Chapter 1: Goodbye

8.9K 168 12
                                    

"Bakit hindi ka magsalita, tinatanong kita hindi ba? Bakit kailangan nating maghiwalay?" Iyan ang makailang ulit ko nang tanong sa kanya ngunit tanging katahimikan lamang ang isinusukli niya sa akin.

Nakayuko habang nakatingin sa semento na para bang wala siyang naririnig, animo'y nabibingi na siya sa kanina ko pa pinauulit-ulit na tanong.

"Bakit mo kailangang makipaghiwalay sa akin? Para saan?" sinusubukan kong pigilin ang mga luha kong anumang oras ay malapit nang bumagsak, sino ba namang hindi maiiyak.

Kagabi lang ay nag-usap pa kami. We're okay, as far as I know we are okay. He even kissed me in the forehead before he left after dropping me at my house. Kagabi lang iyon, sweet pa siya kagabi kaya alam kong okay pa kami. Wala pang bente kwatro oras, here he is asking for a break-up.

So paano?

"Ano? Anong nangyari? Nanaginip ka ba ng masama kagabi? Tapos pagkagising mo narealize mo na hindi mo pala ako mahal? Nalaglag ka ba sa kama at nauntog ka sa semento kaya nakalimutan mo nang mahal mo ako? Magpaliwanag ka! Kahit ano, sabihin mo kung bakit sinasabi mo ngayon sa akin ang bagay na ito."

"I'm sorry?" tipid na sagot lamang niya sa akin. Hindi pa rin napupukaw ng kahit anong pagsigaw ko ang tingin niya sa semeto na para bang nakapagkit ang mga mata niya roon at mistulang nagmukha akong invisible sa harap nito.

"Kausapin mo ako ng maayos, tignan mo ako kapag magsasalita ka." sabi ko sa kanya kasabay ng mahinang pagtulak sa balikat niya.

Kanina pa ako napipikon, kanina pa ako naiinis at sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong bigwasan pero hindi ko magawa dahil gusto kong magpaliwanag siya. Gusto kong sabihin niya sa akin ang dahilan ng pag-iinarte niya.

"I no longer have feelings for you."

"Wow! Talaga ba? Ano iyon, parang kinabag ka lang? Iyong tipong kapag nautot ka na, eh okay na? Tapos na, ganon ba?" nagsimula na akong magtaas ng boses na kanina ko pa gustong gawin.

"Playtime ba 'to? Pinagtitripan mo na naman ba ako, naririnig mo bang lahat ng sinasabi mo? Bakit mo ako gustong hiwalayan?"

"I grew tired of this relationship, ayoko na at ayoko nang saktan ka pa. Mas mabuti na ang ganito, habang maaga pa lang ay maghiwalay na tayo."

"Maaga? Tang-ina, walong taon na tayo. Saan banda roon ang maaga pa, iyong maaga eh 'yong tipong isang buwan pa lang tayo. Iyon ang maaga hindi iyong pagkatapos ng waling taon at saka mo lang maiisip na ayaw mo akong saktan. At ano ang gusto mong maramdaman ko? Matuwa ako dahil sa wakas eh naisip mong hiwalayan ako pagkatapos ng walong taon, gusto mong matuwa ako dahil diyan sa mga pinagsasasabi mo?"

"Nakapagdesisyon na ako, it's over. Tapos na tayo. The earlier you'll accept, the better for the both of us."

Hindi ko alam kung bakit pero tila ba nanadiya ang langit. Nabasa nito marahil ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon dahil nang sandaling tumalikod siya sa akin ay siya namang pagbuhos ng mahina hanggang sa papalakas na ulan. Hindi na rin nagpapigil pa ang mga luha ko at tulad ng ulan ay isa-isa na ring nag-unahan sa pagpatak ang mga ito.

Sinasabi ng puso kong sundan ko siya at pagpaliwanagin siya dahil malabo pa rin ang lahat, ni wala siyang malinaw na dahilang ibinigay sa kung bakit niya ako gustong hiwalayan. Wala nga atang pumasok sa isip ko sa lahat ng sinabi niya.

Nahihilam na ang mga mata ko sa luha at unti-unti na ring lumalabo ang imaheng nakikita ko habang naglalakad siyang papalayo. Nagtatalo ang isip at puso ko hanggang sa huli ay nanatili na lamang akong nakatayo sa gitna ng ulan kasabay ng pag-iyak kong ngayon ay tila na walang katapusan.

Walong taon kong nobyo si Ryan, he was my first and I thought he will be the last. 

" Bakit mo tinitignan iyang libro tungkol sa Switzerland? May balak ka bang bumiyahe?"

Kalalabas lamang namin ng library ni Ryan nang mapansin ko ang dala niyang libro na marahil ay hiniram niya sa loob kanina. Hawak niya ang isang librong tungkol sa bansang Switzerland na siya namang bigla kong ipinagtaka.

Hindi ko alam kung kailan pa siya nahilig sa mga ganoong klaseng babahin, kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitang nagbasa ng kahit anong libro sa geography o kahit anong bansa. Kadalasan ay history books at science book lang ang lage niyang bitbit.

Matalino si Ryan. President siya ng Math at Science club ng buong school at student council president ng dalawang magkasunod na taon.

Paborito siya ng lahat ng teachers namin at halos lahat ng mga kaklase naming lalake ay hinahanggan siya. Hindi naman magkandaugaga sa kakapapansin sa kanya ang mga kaeskwela naming babae na akala mo naman ay mag sinsisilihang bulate sa kilig kapag nakikita siya. At sa estado namin ngayon ay hindi maitatangging ako na ang pinakakinaiinggitan sa buong eskwelahan.

"Ito ba?" tukoy niya sa librong nasa kamay niya.

Tumango ako sabay tingin sa kanya.

"Nagpaplano akong bumiyahe kasama ang mapapangasawa ko. Gusto kong dito tayo magha-honey moon."

Naramdaman kong nag-init bigla ang magkabila kong pisngi, hinawakan ko ang mga iyon dahil pakiramdam ko'y pulang-pula ako dahil sa sinabi niya.

"Magpakasal tayo pagkatapos ng sampung taon. Marami na akong plano para sa atin at kasama ka sa lahat ng mga pangarap ko."

Matapos sabihin no Ryan ang mga bagay na iyon ay saka naman niya ako niyakap. Iyon na yata ang pinakamasayang naramdaman ko nang mga sandaling iyon.

Marami na akong plano para sa atin at kasama ka sa lahat ng mga pangarap ko.

"Ang buong akala ko ay kasama ako sa lahat ng plano mo. Pero bakit? Bakit ganito?"

At kasabay ng patuloy na pagpatak ng ulan ay ang pagdami ng mga tanong sa isip ko. At lalo lamang iyong nadadagdagan nang hindi ko na matanaw si Ryan na tuluyan nang naglaho sa paningin ko nang dahil sa pinaghalong ulan at luha na siyang nagpapalabo sa mga mata ko.

----------

I heared a saddest song today.
Its the sound of your hearbeat not saying my name anymore.

-----

jhieramos.120720

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon