Chapter 43: Guilt

1.1K 29 0
                                    

Nagising ako sa matinding sakit na ulong naramdaman ko, I am in an unfamiliar place na para bang ospital, sa tabi ko ay may stand ng IV na nakakabit naman sa braso ko.

Tumingin akon sa paligid, nakita kong walang ibang tao roon maliban na lang sa isang nakayupyop sa gilid ng kamay ko na para bang nagpapahinga. Then he moved, ang buong akala ko ay si Adrien iyon ngunit natigilan ako kaagad nang makilala ko kung sino ang nagbabantay sa akin.

"I-ikaw?"

"Kamusta ka?" Biglang gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Jae nang makitang gising na ako.

Samantalang nakatingin lang ako sa kanya habang nagtatakha kung bakit siya ang naroon.

Nasaan si Chu at Maple?

Nasaan si Adrien?

"L-lumabas lang saglit si Chu, bumili lang ng makakain saglit. Si Maple naman ay larating na, kamusta ka?"

"Bakit nandito ka?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ako mismo ang nagtanong kung anong ginagawa niya sa kwarto ko. "Anong nangyari?"

"You collapsed, kanina nung papalabas ka na sa meeting room. But you're okay now, ang sabi ng doctor ay over fatigued lang at stress."

"Pwede ka nang umalis, hihintayin ko na lang sina Chu at Maple."

"Sasamahan muna kita, aalis na lang ako kapag nandito na si-"

"No need for that, kaya ko ang sarili ko."

He just look at me, hindi siya kumilos kaya naman lalo iyong nakapagpainis sa akin.

"Anong ginagawa mo? Don't you think you're a bit too late to show your concern gayong ang tagal... ang tagal kong naghintay para gawin mo iyan sa akin? Dalawang taon, Jae! Two fucking years na naiwan akong naka-hang! Nakabitin at parang tangang nanghihintay kung kailan ka babalik."

"Eli,"

"Wala kang kahit katiting na ideya what I went through during those years. Habang ikaw nagapapakasaya ka kung saang lupalop ma man nandoon, heto ako, naiwan na nag-iisip, nag-aalala at nasasaktan. Tapos pagdating mo aasabihin mo lang sa akin na mag-usap tayo at hayaan kitang magpaliwanag?"

Hindi ko na napigilan pang magbulalas ng sama ng loob, lahat ng kinimkim ko nitong nakalipas na dalawang taon. Lahat ng mga damdaming pilit kong itinago at itinanggi sa sarili ko.

Lahat ng nga tanong na gusto kong itanong sa kanya nitong nakalipas na dalawang taon.

"Bakit? Kapag nagpaliwanag ka ba sa tingin mo babalik pa tayo sa dati? Hindi na, Jae. Things will never be the same again and that's all thanks to you."

"I know walang kapatawaran ang ginawa ko sa iyo. I was a total jerk pero wala rin akong magawa. I had been lost for two years, maraming nangyari kaya hindi kita nabalikan."

"Just focus on taking care of your child, huwag ka nang mag-abala pang magpaliwanag o lapitan ako kung hindi rin lang dahil sa trabaho. I am done with everything that concerns you. Tapos na ako sa kung ano mang meron tayo noon, kaya please lang, Jae. Pabayaan mo na ako. Hayaan mo na akong makausad."

I look at the other direction para hindi niya makita ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko. I didn't saw it coming, ang buong akala ko ay tapos na akon sa lahat ng sakit na dulot niya. Ang buong akala ko ay tapos na ako sa mga nangyari noon, I was wrong.

Hiding it is not healing at all kaya siguro inadya na rin na magkita kami ulit lada masabi ko ang lahat ng sinabi ko sa kanya kanina.

Pero bakit hindi pa rin ako masaya? Bakit hindi pa rin nawawala iyong bigat sa dibdib ko? Bakit nakakaramdam pa rin akonng sobra-sobrang kalungkutan.

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon