Kabanata 45

19 2 0
                                    

Kabanata 45

"Magkita na lang tayo roon, Condessa!" nalaglag ang panga ko habang pinapanood ang pag-alis ng mga sasakiyan nila. Leaving me and Kroiwen behind. Nakatayo ako at hindi ko alam kung dapat ba akong mamangha dahil sa pag-iwan nila sa akin kasama si Kroiwen o magalit dahil alam naman nila na malamig ang pakikitungo sa akin ng huli!

The last car honked where Dewei, Kaius, and KC were. They really have no plan to give me a ride or anything. They will definitely leave me here! They will absolutely leave me with Kroiwen!

Nauna na ang kotse ni Finn kung saan nakasakay si Kuya Mykel at Rosa, kasunod no'n ang kotse ni Regan at sakay naman niya si Dawn. Tuluyan nang nasa kalsada ang kotse ni Dewei, wala akong ibang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin.

Nasa tapat ako ng kotse ni Kroiwen at ang lalaki ay maaring nasa likod ko o nag commute na dahil ayaw niya akong makasama.

All of them were giving me opportunity to talk to Kroiwen and be with him. But now, less than a minute after my friends abandoned me, I felt the urge to go home. I want to go home and just lock myself in my room. I could already feel the emergence and slowly wrapping of awkwardness between the two of us. I can't move based on my own will because of what I feel inside me, the excitement, nervousness and feeling unwell. And because of the awkwardness that swallowed us whole. Is this really a good time to talk to him? To ask the reasons why he has been cold to me in the past month?

Bumuntonghininga ako bago tumingin sa likod ko, naroon si Kroiwen. Buong akala ko ay umalis na rin ito at iniwan na akong mag-isa roon. He was looking at me—no he was staring at my back earlier, agad itong nag-iwas ng tingin tsaka huminga ng malalim.

Pinanood ko ang galaw niya, hindi siya umalis sa kinatatayuan at nanatili lang roon habang wala sa akin ang tingin at pansin ko ang mabilis niyang paghinga dahil mabilis ang pagbaba at pagtaas ng balikat nito.

Even though he felt my gaze at him, he did not let himself to look back at me. We stayed that way for a minute and then he cleared his throat to maybe get my attention, but it wasn't necessary because I had been looking at him for the whole time.

Pagkatapos ng ilang mimuto na wala sa akin ang tingin ay nagkaroon ito ng lakas ng loob na bumaling sa akin at titigan ako sa mata pero saglit lamang iyon.

"Sakay na." he said in a cold manner and went to the driver's seat and immediately hopped in there. Habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. Naghihintay akong bumaba ito at pagbuksan ako ng pinto pero mukang malabong mangyari iyon.

Palihim ko siyang inirapan tsaka nagtungo na sa back seat at binuksan ang pinto roon. I was ready to hop in but when I heard him roared, I stop myself and stared back at him looking at me from the front seat. His body was twisted at my direction and his eyes were dark and dangerous. Kunot din ang noo nito at halos magdikit na ang makakapal na kilay dahil sa kaniyang pagkakakunot.

"What do you think you're doing?" he asked.

Umirap ako.

"Can't you see? Sasakay ako Kroiwen." iritado kong saad.

Mas lalong nangunot ang noo nito. "At sa back seat?" he asked.

Sa paraan nang pagtatanong niyang iyon ay parang kasalanan na ang maupo sa backseat! It's like forbidden and you'll pay for it with your own precious life!

"Oo naman." matapang kong sinuklian ang tingin nito.

"No, hindi ka riyan sasakay, Con."

"At bakit hindi?!"

"Dito ka sa front seat."

"Ayaw ko." pamimilit ko, "Dito ako."

He shut his eyes hardly. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakakausap ko siya ngayon and I'm getting into his nerves o malulungkot dahil mukhang problema na ako ngayon sa kaniya.

Close To You (Boy Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now