"Wala ba kayong ibang gagawin? Tititigan niyo na lang ako maghapon?" hindi ko na napigilang sitahin sina Chu at Maple na kanina pa nakaupo sa harapan ko kahit wala naman silang sinasabi o ginagawa. Wala ring nagsasalita sa kanila at ang tanging ginagawa lang nila ay ang titigan ako tapos ay papalatak.
Nang hindi pa rin sila sumagot ay doon na ako nainis. Itinigil ko ang ginagawa ko at saka ko sila hinarap at tinignan. "Ano bang trip ninyong dalawa?"
"Tinitignan namin kung normal ka pa ba? Anong pumasok sa utak mo at tinuloy mo pa rin iyong proposal para sa Lidies kahit pa sinabi na ni GM na hindi na natin iyon gagawin?" Hindi na nakatiis kakatitig si Chu at nagsimula nang magsalita. Parang kung nakakamatay lang ang tinging ibinibigay niya sa akin ay malamang na bumulagta na ako ano mang oras sa talim ng mga iyon.
"True, anong trip mo, Elijah? At paano mo nabago isip ni GM na propose pa rin para sa Lidies? Anong sinabi niya?"
Napakawala ako ng lamalim na bunting-hininga bago ko sinagot ang tanong nila. "Ganito kasi iyan," sinenyasan ko pa silang lumapit sa akin para kunwari ay mas klaro nila akong marinig.
Sinunod naman nila ako at nang makalapit sila sa akin ay hinipan ko isa-isa ang mga tenga nilang isa-isa pa nilang itinapat sa bibig ko.
"Funny 'yon? Ano ba, seryoso kaya kami."
"Seryoso din naman ako."
"Saan? Sa kabaliwan mo? Pwede ba Elijah, kung hindi ka pa namin kilala baka pwede mo pa kaming pagsinungalingan. Ano nga iyon? Anong plano mo?"
"Wala akong ibang plano, gusto ko lang ipaalam kay J- I mean sa lalakeng iyon na hindi na ako apektado ng presensiya niya?"
"Ganon lang iyon? Hindi mo man lang siya hihingan ng paliwanag sa mga nangyari two years ago?" Nagtatakha akong tiananong ni Chu. From his expressions, alam kong curious siya sa isasagot ko pero sa halip na sumagot ay nginitian ko lang siya.
"What is it to ask? Ni hindi nga siya ag-abala na magpaliwanag, what makes you think na gusto ko pang malaman ang bagay na iyon?"
"Closure, hindi ba at iyon ang kailangan mo? Ninyong dalawa?"
Tinignan ko lang si Maple, alam ko ang ibig niyang sabihin pero wala na sa isip ko ang mga bagay na iyon.
Ayoko na lang balikan ang lahat ng nangyari dahil na rin sa pinagdaanan ko para lang makalimutan lahat.
"Matagal na kaming may closure, we don't need to talk para lang tapusin ang isang bagay na matagal nang tapos."
"Tapos na ba talaga, Elijah?"
Tinignan pa nila ako ss mga mata, nagpasali't salit sila ng tingin sa akin at sa isa't isa para lang kumoirmahing tama ang basa nila sa akin.
"Tapos na, matagal na. At kaya lang ako pumayag na ituloy ang project sa kanila ay para na rin sa sarili ko, para patunayang hindi na ako apektado at symepre dahil na rin sa trabaho."
Si Chu naman ang bumunting-hininga kasabay ng pagsandal sa sandalan ng upuan kung nasaan siya. Si Maple naman ay nakatingin pa rin sa akin, tapos ay pagkalipas lang ng ilang saglit ay tumayo na rin ito at niyaya si Chu palabas. Nakahinga ako ng maluwag nang tantanan nila ako, ngunit bago pa man sila tuluyang makaalis ay muli akong hinarap ni Maple. Seryoso niya akong tinignan na parang halata pa rin ang pagkadisgusto niya sa ginawa ko.
"This whole Lidies' project thing is still not a good a idea."
"Nag-aalala kayong masyado, I'm fine at hindi na ulit mangyayari iying nangyari dati, promise."
At hindi na siya sumagot, naiiling nila akong tinalikura at saka sila lumabas sa opisina ko.
Nang hapon ding iyon ay nagpahuli ako ng uwi, hindi na ako nahintay ni Adrien dahil may kinailangan siyang puntahan na kaibigan samantalang sina Chu at Mapale naman ay halatang inis pa rin sa akin kay hindi ako sinabayan. Tulad ni Adrien ay hindi ko rin sila masisi lalo na at alam nila kung anong pinagdaanan ko simula ng mawala si Jae 2 years ago. Simula noong bigla na lang siyang hindi nagparamdam at hindi na bumalik mula sa Amerika. Halos lunurin ko ang sarili ko sa kalungkutan at sakit dahil sa hindi ko matanggap na sa pangalawang pagkakataon ay naloko ulit ako.
I tried contacting him, hanggang sa JYB nakarating ako para lang magtanong at makibalita sa kaniya pero walang ni isang makapagsabi sa akin. Walang ni isang makapagbigay sa akin ng kahit anong impormasyon, kaya sa huli ay naiwan akong nakabitin at nasa dilim. And to overcome it, I made myself numb of all the pain. Gabi-gabi akong umiinom at wala ring gabing hindi ako inaalalayan nina Maple, Chu at ni Adrien.
Kaya naiintindihan ko kung bakit nag-aalala sila para sa akin.
Bago ako umuwi ay nagdaan muna ako sa isang coffee shop, balak kong bumili ng cake dahil kahapon pa ako nagke-crave sa matamis. Nasa counter na ako at namimili ng gusto kong bilhin nang maramdaman kong may bumangga sa akin mula sa likuran. Hindi ko na sana iyon papansinin kung hindi lang nalaglag ang hawak kong cellphone.
"S-sorry, Miss. Hindi ko sinasadya, hindi ka rin naman kasi tumitingin."
Sinisi pa talaga ako?
"One strawberry shortcake for Ms. Elijah."
Tinignan ko ang babae sa counter na tumawag sa pangalan ko bago ako tumingin sa lalake para magsorry, hindi ko dapat iyon gagawin pero parang hinihintay niyang humingi ako ng pasensiya sa kaniya matapo ang nangyari.
Agad akong nagtungo sa counter upang kunin ang order kong cake ngunit pagdating ko doon ay dalawang kahon ang nasa ibabaw ng ciunter top, wala rin ang babaeng tumawag sa akin kanina at abala sa pag-attend sa ibang customer kaya hindi ko maabalang tanungin. Tinignan kong muli ang dalawang kahon na nasa harapan ko, parehong may nakasulat na strawberry sa tag na nasa ribbon ng mga ito kaya kumuha na lang ako ng isa at saka ako lumabas para makauwi na ako.
Ngunit hindi pa ako tulungang nakakalayo ay may kamay ng humawak sa braso ko. Sa gulat ay napalingon ako kaagad at ikinahinto ko kung sino ang nakita ko.
It was him, at naulit na naman ang nangyari noong unang beses kaming magkita.
Noong unang beses ulit kaming magkita pagkatapos ng sampung taon.
"I-ikaw? A-anong g-ginagawa mo rito." tapos ay napatingin ako sa braso ko na hawak-hawak pa rin niya.
"Can we talk, Elijah."
Mabilis kong pinalis ang kamay niya sa braso ko at saka ko siya tinalikuran, mabilis rin naman siyang nakahabol sa akin at humarang pa siya sa dadaanan ko dahilan para matigilan ako kaharap siya.
"Wala na tayong ibang dapat pag-usapan pa maliban sa trabaho, Mr. Brillantes, kaya pwede pabayaan mo na lang ako dahil gusto ko nang umuwi."
"Please, Eli. Mag-usap tayo saglit, I'll make you understand everything that happened."
"Understand what? Ano pa ba ang dapat intindihin sa nangyari? Look, Mr. Brillantes, You don't owe me any explanation. Kaya hindi mo na ako kailangan pang habulin para lang kausapin ako. Kung may concern ka about the presentation, go to our office and let settle things there." Tinignan ko siya ng diretso at saka ako nakiusap kung pwede na akong makaalis. "Please lang."
Hindi na siya nagsalita pagkatapos, sa halip ay binigay niya sa akin ang kahon ng cake na dala niya at saka niya ako tinignan. May kakaibang lungkot sa mga mata niya at hindi ko maipaliwanag kung bait pero inaalis ng mga tingin niyang iyon ang kung ano mang inis na nararamdaman ko sa puso ko para sa kanya.
"Nagkapalit tayo ng cake, this is yours." He said while still waiting for me to get the box of cake in his hand. I handed him his, hindi na ako nagsalita, tinalikuran ko na lang siya atb naglakad ako papalayo.
Naglakad ako nang naglakad hanggang sa hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Basta ang gusto ko lang nang mga oras na iyon ay ang makalayo sa kanya, ang makaalis sa harapan niya. Nakarating ako sa isang park, naupo ako sa isang bench na naroon at saka hinihingal na sinapo ang dibdib ko.
Malakas pa ring tumitibok ang puso ko pero alam kong hindi iyon dahil sa pagod. Kundi dahil sa mga sinabi sa akin ni jae kanina.
Ano pa bang gusto niyang pag-sapan namin?
Hindi pa ba sapat na nasaktan na niya ako ng matindi noon?
What is it that he wants this time?
Ano pa bang kailangan niya sa akin?
BINABASA MO ANG
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.