Chapter 19: A Little Different

1.4K 52 1
                                    

I was sitting right beside Chu and the girl named Lauren was sitting in front of him, napakaamo ng mukha niya at mala-anghel ang itsura, bagay na siyang nakakapagpahinto sa akin para titigan siya.

Pero sino nga ba siya? At bakit ba may pakiramdam akong parang ayaw rin niya kina Kim at Ryan, base na rin sa maging reaksyon niya kanina.

"Sorry sa pagsabat kanina, pero what I will not say sorry too is the thing that I said earlier. I saw how Kim bullied you, she must have been out of her mind para gawin ang bagay na iyon."

"Exactly," si Chu ang nagsalita at sumegunda rito. "Magkakasundo tayo girl, hindi ko rin gusto ang tabas ng dila at hilatsa ng mukha ng babaeng iyon. Masyado siyang nakakainis." Tapos ay tinignan niya ang babae, tumingin siya sa akin at saka muling bumaling dito. "Pero teka, matanong ko lang, kalaban ka rin ba nila? I mean, did they do anything bad to you?"

Umiling lang ang dalaga sabay inom ng kape sa tasang hawak niya.

"Eh bakit nakikisimpatya ka sa amin?"

"Well, first, I don't like what they are doing. Masyadong nakakapikon ang ugali niya which is by the way walang pinagbago since highschool. I guess she will never change, not a tiny bit at all."

"Affected masyado si ate, pero sino nga ba siya?" bumulong pa si Chu sa akin habang kunwari ay pinakikinggan ito habang nagsasalita. She continued her story of how awful Kim's attitude towards others is, maging ang kamalditahan nito ay nasabi na rin ni Lauren kaya tahimik lang kaming dalawa ni Chu at nakikinig lamang sa kanya.

"By the way, nasabi ko naman na ang pangalan ko hindi ba?"

Sabay kaming tumango ni Chu bilang tugon, "Lauren, right?"

"Oo, tama. Lauren San Francisco."

"I am Chu, and this is Eli."

"C-Chu? And Eli?" She looked at us as if she's waiting sa karugtong pa ng sasabihin ni Chu.

Kaya sa halip na hintaying itong dugtungan ang sinabi niya kanina ay ako na ang nagtuloy.

"Elijah, Elijah Gonzales." She looks at me ans smiles at saka siya bumaling kay Chu kaya na-caught guard naman ang huli.

"Chu, just Chu... Ramirez. You don't want to know what my real name is, girl. Trust me on that." Sabi pa nito sabay alanganin ngumiti.

"Ah, that's okay. Nice to meet you, Elijah and Chu."

"Wait, so kung hindi ka naman sinasalbahe ni Kim eh bakit mukhang hindi mo rin siya bet?" Usisang muli ni Chu sa kaharap namin.

Hindi ko mapigilang matulala pa rin sa kanya dahil sa mukha talaga siyang anghel at alam kong napansin niya iyon kaya naman binalingan niyang muli ako.

"I just don't like her,"

"And I am beginning to like you. Pero teka lang," singit ni Chu sabay usisa kay Lauren. "Are you an employee rin sa JYB Interiors? Bakit parang hindi ka namin nakasabay sa bus kanina?"

"Actually I am jus-"

"She's not."

Bago pa man makumpleto ni Lauren ang sasabihin ay bigla namang nagsalita at sumulpot mula sa likuran nito si Jae. Seryoso niya tinignan ang babaeng nasa harapan namin ni Chu sabay baling sa akin ng tingin.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."

Bigla akong nakaramdam nang pagkailang sa presensiya ni Jae, lalo na nang makita kong tignan siya ni Lauren at ngitian siya nito.

Something's off, do they know each other?

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin kay Lauren, nabalik lang akonsa reyalidad nang mapansin kong pumipitik ang mga daliri ni Jae sa harap mismo ng mukha ko at nang marahan akong sikuhin ni Chu.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon