Kabanata 29

6 3 0
                                    

Kabanata 29


"Doon ang bahay niyo, Kroiwen..." anito habang deretso ang tingin sa daan. I was tailing her and when she remarked where our house located that's the moment I walked beside her and glanced at her beautiful face.

"Ihahatid kita..." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniyang mukha.

"You don't need to..." anito habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"But I want to..."

She glanced at me, "kung ito ang paraan mo para mahalin din kita o kahit magustuhan man lang o kung ito man ang paraan mo para ligawan ako, this isn't working, Kroiwen..." anito.

Ouch.

Bahagiya akong natawa dahil sa sinabi niya, "don't assume too much, baby... I just told you my feelings and I'm not yet starting to court you. Hindi pa sa ngayon..."
Napakagat siya sa kaniyang labi bago nagbaba ng tingin.

Pinagmasdan ko siya.

Maya-maya ay dahan-dahan niyang ini-angat ang kaniyang tingin sa akin, makikita sa kaniyang mukha ang kagustuhang magtanong pero makikita rin ang pag-aalinlangan na magtanong.

Ilang segundo ang lumpias na tahimik lang akong nakatingin sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

The street lights became our light to see each others face, maliban sa malinaw na buwan sa itaas katabi ang mga milyon-milyong bituin.

Pero kahit gaano kaganda ang kalangitan ngayon na punong-puno ng naggagandahan at makinang na mga bituin, wala ng mas gaganda sa isang bituin na nasa harap ko ngayon na sobrang hirap abutin.

She's my star, my one and only star. Wala ng bituin na mas kikinang pa kaysa sa kaniya, wala ng makakatalo sa liwanag na hatid niya sa akin.

Huminga siya ng malalim at pinakawalan ito bago tumingin sa akin ng deretso.

"B-Bakit... naman? Bakit hindi mo ako l-ligawan?" kunot noong tanong niya.

My baby is curious, huh?

Pinigilan ko ang ngiti.

"Hmmm." Tumingin ako sa kalangitan at nagpanggap na nag-iisip.

Ilang segundo ang lumipas bago ko binaba ang tingin at sinalubong ang tingin nito. While staring at her, I was captivated by her deep and curious eyes. I smiled and answered her question.

"'Coz I want to get your consent first."

"And why is that?"

Huminga ako ng malalim.

"Gusto kong payagan mo muna ako na ligawan ka, hindi dahil para masiguro kong magiging akin ka kundi para masabi ko sa sarili ko na sa wakas, the girl I love for almost a decade now just give her permission to get to know me and let me know her better. Gusto ko muna makuha ang permiso mo at gusto ko na sa 'yo mismo manggaling na hahayaan mo ang isang tulad ko na ipakilala at magpakilala sa 'yo. Dahil, ayaw ko naman na ipilit ang sarili ko sa taong ayaw akong makilala..."

Bahagya siyang natawa. A small smile crept into my lips.

Beautiful.

"Ganiyan ako sa 'yo noon, bakit pinilit mo pa rin ang sarili mo sa akin?"

"I tried, kahit mahirap kang palingunin sinubukan ko pa rin, kahit marami ang nagsasabing wala akong pag-asa sa 'yo but I still tried, at alam mo ang kinaganda ng pamimilit ko at pagpapapansin ko sa 'yo?" I asked her.

"W-What?"

I smiled at her before raising both of my arms, "this..." sabi ko. "sa tingin mo kapag hindi ko pinilit ang sarili ko sa 'yo, nandito ako sa lagay na 'to? Sa tingin mo kinakausap mo kaya ako? Pinapansin? Naging kaibigan? I don't think so..."

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now