
"Gusto kong magising ka sa katotohanang he's not the right one for you, Eli. Na may mas deserving ng pagmamahal mo, someone who will take care of you at na hindi ka basta iiwan na lang sa ere. I'm sorry for getting invloved, pero hinding-hindi ako hihingi ng tawad para sa ginawa ko. I did it for you, dahil iyon ang alam kong tama para sa iyo that time."
I felt her sincerity, na noon pa man ay wala na siyang ibang gusto kung hindi ang mapabuti ako, she and Chu have been my shoulder to cry on. They've been with me sa lahat ng kagagahan ko kaya niintindihan ko kung bakit niya iyon ginawa.
"But it's still up to you, Eli. Alam ko ang stand ko pagdating sa mga dapat mong gawin but it's your decision dahil buhay mo pa rin iyan at gusto ka naming maging masaya."
"Alam ko, and thank you for being there for me."
"We'll always be here for you, kaibigan mo kami."
Maswerte akong meron akong kaibigan na tulad nila, at tama sila, buhay ko ito and I have to decide on my own.
I have to make decisions na alam kong panghahawakan ko habang-buhay. Mga desisyon na kailangan kong gawin ng ako lang.
Nang ako lang mag-isa.
-----"I'm sorry, Adrien." Hindi ko na napigilan ang mapaiyak habang pinagmamasdan ko siya, si Adrien naman ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung anong tumatakbo sa isip niya nang mga sandaling iyon.
Ngayong gabi ay inipon ko ang natitira kong lakas ng loob para kausapin siya, ayoko na siyang saktan pa at alam kong patuloy ko lang na gagawin iyon kapag nagpatuloy pa kaming dalawa.
He does not deserve to get hurt.
Hindi niya deserve na masaktan nang dahil sa akin kaya naman ngayon ay gagawin ko kung ano ang mas tamang gawin and that is to set him free.
"It's okay, I was expecting this to happen anyway. Hindi ko lang iniisip na ganito iyin magiging kabilis... at kasakit."
Nagpatuloy ako sa pag-iyak, may heart bleeds for him. At masakit sa aking masaktan siya nang hindi sinasadya pero alam kong mas mabuti na ito ang mangyari dahil hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kung masaktan ko pa siya ng husto kapag tumagal pa kami.
"I'm sorry, Adrien. God knows how much I wanted to spare you from this pain at kung may pwede akong gawin, I'll do it for you."
"Then pwede bang huwag mo na lang akong iwan?" sabi niya pa gamit ang malumanay niyang boses, he tried to be strong pero halata ang lungkot sa mga mata niya sa tuwing tinitignan niya ako.
Kaya lalo lang iying nakadagdag sa guilt at sakit na nararamdaman ko.
Nang tignan ko siya ay tinawanan niya lang ako at saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Biro lang, I never wanted you to do the things na hindi ka komportable and I know that asking you to be my girlfriend is one of those."
"I'm sorry,"
"I am not, wala akong pinagsisihan, Elijah. And for all the things that I did for you, ginawa ko iyon dahil iyon ang gusto kong gawin at ginawa ko lahat iyon para sa iyo. I tried my best to keep you pero alam ko na eventually ay dadating rin ang araw na kailangan kitang pakawalan, na kailangan kitang hayaan kung saan ka totoong magiging masaya."
Napabuntong-hininga na lang ako habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi niya. Alam kong he's accepting everything at dapat ay maging masaya ako pero hindi ko iyon makapa sa puso ko. The fact that I know that he's hurting, iyon ang mas nakakapagpahirap sa akin at alam kong kasalanan ko ang lahat.
If only I have been more careful with my decisions, walang taong masasaktan. Lalo na si Adrien, he doesn't deserve any of these. Hindi niya dapat pinagdadaanan 'to but here he is, taking all the pain just because of my stupidity.
Dahil lang pinili kong maging selfish.
I felt that he hugged me tighter, at hinayaan ko lang siyang gawin iyon dahil alam kong iyon na ang huli.
Pagkatapos nito ay pakakawalan ko na siya para hindi na siya lalong masaktan.
Para hindi na siya mahirapan.
I want him to be happy, at alam kong hindi ako ang kasiyahan niyang iyon.
I don't deserve him, his love and his whole being.
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomantikReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.