Chapter 29: Doubts

1.3K 41 0
                                    

"Sigirado akong iba ang pakay niyan kaya iyan nandiyan." Hindi na napigilan ni Maple ang maglabas ng pagkainis dahil sa mga sinabi ko sa kanila.

Ka-videocall ko silang dalawa ni Chu habang si Jae naman ay kinakausap si Lauren sa isang bahagi ng sala. Mula sa kinauupuan ko ay kita ko at halata ang tensyon sa pagitan nila. Lalo na ang hindi maitagong inis ni Jae simula nang makita niya ito kanina.

"O eh bakit daw nandiyan? Akala ko talaga wala siyang bilang o isa lang sa mga empleyado ng JYB Interiors, iyon pala may something." Si Chu naman ang sumingit ng pagsasalita. "O eh ano bang sabi ni JYB sa iyo? Sinetch daw iuang babaitang iyan?"

"Hindi pa ulit kami nagkakausap. Hinayaan ko muna silang dalawa, pero ang sabi sa akin ni Mang Nestor, kababata raw ni Jar iyang si Lauren."

"Sino naman si Mang Nestor?" Nag-uusisang tanong ni Chu na bagamat abala sa ginagawa nito ay nagawa pa rin magtanong.

"Iyong caretaker dito sa rest house."

"Kababata? You should know, diba highschool classmate kayo niyang si Jae? Hindi mo siya kilala?"

"Maple, highschool classmate nga sila ni JYB pero hindi naman sila sa isang bahay umuuwi. Malay ba ni Eli sa ibang people na knows ni papi Jae,"

"I was just asking, dahil kung may Lauren eh bakit hindi niya sinabihan si Eli? Tapos ngayon biglang a-appear ang lola mo. Naku, sinasabi ko na nga ba, pagkakakita ko pa lang diyan sa manok nitong si Chu eh iba na ang pakiramdam ko."

"Hoooooy, ang OA naman nito." Si Chu ang nag-react matapos ang sinabing iyon ni Maple. "Masyadong judgemental, atih? Eh baka naman kasi wala talaga. O kung meron man, part na iyon ng past dahil itong si friend na natin ang present. Waging-wagi ang beauty mo mami sa pagkakaamin sa iyo ng feelings ni papi Jae."

"Ang sabihin mo baka may skeleton in the closet pa iyang papi mo, Chu. Buti pa si Sir Adrien, malinis, dalisay at busilak. Plus crush ka pa."

"I have nothing against Sir Adrien kasi baka mawalan ako ng trabaho. Pero seryoso nga, hintayin mo na lang ang paliwanag ni Papi Jae, mars."

Hindi na ako umimik at hinayaan na lang sina Maple at Chu na magsalita. Palihim kong tinitignan si Jae at ang kausap nito na para bang nakikiusap ditong pakinggan siya base na rin sa mga gestures nito sa kaharap. Gusto ko silang lapitan pero dahil wala namang akong karapatan ay nanatili na lamang ako sa pwesto ko.

"O ano na bang ganap?"

"Nag-uusap pa rin sila at mukhang nagtatalo. Tatanungin ko na lang si Jae mamaya, at kayong dalawa. Pwede bang tantanan ninyo ako ng kakareto niyo sa akin kina Jae at Adrien."

"Friend, ang choosy mo naman. Kung ako iyan, mamimili na talaga ako. Sino ba kasi talaga?"

"Basta iyong manok ko, hindi ka na lugi. Ang bait-bait pa, kung wala lang akong anak at asawa baka nabingwit ko na iyong si Sir."

"Naku, ang tanong eh kung papatulan ka."

"Atleast ako nakaisa na, eh ikaw na bakala ka?"

"Ouch, nanakit iyong kaibigan mo, girl."

At inawat ko na sila bago pa sila magkapikunan. Nagpaalam na rin ako dahil mukhang patapos nang mag-usap iyong dalawa. Nakita kong naunang naglakad si Jae papalapit sa akin, nakita ko rin kung paano siyang sinundan ng tingin nito hanggang sa marating niya ang pwesto kung nasaan ako.

"Are you okay? Sorry about that, tara, samahan na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka." Iyon lang ang sinabi niya sa akin. Hindi na ako nakapagsalita pa kahit pa may mga gusto akong itanong dahil kinuha na niya iyong mga paper bag na nakalapag sa tabi ko. Hinawakan niya rin ako sa kamay at saka iginiya papalakad patungo sa hagdanan.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon