Chapter 14: Fourteen

1.7K 56 0
                                    

Hindi na kami nakapag-usap pa ni Jae kagabi matapos niya akong ihatid. Nang masigurong nakapasok na ako ay agad ko ring napansing umalis na ang kotse niya na nakaparada sa tapat ng bahay ko.

Ipinagtakha kong madali niyang napasok iyong gayong napakaliot ng eskenita kung saan ako nakatira, not unless nahanap niya iyong short cut kung saan pwedeng idaan ang mga sasakyan.

Anyway, bakit ba pinoproblema ko ang sasakyan niya?

Matapos kong isipin si Jae ay sunod namang pumasok sa isip si GM, na ayaw nang magpatawag ng GM at ayaw ng gumagamit ako ng po at opo sa kanya. Bigla akong natigilan sa isiping ang wiwirdo ng mga lalaakeng nakapaligid sa akin, pero sa kabilang banda ay kakaibang pakiramdam ang ibinibigay nilang dalawa.

Napailing ako sa huling sumagi sa isip ko, sinubukan kong alisin iyon sa utak ko at sinabihan ang sarili kong mag-focus na lang sa trabaho. Katatapos ko lang sa isang toxic na relasyon and the last thing I need is another heartache courtesy of those two.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong-hininga sabay pagpapatuloy sa kanina ko pa hindi matapos-tapos na gawain, abala akong iniisa-isa ang ilang revisions na ginawa ng JYB Interiors para sa iba pang detalye ng project namin sa kanila nang marinig kong may tumikhim at nasaglita sa tabi ko.

"Busy ka ghorl? O nagpapakabusy kasi may iniiwasan?"

"Both!" sabi ko pa nang hindi man lang nagtatangkang tinignan kung sino iyon.

It's Chu, boses pa lang niya alam ko na kaya hindi ko na kailangang tignan pa siya para masiguro iyon.

"Wow, sana all! Samantalang ang beauty ko tengga, tigang at nganga. Magshare ka naman ng tips mamsh, o hindi kaya eh magshare ka na lang ng isa."

Itinigil ko ang ginagawa ko at hinarap ko siya, he was still looking at me as if hinihintay akong magreact sa sinabi niya kanina.

"Hoy! Walang ganern, isa pa, wala akong time diyan 'no."

"At saan ka may time aber? Teka nga, kausapin mo nga muna akong bruha ka. Sino ba talagang bet mo sa kanilang dalawa?"

"Kanino?"

"Sus, may amnesia girl?"

Kunwari ay hindi ko alam ang sinasabi niya at nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko.

"Gusto mo talaga ng mag-name drop ako ah. Sige, let me rephrase my question. Sino ang mas bet mo kina GM at JYB?"

Doon ko na itinigil ang ginagawa ko at saka ko siya hinarap. Muli akong bumuntong-hininga at saka muling nagsalita. "Well ang hirap mamili, mamsh! Iyong isa sobrang bait, iyong isa naman tinutulungan ako sa problema ko sa damuho kong ex. So ang sagot ko is..." tinignan ko pang maigi si Chu bago ko sinabi sa kanya ang sagot ko.

"Pa-suspense ka naman diyan, sabihin mo na. Iyong hindi mo mapipili, ako na bahala."

"Excited much, mami? O siya, well okay rin naman ang mabait pero parang okay rin naman iyong nandiyan palage for you."

"Langya ka mami, masasabunutan na kita! Sino nga?" inip na inip pang sabi ni Chu habang hinihintay ang isasagot ko. Gusto ko nang matawa dahil atat na atat na siya kaya naman hindi ko na pinatagal pa iyon.

"Wala, ano ka ba naman. Ano namang palagay mo sa akin? Kahihiwalay lang, magpapalit agad? At saka isa pa, hindi naman tayo sure na totoo nga iyong sinasabi ni Maple. Si Jae naman, katulad ng sabi ko, he's just helping me out. Iyon lang iyon at wala nang iba."

"Suuuuus! Memetey?"

"Luh, ang aksaya mo naman sa tao mamsh!" Sabi ko pa at saka ako tumawa. "Pero seryoso, oo nga. I have no time for that, ayoko nang mag-take ng risk kaya magtatrabaho na lang ako."

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon