"Hoy, mamsh! Kanina pa ako daldal nang daldal dito pero wala ka man lang reaksyin diyan." biglang nabalik sa reyalidad ang diwa ko nang marinig kong nagsalita si Chu.
Nakatingin siya sa akin at marahil ay hinihintay na pansinin ko siya, hindi ko alam kung ano na bang pinag-uusapan namin at hindi ko rin halos narinig ang lahat ng mga sinabi niya kaya sa huli ay bigla na lang akong napatango.
"Oh, anong tinatango-tango mo riyan? Naintindihan mo ba iyong sinabi ko kanina?"
Umiling ako upang sagutin ang tanong niya na siya namang medyo ikinainis nito. Naglatuloy si Chu sa pagsipsip ng juice sa mula sa maliit na straw na nasa bibig niya at saka muling inulit ang mga sinabi niya sa akin.
"Sabi ko kanina sinabi na niya sa iyo na gusto ka niya. Eh sino ba iyon?"
"Ha? May sinabi ba akong ganon?"
"So bingi ako, ganon ba? Aba'y oo, narinig kong bumulong ka kanina. Ang sabi mo pa nga," umakto pa itkng ginagawa ako. "Gusto na niya ako, may gusto na siya sa akin." At bumalik sa dati para naman kumpirmahin at kulitin ako kung sino iyon. "Eh sino nga ba?"
"A-ano, wala iyon. Tara na, baka hinihintay na nila tayo sa bus." Sabay yaya sa kanya na bumalik na sa loob.
Nag-stop over saglit ang bus na sinasakyan namin kaya niyaya ko si Chu na bumaba para bumili sana kami ng makakain... at para makaalis sa tabi ni Jae.
Simula kanina noong umalis ang sinasakyan naming bus sa harap ng JYB Interiors building hanggang sa makarating kami sa stop over ay hindi ko mapigil ang pagtibok ng malakas ng puso ko sa tuwing malapit siya, hindi ko makapa kung anong pakirandam ang naramdaman ko kanina lalo na noong magtapat si Jar na gusto niya ako.
Parang gustong sumabig ng puso ko pero hindi ko maintindihan kung dahil ba iyon s kaba dahil sa pag-amin niya o sa iba pang bagay. Sa huli ay pinili ko na lang na balewalain ang nangyari, iniiwasan ko hangga't maaari na mag-usap kami kaya halos buong byahe ay nagtutulog-tulugan ako.
"Wait lang, mamaya ka na umakyat. Marami pang mga empleyado ang nakapila sa CR." sabi pa ni Chu sabay hila sa akin pabalik sa pagkakaupo. "Tapatin mo nga ako, what's the real sclre between you and JYB? Bukod sa kunwakunwarian niyong laro ng gf/bf?"
"Wala, magkaibigan kami nung tao at tinutulungan lang niya ako, iyon lang iyon."
"Eh sino nga iyong may gusto sa iyo?"
"Siya," sabi ko na sa kanya sabay turo kay Jae na nakaupo pa rin sa pwesto niya kanina sa bus, malapit sa bintana at halatang may kusap pa rin.
"Siya? Si JYB? Luh, nagtapat na iyong manok ko?"
"Manok ka diyan, kayo nga ni Maple tigil-tigilan niyo ako sa kompetisyon ninyo sa lovelife ko. Huwag niyo nang gawing komplikado ang mga bagay-bagay para sa akin." Kunwari ay sita ko sa kanila ni Maple dahil sa ginagawa nilang pustahan sa buhay pag-ibig ko.
I grew tired of them arguing about who has the advantage of getting closer to me, para silang buhay na buhay kapag iyon ang topic at kadalasan pa nga ay nauuwi iyon sa pagtatalo.
Obviously, Chu is in favor of Jae, ayon sa kanya ay mas nakikita nkya ang chemistry ko rito dahil marahil sa matagal na kaming magkakilala at na alam niyang tinutulungan ako nito para makalimutan si Ryan. Samantalang si Maple naman ay kay GM, na ni sa hinagap ay hindi ko maimagine na magkakagusto sa akin pero ipinagpipilitan niya.
"Sus, lovelife mo na nga lang ang may thrill, tututulan mo pa. Pabayaan mo na lang kami ni Maple, this is just a frinedly competetion. Alam mo namang love na love ko si GM pero sa pagkakataong 'to, kay JYB talaga ang taya ko."
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.